Chapter Four

59 1 0
                                    

CHAPTER FOUR

June, 2012

It's official. Second year college na kami. This sem magstart na exposure namin sa hospitals kasi may duty na. Mixed emotions. Sometimes nagawa ako ng scenario sa isip ko kung what will happen sa first day of duty. Yayyy! Stop worrying Chimes. May orientation pa. 

Everyone is excited pumasok. Masaya magvacation pero wala nga lang allowance. Ang aga ko today, 7:30 AM nasa school na ko. I used the stairs nung papunta ako sa room namin sa 4th floor. Naisip ko exercise na rin yun kahit papaano.

I took a deep breath bago ako pumasok sa room namin kasi alam ko na makikita ko sila Kier. I can still remember the scenario nung summer. Pagbukas ko ng door ng room namin, sakto palabas din pala si Kier so nagtagpo na naman landas namin. Nagkatinginan kami, he smiled at me so I smiled back. This is so not happening. Please, can someone cut this awkward moment?!

"Hi Chimes pikit!" 

Wew. Life-saver. May good side din naman pala ang pang-aasar sakin ni Elize. "Hi Elize! Good morning friends."

Pumunta na ko agad sa seat ko. 2 major subjects namin this sem. MCN (Maternal and Child Health Nursing) and CHN (Community Health Nursing). Interesting yung topics kaya halos lahat attentive sa class. Whole day kami everyday just like nung summer 8AM-6PM ang class.

Kapag napapansin ng profs na hindi na namin naaabsorb yung lecture, they give us 10 mins break. Snack and restroom break na yun. Usually, sa room lang ako nagsstay every time may 10 mins break. Mas gusto ko magstay sa room na may aircon kesa lumabas para pawisan.

Few months have passed..Wala na rin yung issue about kay Nessie and Kier. Actually, inaasar nga sila na love team sa room dahil nga sa nangyari. Tahimik lang naman sila pareho pag inaasar. Kami ni Kier, andun pa rin ilangan. Smile lang kami to each other pag nagkita. Every time magtry siya na magstart ng conversation, I act like I'm busy or I'm in a hurry. Iwas lang talaga ko kasi nahihiya pa rin ako sa sinabi ko nung summer.

One time, kausap ko si Era. She's holding a paper. Medyo familiar yung design. Oh gosh. Outbreak Manila registration form.

"Hi Chimes! May nakaupo na ba sa tabi mo?"

"Ah.. Wala. You can seat here if you like."

She sat beside me para macopy niya yung nasa slides sa power point. Malabo kasi vision niya pero hindi pa siya nagamit ng eyeglasses.

"Era, Outbreak registration form ba yan?"

"Yup. Iniisip ko pa nga kung sasama ako. May swimming kasi kami nun. Ikaw, sasama ka?"

"Hindi pa ko nakapagpaalam eh. Pero gusto ko ma-try sumali."

"Paalam ka. Masaya yan. First time ko sumali jan sa Bonifacio Global City yung venue. Adrenaline rush talaga pag hinahabol ng zombies tapos may fog effects pa."

Outbreak Manila is one of the exciting and heart popping fun run na masasalihan mo. Real persons din hahabol sayo pero the twist is zombie itsura nila. You have 3 flags for your life then pag nakuha na yun ng mga zombies, you're dead na. I know this Fun Run cause I've seen it on YouTube. ;)

"Sige. Magpapaalam ako. October pa naman 'to. Mahaba pa time ko para magpaalam."

 "Eto, may extra copy ako ng registration form. Sayo na lang."

"Ayy.. Sige. Thank you."

Sana naman payagan ako ni mommy kahit gabi yun. Oh well.. Itatabi ko na lang muna 'to. I have to put it somewhere na maalala ko. Aha! Ipit ko na lang sa notebook ko.

Twist of Love (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon