Chapter Twenty Five

26 1 0
                                    

CHAPTER TWENTY FIVE

Nahati sa dalawa class namin. I mean, half tahimik na parang aral aral talaga then half aligaga na nagtatanong kung “Nag-aral ka ba?” tapos tatawa sabay apir pag sinabi na “Hindi eh!” Yung ganun.. Medyo may kaba effect kasi for the qualifying exam. Syempre! Paano pag bumagsak ka? Sayang naman yung 2 years na pinaghirapan mo tapos maaalis ka lang sa Nursing. Sa tingin ko lang. HAHA.

“Good morning, class! Nag-aral ba kayo?” Bati naman samin ni Sir Carlito.

Nakangiti lang halos lahat samin sabay sagot na, “Hindi po.”

Masasabi bang tamad kami? Konting time lang naman din kasi ang meron para makapagreview kami. 2 days para sa lahat ng pinag-aralan na major subjects since first year?! GOODLUCK!

“Expected ko naman nay an isasagot niyo sakin. Well, good luck sa exam!”

Nadistribute na yung answer sheets and questionnaire. 2 sets tapos 100 items each set. Magstart na sana ako magsagot kaso biglang may pumasok sa door kaya na-catch attention ko.

“Ohh! Mr. Razul, why are you late? I thought you’ll take the exam at 7AM. Baka ma-late ka niyan sa flight mo.”

ASDFGHJKL!! Si Kier! Akala ko di na kami magkikita ngayon. Eto talagang taong ‘to, alam na may flight pa mamaya talagang nakipagsabayan pa samin..

“Hindi po yan sir. Sabay na lang ako sa kanila magtake. Saglit lang naman.”

Nakatingin lang ako sa kanya then nahuli niya ko na nakatingin. Then nagsmile lang siya so nagsmile rin ako. Nagtatampo kaya siya? Pero… nagsmile naman siya eh. O_O

**LUNCH BREAK**

Kasama ko nag-eat ng lunch super friends ko. Sa room na lang kami kumain kasi nakita namin crowded sa canteen. Saktong 12PM din kasi kaya maraming tao. Kesa mahirapan humanap ng kubo or table sa canteen, sa room na lang para sure tsaka mas medyo tahimik. Ok, enough with the lunch story.

Hayyy.. Mas nauna nga pala natapos magtake ng exam si Kier kesa sakin. Di man lang ako hinintay para sabay kami naglunch. Feeling ko talaga nagtatampo yun. Timing nga naman. Ngayon pa kung kailan paalis siya tapos 3 weeks kami di magkikita. T__T

“Hey, Maria Chimes. Who’s on your mind? Kanina ka pa tahimik.”

Kahit kailan talaga, magaling makapansin ‘tong si Camara. Alam kasi nila na mas madalas na madaldal at hyper ako. Pero ngayon hindi ako masyado nakibo..

“Uyyy.. May tampuhan sila ni Kier. Kaya ba hindi kayo sabay naglunch ngayon? Eh di ba paalis siya?” Dagdag pa ni Camara tapos may halong asar na rin nila Nessie.

“Ah.. Ehh.. Basta. Punta muna ko restroom..” Para makaiwas muna sa hot seat kahit papaano.

“Maglalabas ka ba ng sama ng loob mo sa CR? Bakit naparami ba kain mo? Hahaha!” Biro naman ni Nessie.

*kroo kroo kroo

“Hindi no. Naiihi ako.” Pero ang totoo medyo I can feel the urge to defecate. Eto mahirap pag marami nakakain eh.

Paglabas ko sa room namin, nakita ko si Kier malapit sa restroom. Magkatabi lang kasi yung rest room ng boys and girls pero sa gitna may drinking fountain. Di ko rin alam kung bakit sa gitna yun nakapwesto.

Nagkatinginan kami.. Pareho kami tahimik. I don’t know what to say.. Should I say something? Bakit nakatingin lang din siya? To break the silence, ako na una nagsalita.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 07, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Twist of Love (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon