CHAPTER EIGHTEEN

10K 156 19
                                    

KIM'S POV

Nasa tapat ako ngayon ng bahay ni Andrew, promise huli na talaga 'to,ito na ang huling beses na susuyuin ko sya, kung ayaw na nya talaga.. Wala na akong magagawa kundi ang pakawalan sya. Siguro mas maganda na yung mag kaibigan na lang kami para sa anak namin. Kung.. Yun ang gusto nya.

"Kinakabahan talaga ako!"

Umupo ako Ako sa bangketa, hindi ko magawang pindutin yung doorbell, Nahihiya pa rin ako dun sa nangyari nung party ni Sophia. Baka kasi isipin nya Na inutusan ko si Jansen para lang mang gulo sa party at para kaawaan nya ako. Pero, wala naman talaga yun sa intensyon ko eh. Talagang tanga lang ako dahil nag stay pa ako sa party imbis na dumiretso ng uwi.

"Anong ginagawa mo dito?"

Napaangat ang ulo ko dahil sa nag salita. At doon ko nakita si Andrew, nakasakay sa bisikleta tapos may dalang supot, siguro namalengke sya. Haaay, namimiss ko na tuloy yung luto nya. Pero, sinisiguro ko na bukas na bukas din ay mapapauwi ko si Andrew. De Joke lang, wala ngang kasiguraduhan ang gagawin 'kong ito eh. Wish me Luck!

"Ah-Ah, Andrew, kasi.. Nag punta ako dito para makipag ayos. Promise! Huli na 'to! Please pag bigyan mo ako.. Hihintayin kita sa Park na malapit sa bahay ko. 8pm... Mag usap tayo please lang. Pagkatapos nito hindi na talaga kita guguluhin, pabayaan mo lang ako na makapag explain sayo"

Inaayos ni Andrew yung mga dala nyang Plastic. habang seryosong nakatingin sa akin. Hala! sana naman pumayag sya sa gusto ko. Saglit lang naman yun eh. Hindi naman nya ikamamatay kapag nakipag kita sya sa akin.

"Paano kung ayaw ko?"

Napayuko naman ako sa sinabi nya. Grabe naman 'tong tao na 'to! Parang walang puso! Yun na nga lang ang hinihiling ko tapos ganun pa sya kung makasagot sa akin. Anong gagawin ko? ito na sana yung pagkakataon ko para magkaayos kami eh.

"Andrew..sige nanaman oh! promise..hindi na talaga kita kukulitin. Mag papakabait na ako."

Tinaas ko pa yung kanang kamay ko na parang nanunumpa. Syempre with matching Pa-cute face pa! Malay naman natin diba? maawa sya sa akin tapos bigyan ako ng chance na makapag usap kami.

"Oo na! Oo na! ang kulit kulit mo! umuwi ka na nga. Mag kita na lang tayo mamaya"

Alam ko na umaliwalas yung mukha ko. Kasi naman pumayag na si Andrew sa gusto ko. Gagawin ko talaga ang lahat para mapabalik sya! Sorry na lang kay Sophia dahil gagawin ko ang best ko para kay Andrew..Para sa pamilya ko.

"Oh? bakit ka nakangiti? ang sabi ko umuwi ka na."

"H-ha?! ah! Oo nga pala uuwi na ako sige Andrew See you later I love you!"

Sumakay na ako sa kotse ko, super saya ko talaga. Kahit na hindi ako sigurado sa mangyayari mamaya ay masaya pa rin ako. Wag lang talaga na pipigilan ni Sophia si Andrew my Loves! kundi uupakan ko na sya kahit buntis pa sya.

"Oh Kim..masaya ka yata ngayon?"

Dumating na ako sa bahay at umupo sa dining area habang pinaglalaruan yung mga kutsara na pinupunasan ni Manang. Halatang halata pala na kinikilig at masaya ako ngayon. Kasalanan ko ba? eh nakausap ko kasi yung forever crush ko na si Andrew.

"May date po kami mamaya ni Andrew.. Sa May Park po"

"Yie..Maganda yan Anak, ano okay na ba kayo ng alaga ko?"

"Naku manang...malapit na po! malapit ng mabuo ang pamilya ko."

Nag apir kami ni Manang. Para akong naka drugs sa sobrang saya ko ngayong araw. Oa na nga ako eh, wala pa man na nangyayari ay ganito na ako kung makaarte. Paano na lang diba kung Nagkabati na kami? Haay! heaven. Okay okay, tama na itoh! Aakyat muna ako sa kwarto at sisilipin ko muna si Andrey, Kawawa naman yung anak ko.. Baka nababaliw na sa kwarto.

My Husband Lost His MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon