TRT.13 <3

4.2K 132 16
                                    

IAN's Point of View

Dumating ang araw ng Tree planting,naeexcite ako dahil kahit papaano masosolo ko si Page at may pagkakataon na makausap ko sya.

Huwag lang sanang umapela si Byron dahil hindi ko na talaga sya matatantya pa. Alam kong gagawa at gagawa ng paraan ang gagong yon para mailayo ng tuluyan sa akin si Page,pero syempre hindi ako papayag.

Dumating ako sa starville at nakabalandra na sa tapat ng Gymnasium ang bus na gagamitin namin,naupo muna ako sa isang tabi habang pinagmamasdan ang mga kaklase ko na labas pasok sa bus at si Sir naman ay kausap yung driver ata.

Maya maya ay nakita ko na si Page at Byron na padating,naka akbay pa ang gago at todo ngiti habang nag uusap sila,ang masakit lang,nakangiti si Page sa kanya at mukhang masaya,dati ako yon eh,dati ako nagpapangiti at nagpapasaya sa kanya eh,pero ngayon hindi na,pero kahit gaano kasakit eh kailangan ko magtiis,kailangan ko indahin ang sakit.

Tumigil sa tapat ng bus ang dalawa at nagpaalaman,alam kong hindi nila ako napapansin mula dito sa kinauupuan kong bench,hinalikan na ni Byron si Page sa labi bilang pagpapaalam.

Shit! Damn you Byron! I'll wreck your neck! Nakakadami ka na!

Nakita ako ni Sir at sinenyasang sumakay na sa Bus,tumayo na ako at tinungo ang Bus,nilampasan ko si Byron,hindi ko sya tinapunan ng tingin,masyadong mataas ang kompyansa nya sa sariling hindi maibabalik sa dati si Page,pero malakas ang pakiramdam ko na kaya ko syang maibalik sa dati,walang sino o ano mang makakahadlang sa pagmamahalan namin ni Page,kahit pa si Kamatayan.

Ng makaakyat na ako sa bus ay tumingin tingin ako kung may bakanteng upuan ngunit lahat ay okupado na ng mga estudyante.

"Ian,dun ka na lang sa tabi ni Icban" ani Sir,nakita ko ngang walang katabi si Page at nakatingin sya sa akin ng blangko ang ekspresyon ng mukha,lumapit na ako.

"Patabi ah?" sabi ko

"I dont mind" aniya at ibinaling ang tingin sa bintana. Napabuntong hininga na lamang ako at tahimik na umupo sa tabi nya.

Ilang sandali pa at umandar na ang Bus,nagsimula na din silang magdaldalan at magkwentuhan.

"Sir anong benefit ng gagawin natin?" tanong ng isa.

"Makakatulong tayo sa kalikasan" sagot ni Sir.

"Sir pwedeng magtanim ng Dwarf willow?" segunda pa ng isa.

"Hindi ba't yun yong smallest tree?" ani Sir.

"Opo sir!"

"Pwede naman,basta sa noo mo natin itanim" sagot ni Sir na ikinatawa ng mga pobreng estudyante.

Nilingon ko ang katabi ko,nakatingin pa din sa bintana at may nakasalampak na earphone sa mga tenga at naghahum. Pinakinggan kong mabuti kung ano iyon.

"Basta't kasama kita,hmmn hmnn..." ang pag hum ni Page,napangiti ako,iyon yung kanta ko sa kanya nung birthday nya.

Inilabas ko sa bag ko ang mga dala kong junk foods at kinalabit si Page,hindi naman ako nabigo dahil nilingon nya ako.

"Gusto mo?" alok ko sa kanya ng Piatos pero tiningnan lang nya ako at muling tumingin sa bintana.

Haaay! Kainis! Mas kaaya aya bang tingnan ang mga nadadaanan namin kesa sa pagmumukha ko? Ano na bang nangyayari sayo Page?

Ibinaling ko na lang ang atensyon ko sa Piatos habang nakikinig sa mga kasama namin na nagkekwentuhan at nagkakantahan.

Pagkaraan ng isa't kalahating oras narating na din namin ang bundok na tataniman namin.

Isa isa na kaming nagbabaan,aalalayan ko sana si Page pero tinaasan lang ako nito ng kilay,haay!

Ilang saglit pa ay umaakyat na kami sa bundok,malubak pero ayos lang dahil katamtaman lang ang sikat ng araw,tiningnan ko ulit si Page na parang hirap na hirap sa pag akyat,gusto ko sana mag offer ng tulong kaso baka mareject na naman eh.

"Sir ilang bundok ba aakyatin namin?"

"May dagdag ba ito sa grades namin?"

"Malapit na tayo,and yes dagdag ito sa grades nyo" sagot ni Sir.

Ilang sandali pa at nandito na kami,nagkanya kanya na ng pwesto ang mga ito.

"Okay class,ayusin nyo ang pagtatanim,laliman nyo para maganda ang pundasyon,at pagkatapos ay diligan nyo" paalala ni Sir. "at pagkatapos nyan,maglunch na at magpahinga saglit then pupunta na tayo sa next destination" dagdag ni sir, maging ako nagtaka dahil may iba pa palang pupuntahan?

"Saan po sir?" si Page ang unang nagtanong at sa unang pagkakataon ngayon lang sya nakisali sa usapan.

"Basta,sige na,simulan na ang pagtatanim" sagot ni Sir at nagkanya kanya na kami ng gawain. Sa tabi ako ni Page nagtanim habang sya ay abala sa paghuhukay.

"Psst Page,gusto mo tulungan kita?" tawag pansin ko sa kanya.

"Anong akala mo sakin lampa? May kamay ako,kaya kong magtanim mag isa" bara nya sa akin. Shit! Ang taray talaga!

"Ito naman,ang sungit mo,nag aalok lang ng tulong eh" sabi ko naman,nilingon nya ako ng salubong ang mga kilay.

"Pwede ba? Tantanan mo ako,stop pestering me!" singhal nya. Nagulat ako at napahiya. Ibang iba na talaga sya,tumahimik na lamang ako at itinuloy ang pagtatanim.

"Sir san pwede kumuha ng tubig na pandilig?" maya maya ay sabi ni Page.

"May malapit na ilog dito Mr.Icban,baybayin mo lang ang gilid ng kakahuyan" sagot ni Sir.

"Samahan na kita" sabi ko,pero muli,hindi na naman nya ako pinansin.

Pareho kaming may bitbit na plastik na lalagyan ng tubig,ng makarating sa ilog ay sumalok na kami,pagkatapos non ay kinuha ko ang pagkakataon para makausap sya.

"Page pwede ba tayo mag usap?" ani ko.

"Im Riley not Page,hindi ka ba marunong umintindi sa sinabi ko kanina? Stop pestering me" singhal nya sa akin,tinitigan ko sya sa mga mata ngunit wala akong mabasa dito,blangko.

"Hindi mo ba ako naaalala? At ang relasyon natin?" sabi ko naman bilang pambabalewala sa mga sinabi nya.

"Tantanan mo ako Mister.Montenegro,hindi ako natutuwa sayo,baka magalit pa si Byron dahil sa ginagawa mo,at wala akong natatandaang karelasyon kaya huwag kang mangarap,tigilan mo ako" sagot nya pero hindi ako nagpatalo,hindi ko isusuko ang baraha ko.

"Si Byron? Mahal mo ba sya?" hinawakan ko na sya sa dalawa nyang kamay,napaigtad sya bigla.

"Oo,kaya pwede? Umalis ka dyan at ng madiligan ko na yung tinanim ko" sagot nya ng walang pag aatubili.

Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko,nanginig ang kalamnan ko at nag init ang mga mata ko. Ang sakit pala lalo pag mismong sa mahal mo manggagaling na hindi ka nya mahal,parang dinidikdik ang puso ko,ang sakit sakit.

"PUTANG INAAAAAAAA!!!!!" sigaw ko ng mawala na sya sa paningin ko,ito lang ang tanging paraan para kahit papaano mailabas ko yung sakit na nararamdaman ko,o kahit mabawasan man lang,hinayaan kong tumulo ang aking mga luha,dito walang makakakita sa akin,dito malaya kong mailuluha ang pighati ko.

~ what can you say? ;)

THE RIGHT TIME (Love Takes Time 2nd half) COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon