Chapter Twenty

35 0 0
                                    

CHAPTER TWENTY

“Kier, yang black na gate sa left side.. Yan na house namin.”

“Ohh.. Mom mo ba yang nasa labas?”

Yung mukhang galit na naghihintay? OO. Anong sermon kaya maririnig ko mamaya? TSK!

“Sorry if di na kita mapapasok sa loob. Tulog na kasi mga tao samin tsaka para hindi ka na rin ma-late masyado pauwi.”

“Ok lang yun no. Ang importante sakin, safe kita na naihatid.”

“Thank you ulit. Ingat ka paguwi. Ingat pagdrive. Wag masyado mabilis ha?”

“Oo naman. Maingat ako palagi. Sige, bye!”

Pagbaba ko sa car niya, nakatingin lang mom ko sakin then binaba ni Kier yung window niya..

“Hello po. Ako po si Kier. Alis na rin po ko.”

Seriously? Naks. Nag-greet pa talaga siya sa mom ko. Plus points! =))

“Uyy Kier.. Thank you sa paghatid sa anak ko ha? Ingat ka pagdrive.”

“Sige po. Bye! Bye Chimes.”

Nakatingin lang ako sa mom ko hanggang sa nakaalis si Kier. Wow ah. Parang kanina bad mood siya tapos ngayon parang biglang baliktad.

Tinignan ko car ni Kier hanggang sa makaalis na siya ng street namin. Belib na ko dun. Di na yun maliligaw. Matandain naman siya sa lugar kaya panigurado di siya maliligaw.

“Hindi ka galit na mas late ako umuwi? 2AM na kaya!”

“Kanina magagalit na sana ko. Hindi ka kasi nagtext! Ikaw bata ka. Pero alam ko naman na safe ka kasama si Kier. Mabait siyang tignan ah.. Katiwa-tiwala.”

Wow. Just wow. First impression ng mom ko kay Kier.. Ano bang meron sa face niya kaya okay na siya agad sa mom ko? Bihira yun ah..

“Kamusta naman yung debut na inattendan niyo?”

“Okay naman po. Bongga nga eh. Marami ako kwento pero bukas na lang mommy ha? Gusto ko na rin kasi magrest..”

“Osya sige. Goodnight, unica.”

*Compose new text message for Kier

Me: Hi, Kier. Ingat ka pauwi ah? Thank you ulit sa paghatid. Please text me pag home ka na. >:D<

*bzzzt

Kier: Welcome. <3 Basta, safe ka.. Yes, mag-iingat ako. Text you later. >:D<

2:45 AM

Nakauwi na kaya si Kier sa kanila? Tagal naman niya magtext.. Medyo inaantok pa naman na ko.. (-__-)

*bzzzt

Kier: Home na ko. >:D< Ligo lang muna ko.  ;)

Ah-huh! Ganun kalinis si Kier sa katawan.. Hindi siya makakatulog ng hindi nakakaligo. Sabi sa inyo eh.. May pagka-chix siya..

Back to school again.. 8AM-3PM lang class namin today kasi may duty nga pala kami ng group namin sa Fabella.. Ugh. 10PM-6AM pa naman. Last duty naman na namin kaya keri langs. *winks

Since sayang pera tsaka nakakapagod kung uuwi pa ko samin, nagstay na lang ako sa dorm ng classmate ko after ng class namin. Dala ko na rin things ko kaya parang magtatravel ako sa sobrang dami ng dala ko.. Well.. Ganun talaga. Gusto ko na magdorm. (T__T)

“Chimes, ang likot mo. Magpatulog ka nga. May duty pa tayo mamaya eh.” Bulyaw ni Nichole sakin..

“Ehh.. Pagbigyan mo na ko. Ganito pala feeling ng nasa dorm. Hehehe.” Sabay yakap ako sa kanya..

Init na ng dugo neto sakin panigurado.. Di ako makatulog kaya mandadamay ako. BUAHAHA.

Makapag-internet na nga lang muna. Wala kasi signal phone ko dun sa dorm ng classmate ko. Buti na lang working yung internet. Pampalipas oras na rin.

Message ko na nga lang si Papa. Miss ko na rin kasi siya eh.

Checking Viber

“Hi Papa. Take care always. I love you so much. :*”

Ano ba ‘to?! Nabuburo na ko. Walang magawa... Walang makausap kasi di ko naman pwede istorbohin si Nichole. Busy naman ata si Papa sa work niya kasi hindi siya nagrereply sa message ko.

Pagcheck ko sa Viber. Online si Kuya Mitch.. Message ko kaya siya? Hmmm.. Wag na. Bakit ganun? Medyo wala na rin ako kilig factor sa kanya. Maybe natabunan na ng feelings ko for Kier. Pero he’s still the almost perfect guy for me. I’m lucky to be his little sister. *winks

Makapag-Facebook na nga lang muna. Tsss.. Bungad sa news feed ko, picture nung ex ko and his girlfriend. They look happy together. Good for them.

Ang hindi ko lang talaga ma-gets eh kung bakit hindi kami friends nung ex ko pero friend ko yung girlfriend niya. (-_-)t Classmate ko kasi sila nung 4th year kaya medyo kakilala ko kahit papaano.

*Facebook notification

Cristopher Santos wants to be your friend. Confirm or Not now?

Teka, bakit yung DP kasama yung ex ko. OH GOSH! Tatay ‘to ng ex ko ah? Bakit niya ko ina-add as a friend?! O_o

Twist of Love (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon