PROLOGUE

52K 400 17
                                    

Hindi po ito ang Book 2 ng I'm Pregnant. Ginawa ko lang po ito para sa mga nakakamiss kay Andrew at Kim. At gusto ko lang sana ipakita kung paano ko ipagpapatuloy ang kwento kung hindi natsugi si Andrew. Inuulit ko po hindi ito ang Book 2 dahil hindi na po pwedeng magkaroon ng Book 2 ang I'm Pregnant. Isang kaechusan lamang po ito.

Mas maiintindihan nyo po ang kwentong ito kung babasahin nyo po ang I'm Pregnant pero kung ayaw nyo naman.. Okay lang.

PROLOGUE

Nang dahil sa isang trahedya ay nagkahiwalay kami.. Because of the tragedy My Husband Lost his Memory.

"Sino ka? hindi kita kilala"

Yan ang sinabi sa akin ng asawa ko matapos ang ilang Buwan naming hindi nagkita.

Akala ko ay nagbibiro lang sya pero bakas sa Gwapo nyang mukha ang matinding pagkalito.

Ilang araw, linggo at Buwan ko syang hinagilap tapos malalaman ko na lang na hindi na nya ako kilala.Hindi ko alam ang dapat 'kong maramdan dahil sa isang iglap ay nakalimutan nya ako

Hanggang sa nalaman ko na nagkaroon sya ng Amnesia.

Paano ko ipapaalala sa kanya na ako ang asawa nya

Paano Ko ipapaalala sa kanya na kailangan sya ng anak namin

Gusto 'kong ipaglaban ang pagmamahal ko sa kanya.

Gusto 'kong ibalik ang masaya naming samahan.

Pero paano ko Gagawin yun kung ang kalaban ko ay ang Ala-ala nya?

Pero hindi ako Mawawalan ng Pag-asa...

The heart Remembers What the Mind Forgets.

My Husband Lost His MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon