TRT.11.3 <3

4.5K 136 9
                                    

Ito ay dedic kay Juribee :) dahil miss ko na si Yohan,Lawrence at Lian :D

Ian's POV

Hindi umuwi si Page sa bahay,at tanging ako lang ata ang nakapansin,dahil ng umuwi parents nya ay dumeretso na ang mga ito sa silid nya.

Malungkot kong inimpake ang mga gamit ko dahil ngayong gabi din ako aalis,mabuti ng ganito para hindi na ako mas masaktan pa kung nasa iisang bahay pa din kami pero ganun sya sa akin,pero sa school pwede pa,hindi nya mahahalata na nakabantay ako at nagpaplano pano sya maibabalik sa dati.

Umalis akong mabigat ang kalooban,nag iwan lang ako ng sulat sa ilalim ng pinto ng kwarto nina Tita.

Tinawagan ko mga magulang ko na babalik na ako dun sa condo ko at kung ayos pa ba yon. Sinabi ni Dad na may nakabili na daw sa unit ko at kung pwede ay sa Montenegro Manor muna ako kasama mga pinsan ko at si Lolo.

Pumayag na din ako,tutal kailangan ko ng mga makakausap,baka matino kong makausap si Kuya Dex at Ian at iba pa naming pinsan,at saka para makabawi na din sa mga panahong hindi ko nakasama si lolo.

9pm dumating ako sa Manor,nag doorbell muna ako,at himalang si Kurt ang nagbukas. Dito kasi sa Manor hindi uso ang mga maids,kumbaga,kami kami ang kikilos maliban sa taga luto at taga laba.

"Oh Ian! Kamusta?" salubong nito at pumasok kami at naglakad papunta sa main door.

"Eto,madami kaming problema ngayon,kakalabas ko nga lang sa kulungan tas panget ang sasalubong" malungkot kong sabi.

"Bakit insan anong nangyari? Kami din ni Eiko may prob pa,anyways tara na,maya mo yan ikwento" anito at pumasok na kami.

Pagliko namin sa living room nandun ang mga pinsan ko at si Lolo,mga nagtatawanan.

"Ian!" gulat na sabi ni Lolo ngunit ngumiti din,ako na ang lumapit at nagmano saka sya niyakap.

Nagkamustahan lang,kwentuhan,nakipagbiruan sa iba pa naming pinsan. Ng mapagod na nagsitulugan na sila maging si Lolo.

Ako,si kuya Dex at si Kurt ay pumunta sa garden para pag usapan ang problema ko,may mga beer din kami,pero hindi ako magpapakalango,maaga akong pupunta sa Starville bukas eh.

"Kamusta nga pala ang paghahanap kay Kreyd?" tanong ko,bigla ko kasi naalala ang pinsan naming iyon.

"Heto,wala pa din kaming balita" ani kuya Dex.

"Ayaw naman din kasi ni Lolo na itelevise din,madaming hahabol,at saka nakaka awa si tito,sobrang depressed na" dagdag pa ni Kurt saka tinungga ang bote nya ng RH.

"Ikaw ba? Ano yung sinasabi ni Kurt na problema mo?" tanong ni kuya Dex,at walang labis walang kulang kong ikwenento ang lahat,maging sila parang naguluhan at nahirapan sa sinabi ko.

"Oh boy,ang hirap nga ng sitwasyon mo" nasabi na lang ni kuya Dex.

"Pero sige insan,suportado namin ang plano mo" dagdag naman ni Kurt.

----

Page's POV

Ginising ako ni Byron dahil papasok na pala kami,hindi na pala ako nakauwi kagabi,napagod ako sa ginawa ni Byron.

Habang nasa byahe kami papunta sa school ay napangiti na lang ako,who would have thought na matitikman ko ang Mr.Campus?

Sabay pa nga kami naligo kanina at may nangyari ulit,nawili masyado ang mokong.

Pagdating sa Starville ay nagpark na at lumabas kami sa kotse,hinawakan nya ang kamay ko at pinag intertwined habang naglalakad kami,todo ngiti si gago.

Napataas ang kilay ko ng makita si Keisha at ang mga alipores nya na palapit sa amin.

"Byron whats the meaning of this?" galit na sabi nito,tiningnan ko muna si Byron,tumango ito hudyat na ako ang sumagot.

"Im sorry bitch pero kami na" sabi ko sa kanya,kumukulo ang dugo ko sa babaeng ito,sya ay isa sa dahilan ng paghihirap ni Page.

"What? Ipinagpalit na talaga nya ako sa isang bakla?! I cant believe this" OA na sabi nito na lalo nagpangitngit sa akin.

"Please bitch,its for real,tapos na araw mo,nilaspag ka lang nya,ngayon wala ka na silbi kay Byron kaya umalis alis ka sa harapan namin,naaalibadbaran ako sayo"

"Ang kapal ng mukha mo! Mang aagaw!" galit na wika ni Keisha na sasampalin dapat ako pero inunahan ko sya ng sampal.

"Fag! Byron wag mo syang pabayaang ganituhin ako"

"Im sorry Keisha pero totoo sinasabi ni Riley,kaya please lubayan mo na kami" sagot ni Byron dito,susugod sana si Keisha ngunit naawat ito ni Toff. Kadadating lang pala nila.

"Kayo na bahala dyan,ihahatid ko lang si Riley sa room nya" paalam ni Byron at umalis na kami,kita ko ang pagtataka sa mga mata ng gang ni Byron.

"Oh pano bie,kita kits mamayang break" ani Byron ng nasa tapat na kami ng classroom,ngumiti lang ako at hinalikan sya ng torrid na tinugon naman nya. Alam kong nakatingin na sa amin ang mga kaklase ko pero wala akong pakialam.

"Wew! That was intense! Huwag na tayong pumasok,sa bahay na lang tayo" naka ngising sabi ni Byron matapos ang halikan namin.

"Baliw,now go! Baka malate ka pa" nag smack lang ako sa labi nya at pumasok na ako sa room,nakangiting umalis si Byron.

Makalipas lang ang ilang minuto ay dumating na ang Prof namin at natahimik na sa pagbubulungan tungkol sa akin ang mga hunghang.

"Class,may bago kayong magiging kaklase" anito. "Ijo pumasok ka na" dagdag nito.

Ganun na lang ang gulat ko ng makita kung sino ang bago naming kaklase. Yung lalaki kahapon.

"Please do introduce yourself"

"Good morning everyone,Im Ian Paul Montenegro,actually graduate na ako pero may nagtulak ulit sa akin para mag aral,and I hope,we can get along" sabi nito na sa akin nakatingin,no! Hindi nakatingin,nakatitig.

I dont know what happen pero parang bigla kumirot ang puso ko ng titigan ko ang kanyang mga mata.

THE RIGHT TIME (Love Takes Time 2nd half) COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon