CHAPTER THIRTEEN

8.3K 125 14
                                    

KIM'S POV

Pumunta ako sa garden dahil gusto 'kong makasiguro na maayos yung mga upuan at lamesa.. May Welcome Party kasi ngayon para kay Andrew. Super late na noh? Pero kasi ngayon lang talaga 'to nabigyan ng oras dahil sa marami din kamkng inaasikaso. Lumapit sa akin Si andrew at inabutan ako ng isang basong tubig.

"Kailangan pa ba talaga na may Welcome Party ako? Diba pwedeng wala na lang 'to?"

"Andrew, hayaan mo na.. Ito ang gusto ng parents mo eh. Pag bigyan mo na lang.. Remember? Hindi ka pumunta nung Birthday Party mo sana.."

Nag lakad ako sa kabilang sulok para ayusin yung sapin sa isang lamesa.. Sumunod naman sa akin si Andrew tapos ay umakbay sya sa akin.

"Ibang kaso naman yun eh. Ayokong humarap sa maraming tao"

Tumingin ako kay Andrew at nakita ko sa mukha nya na sobrang ayaw nya ngang humarap sa maraming tao. Hindi naman pwede na takasan nya 'to malamang na magagalit yung mga magulang nya kapag nag kataon na hindi sya humarap sa mga tao.

"Teka nga? Bakit ba kasi ayaw mo? May pinag tataguan ka ba?"

"Wala naman.. Kaya lang kasi... Nahihiya ako. Ayoko talaga."

Hinawakan ko yung kamay ni Andrew at marahan 'kong pinisil yun. Grabe naman 'to si Andrew nagka Amnesia lang nagkaganito na. Dati naman okay na okay sa kanya ang pumunta sa mga party ngayon naman biglang ayaw na nya. Naging mahiyain na. Hindi ko naman alam ang gagawin ko dahil hindi ko naman pwedeng kunsintihin yung kagustuhan nya.

"Wag ka ng mag-alala, nandito lang naman ako.. Sasamahan kita mamaya kahit mag mukha pa akong alalay mo."

Niyakap naman ako ni andrew nung sinabi ko yun. Sakto naman na napadaan si Sophia kaya nakita nya kami ni Andrew na magkayap. Kaya naman mas lalo ko pang hinigpitan yung pag yakap ko Kay Andrew with matching Pikit pa para lalo syang mainggit sa amin ni Andrew. Nakalabas na pala sa ospital yung anak nyang si Sophia kaya mapapadalas na dito sa bahay ang ipokrita na yan. Pero infairness ha medyo mabait na sya ngayon, hindu na kasi sya gaanong lumalapit kay Andrew. Pero hindi ako dapat na magpaka kampante baka mamaya may binabalak pala yan.

"Thank you Kim... Basta wag mo akong iiwan ha?"

"Oo naman, mag hoholding hands lang tayo hanggang sa matapos yung party mo. Hinding hindi ako mawawala sa tabi mo. O sya, umakyat ka na muna sa kwarto.. Tingnan tingnan mo muna si Andrey."

Humalik sa pisngi ko si Andrew bago sya tuluyang umalis. Pagkaalis naman ni Andrew ay syang lapit sa akin ni Sophia. Noong una ay ayaw pa nyang mag salita kaya naman nag lakad ako palayo sa kanya. Kaya lang sunod naman sya ng sunod sa akin kaya humarap na ako sa kanya. Nakakainis kasi para syang aso na buntot ng buntot.

"Kung may sasabihin ka.. Sabihin mo na hindi yung para kang aso dyan na sunod ng sunod."

Pero.. Hindi pa rin nag salita si Sophia.Nakatingin lang sya sa akin.. Ano ba 'to? Titingnan nya lang ba ako buong mag damag? Tinaasan ko sya ng kilay para mainis sya. Pero walang epekto dahil nakatingin pa rin sya sa akin. Ang lakas ng trip ng babaeng 'to bahala nga sya dyan! Aalis na sana ako ng hawakan nya ako sa braso ko.

"Sandali lang Kim..."

Kumunot yung noo ko ng pigilan nya ako sa pag-alis ko. Baliw din 'to eh noh? Kung kailan paalis na ako tsaka sya mag sasalita. Kaninang tinatanong ko kung anong sasabihin nya ayaw naman mag salita. Ang lakas din ng trip ng babaeng 'to eh. Pero wala akong nagawa at huminto na lang ako sa tapat nya.

"Gusto ko lang sana na... Magpasalamat kasi tinulungan mo ako na ipagamot si Intoy."

Nawala naman bigla yung inis ko sa kanya.. Ewan ko ba parang naawa ako sa kanya. Kasi alam ko na matindi yung pinagdaanan nya nung nagkasakit yung anak nya. Halos hindi na nga kami nag kikita dito sa bahay eh. Pero,okay na rin yun atleast iwas away kaming dalawa. Napayuko lang ako dahil wala akong maisip na sasabihin sa kanya.

My Husband Lost His MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon