CHAPTER FOURTEEN

7.7K 126 26
                                    

KIM'S POV

Nagulat ako ng magising ako na walang saplot. At makita si Jansen na kaparehas ng ayos ko. Paanong nangyari 'to? Pinakiramdaman ko ang sarili ko, alam ko na walang nangyari sa aming ni Jansen.

Paano ba kasi nangyari ang lahat ng 'to? ang huling naaalala ko lang ay tinawag ako ni Sophia para tikman yung niluto nya pagkatapos nun ay di ko na alam ang mga sumunod pang nangyari. Tumayo ako agad at nag bihis. Hindi ko na inintindi pa si Jansen ang mahalaga ay makita ko si Andrew.

"Andrew! Andrew!"

Nag iikot ako sa buong bahay.. Pero hindi ko makita si Andrew, malamang na nakita na nya kami ni Jansen. Habang nag lalakad ako ay nakasalubong ko si Sophia.

"Anong ginawa mo sa akin ha?! Alam ko na ikaw ang may pakana nito!"

Hinawakan ko sa braso si Sophia. Yung hawak na sobrang higpit walang akong pakielam kung masaktan ko sya! ang sama sama ng babaeng 'to! akala ko pa naman seryoso sya sa pakikipag ayos sa akin yun pala hindi naman!

"a-aray! ano ba Kim? bakit mo sakin sinisisi yung ginawa nyo ni Jansen."

"Wag mo kong lokohin Pwede?! Sumosobra ka na talaga!"

Tinulak ko si Sophia kaya napa upo sya sa sahig. Bigla na lang syang umiyak habang Nakatingala sa akin. Sobra na talaga ang inis ko sa kanya. Sabi ko na nga ba hindi ako dapat na nag tiwala sa kanya. Ang ahas ay mananatili pa ring ahas.

"Kim! anong ginagawa mo kay Sophia? Ang galing mo rin eh noh."

Inalalayan ni Andrew si Sophia na makatayo. Si Sophia naman ay biglang yumakap kay Andrew. Ang galing! ang galing nya lang talaga na umarte. Tapos si Andrew? ayun nakatingin ng masama sa akin. Okay, mukhang si Sophia pa rin ang pinaniniwalaan nya.

"Andrew! sya ang may pakana ng lahat. Don't believe her! Please..Please.."

Unti unti akong lumapit sa kanya. Tapos ay hinawakan ko yung braso nya para naman kumalma sya. Kinakabahan talaga ako habang palapit sa kanya.

"Wag mo 'kong Hawakan Kim! nandidiri ako sayo! Napakasinungaling mo."

Tinabig ni Andrew yung kamay ko. Nakatingin sya sa akin ng masama na para bang mangangain. Nakakatakot si Andrew, alam ko na galit na galit sya sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko? hindi ko alam kung paano nya ako paniniwalaan.

"Andrew..makinig ka muna sakin.."

"Wala kang dapat na ipaliwanag! dahil kitang kita ko kayo ni Jansen!"

Iyak na ako ng iyak. Halos hindi na nga ako makahinga eh, ayokong magalit sa akin si Andrew. Alam nyo naman yun diba? Hindi na ako gagawa ng mga bagay na ikakagalit nya. Pero eto, nagagalit sya sa akin sa kasalanang hindi ko naman talaga ginawa. Alam ko na si Sophia lang ang nasa likod ng lahat ng 'to. Hindi rin naman magagawa yun ni Jansen sa akin eh.

"Anong nangyayari? Tsaka bakit ako nandito? Tapos na ba yung party?"

Bumaba sa galing sa kwarto si Jansen. Halatang pati sya ay walang kaalam alam sa nangyayari. Nung makita nya akong umiiyak ay agad syang lumapit sa akin at itinago nya ako sa likod nya. Wala akong nagawa kundi ang umiyak na lang sa likod nya. Buti pa si Jansen laging nandyan para protektahan ako.

ANDREW'S POV

"Ano bang nangyayari? Tsaka bakit nagising ako kanina na nakahubad?"

Tanong ni Jansen. Kinuyom ko yung kamao ko, isa pa 'tong magaling na umarte. Pinag usapan siguro nila 'to ni Kim. Kunwari wala silang mga alam tapos idadamay nila si Sophia. Alam ko naman na galit sila kay Sophia kaya sya na lang ang ituturo nila para makalusot sa ginawa nilang kalokohan. Pwes, wala akong panahon para makipag lokohan sa kanila.

My Husband Lost His MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon