TRT.18 > All Hell Break Loose!

4.3K 135 20
                                    

Dedic ang chapter na toh kay Dorshy dahil sa success ng ANG KAPITBAHAY KO,congrats dorshy! :)

Third Person POV

Nagulat si Page sa bilis ng pangyayari. Hindi nya inakala na aabot sa ganito ang lahat,nandun sa labas ang tropa nya at mga malalapit sa kanila nakikipag sagupa sa Gang ni Byron. Hindi matiis ng kanyang konsensya na nandito sya sa loob ng mini hotel samantalang si Ian ay nasa labas. Nilingon nya ang mga crew,lahat ng mga ito ay tahimik lamang. Napaka delikado sa labas dahil batid nyang hindi lamang si Byron ang armado ng baril,maging ang gang siguro nito.

Lumabas sya ng mini hotel ng walang nakakapansin sa kanya at nagtatakbo sya papunta sa mga ito ngunit nakarinig sya ng putok ng baril,kasunod nun ay ang pagtumba nya sa buhangin. Sya pala ang tinamaan at sa hita ito.

Tumihaya sya para makita kung sinong bumaril sa kanya at nagimbal sya ng makitang si Keisha ito,naka ngiting demonyo.

"Habang nagkakagulo ang lahat,walang makakapansin na wala ka na,at walang makaka alam na patay ka na" nakangising sabi ni Keisha,gumapang ang kilabot at galit kay Page.

"Kailan mo ba ako titigilan? Sayo na si Byron kung gusto mo! May iba akong mahal" hirap na sagot ni Page,napalingon sya sa hitang may tama ng baril,walang tigil ang pag agos ng dugo dito.

"Ha! At akala mo ganun lang yon kadali? Mahal na mahal ko si Byron,pero sayo sya napunta! At ngayon sinaktan mo ang damdamin nya kaya magbabayad ka! Wala kang karapatang saktan ang taong mahal ko!" singhal naman ni Keisha at binaril ang kaliwa nyang hita. Napasigaw si Page sa sakit,tumulo ang luha nya.

Paniguradong hindi sya makakalakad nito.

"Napaka demonyo mo!" galit na sigaw ni Page ngunit wala syang magawa dahil namimilipit syang nakasalampak sa buhangin.

"I know,I know,you dont need to remind me,Nephrine,iturok mo na ang pampatulog" ani Keisha.Lumapit kay Page ang tatlong babae at hinawakan ang magkabila nyang kamay para hindi makapanglaban,at ang isa ay may tinurok sa kanya,ilang saglit pa nakaramdam ng pagka antok si Page at nakatulog.

Nagising si Page ng may tubig na bumuhos sa kanya,napapiglas sya,kasunod non ay mga malulutong na halakhak ang sumalubong sa kanya.

"Nasan ako?" aniya sa isip. Inilibot nya ang paningin,parang lumang bahay,iginalaw nya ang mga kamay at paa,napamura sya ng malamang nakatali sya sa pader. Nakataas ang dalawang kamay,ramdam pa din nya ang sakit ng sugat sa magkabilang hita.

"Kamusta naman ang pakiramdam?" nang uuyam na sabi ni Keisha sa kanya, kasama pa din nito ang mga alipores nya. Ramdam ni Page ang nagsusumidhi nyang galit kay Keisha, kung sana hindi sya nakatali ay napatay na nya ang babaeng ito.

"Ano bang gusto mo? Anong kasalanan ko sayo?!" di mapigilang sabi ni Page kay Keisha.

"Hindi mo alam o tanga ka lang? Sinabi ko na kanina diba? Oh well para sa huling araw mo sa mundo ay uulitin ko" ani Keisha,sumenyas sa kasama at muling binuhusan si Page ng tubig,sa pagkakataong iyon ay mabahong tubig. Napapapikit na lamang si Page.

"Inagaw mo sa akin si Byron! Ang lalaking minahal ko ng sobra! Ibinigay ko sa kanya ang lahat lahat sa akin! Masaya na sana ako sa ganun kaso bigla kang dumating at inagaw mo ang atensyon nya!" galit na sabi ni Keisha sabay sipa sa kanang hita nya na may tama ng baril,napasigaw si Page at humalakhak naman ang mga ito.

"Wala akong inaagaw sayo! Hindi ko na kasalanan kung pinag sawaan ka nya!!" ani Page.

"Sinungaling!" sabay bigay ng malakas na sampal kay Page,nabigla si Page,pakiramdam nya namanhid ang mukha nya dahil sa sampal.

"Hindi ka pa nakuntento! Shinota mo pa si Byron at nagmalaki ka pa sa akin! Alam mo ba kung gaano iyon kasakit? At ngayon malalaman kong sinasaktan mo ang damdamin nya? Wala kang karapatan!" sabay sipa ulit sa kabila naman nyang hita at diniinan pa talaga,napaluha na lamang si Page.

THE RIGHT TIME (Love Takes Time 2nd half) COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon