Chapter One

102 2 2
                                    

CHAPTER ONE

Summer classes...one of the things na ayoko sa nursing. Instead of going to the beach or magpunta sa ibang country, here we are... stuck in the four corners of the room. Ganun talaga, ginusto ko 'to eh. No one forced me to take up nursing. It was my decision because I really wanted to be a doctor someday kaya I took nursing as a pre-med course.

Before anything else, I'd like to introduce myself. I am Maria Chimes Chiu. 17 years old. Nursing student. Half Filipino and half Chinese. Only child. Mother ko ang Filipino while my father is a pure Chinese.

I don't know anything about Chinese culture because I grew up here in Manila. Two years old pa lang ako nung inuwi na ko sa Philippines ng mom ko kasi mas gusto niya na ma-adopt ko ang Filipino culture. I can speak basic Mandarin. Natuto na rin ako kasi every time magkausap kami ng dad ko, he's teaching me the basics in Mandarin.

...

First day ng summer classes ngayon. 8AM-6PM ang class ko everyday. Ugh. Physics class every morning. (-_-) Simula nung nag-geometry nung high school never na ko natuwa sa analyzations or kahit ano pa 'man na related sa Math. Kapag may simple addition or subtraction nga feeling ko need na need ko ang calculator kaya madalas tuloy sabihin ng mom ko, "Talo ka pa ng dad mo. Sa kanya mano-mano computation kahit mahaba sa papel lang niya sinosolve."

Hindi ko naman super hate ang Math. Sadyang may times lang na nakakainis pag di ko nagegets yung formula or kung paano isosolve.

Parang ang aga ko ata today.. 7:15 AM pa lang nasa school na ko. Mabilis lang siguro ang byahe ngayon. 2 hrs madalas byahe ko from Manila to Cavite. Commute ako everyday. Nakakapagod di ba? Ayaw kasi ng parents ko na magdorm ako, delikado daw kasi. Sanay na rin ako magcommute. Every day ba naman eh. Madalas school-bahay ako. Hindi ako nagala after ng class kasi ayoko naman na gabihin sa daan pauwi.

While looking for our room, may biglang tumatakbo papalapit na sumisigaw sa likod ko..

"Chimes! Mata pa lang alam kong ikaw na. PIKIT kasi eh. HAHAHA."

Ohh.. Si Elize pala. Makaasar talaga 'to. Wagas lagi.

"Hi Elize! Hâo jiû bú jiàn le. Musta na?"

Hao jiu bu jian le = It's been a while

"Ha sha je je?! Ano kamo? Ayan ka na naman sa alien mong language eh."

Weird. Bigla na lang ako napapasalita ng Mandarin lately. Nasanay lang siguro ako nung kausap ko si dad nung 2 weeks na vacation.

"Oops. Sorry. Bakit 'di mo ata kasama si Nichole?"

"Natext ko na. On the way pa lang daw siya. Alam mo naman yun, mabagal kumilos. Akalain mo yun! Pasado tayo sa Anatomy kaya may next sem pa tayo dito sa school. Wooo! Ang saya ko lang nung nakita ko name ko dun sa list of qualified students sa site."

"Oo nga eh. Buti na lang wala masyado natanggal sa batch natin. Siya nga pala, kilala mo ba yung Kier blah blah Razul? Nakita ko kasi name niya dun sa site. Ka-section nga natin eh."

"Ah! Yung new student? Si Kier Bryan Razul? Galing sa higher batch yun. One year ahead satin. Nagstop ng one year kasi pumunta siya ng States kaya ka-batch na natin siya. Ohh, eto na pala sila Nichole at Fred. Tara, puntahan natin."

Paano niya naman kaya nalaman yung mga yun about sa new student? Popular kaya siya kaya kilala siya ni Elize? Iba na talaga pag may connections.

"Hi Chimes! Hi Elize! Swerte natin 'no? Buti na lang wala masyado natanggal sa batch natin tapos magkakasection pa tayo." bati ni Fred.

"Oo nga. Swerte namin kasi araw-araw ka pa rin namin makikita Papa Fred." sabay yakap sila Elize at Nichole kay Fred.

Si Elize and Nichole ay magbestfriend since 1st year first sem pa lang. Swerte nila kasi every time na may reshuffle ng section sa batch namin, hindi sila napaghihiwalay. Si Fred a.k.a. Crush ng Batch ang crush na crush nilang magbestfriend. Pero parang biro lang din naman yung lambing nila kay Fred kasi close friends naman sila.

"Umagang umaga nakayakap agad kayo kay Fred?"

Lahat kami napatingin. Si Fionna pala dumating na. Kung si Elize and Nichole magbestfriend, si Fionna and Fred naman ang magbestfriend. Etong magbebestfriend na 'to parang kambal kasi kung nasan yung isa, nandun din yun isa.

Nakakatuwa sila tignan. By partner talaga, feeling ko ako na lang yung walang kaclose sa batch namin. Yung bestfriend ko kasi nasa Japan na then yung first person na na-meet ko nung first day nung first year pa lang kami, nagmigrate na family nila sa California.

"Ganun talaga! Ganun kami ka-sweet kay Fred. Teka, alam niyo na ba kung saan room natin? Sabi dito sa registration form A-10 room. Never heard room."

"Baka dun sa baba. Check na lang natin. Tamang tama, eto na rin pala si Reynald."

Habang naglalakad kami papunta sa stairs, may nakasalubong kami na di katangkaran at moreno na guy. Hmm.. Mukhang new student. Nakataas ang hairdo, naka-shades, hawak iPhone niya pero mukhang may hinahanap din. Nagstop si Fionna at kinausap yung guy. Ganun siya ka-friendly.

"Hello. Kayo po ba si Kier Bryan Razul?"

"Yes. Ako nga. Section 1-1 ba kayo?"

"Opo. Sama ka na samin, hinahanap din namin yung room. Ako nga pala si Fionna. Eto nga pala si Elize, Nichole, Fred, Reynald at Chimes."

"Nice meeting you all. You can call me Kier."

Twist of Love (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon