TRT.o9 > Bastat Kasama Kita

4.6K 137 8
                                    

Page's POV

Simula nung araw na masaksihan ng tropa yung nangyayaring pagsakit ng ulo ko,walang minuto na hindi ako nakakatanggap ng text at tawag sa kanila,medyo nakakainis din dahil pakiramdam ko para akong batang kailangan bantayan dahil sa taas ng lagnat.

Everyday sinusundo ako ni Koy at ihahatid sa room ko which is nakakatuwa dahil parang wala talaga syang planong atrasan si Byron,lalo pa at classmate ko nga ang isa sa kanila,si Toff, araw araw nagpapalitan ng masamang tingin ang dalawa,araw araw nagsusumbong si Toff kay Byron at araw araw akong pinupuntahan ni Byron para lang pakiusapan na layuan ko ang tropa.

Medyo kinakabahan nga din ako dahil hindi naman paawat ang mga tropa ko at ang gang ni Byron.

Pero laking pagtataka ko na hindi ko napapansin si Keisha o ang grupo nya,napagod na siguro,maging ako pagod na din,gusto ko na bumalik sa normal ang buhay ko,gusto ko ng mawala ang takot ko.

Nagresearch ako sa iba't ibang klase ng trauma,at yung kondisyon ko,pag nagpatuloy maaaring humantong sa pagkasira ng aking pag iisip,sa madaling salita baka ikabaliw ko.

On the other hand,natuloy ang acceleration ko,mabuti at maagap ako,kahit first semester pa lang ngayon ay naka akyat na ako bilang 3rd year sa ganoon pa ding course.

Para sa akin,okay ang bagong environment sa classroom,mga bagong mukha,mga bagong pagkatao,tinanggap naman nila ako ng maluwag as their new classmate,and I must say kwela sila.

Isang araw dissmisal na,nagtataka ako kung bakit wala ang tropa,hindi ko sila makita sa paligid,papunta na ako sa kotse ko ng makatanggap ako ng text mula kay Barbz. Pumunta daw ako sa Chansu.

Pagdating dun,nagtaka pa ako ng makita ko sa labas ng Chansu ang mga Gang ni Byron,kinabahan tuloy ako bigla.

"Hi Page" sabay sabay nilang bati,nginitian ko na lamang sila bilang ganti at nagderetso na sa loob.

Bakit walang tao? Bakit patay ang mga ilaw? Naglakad pa ako,ng nasa tapat na ako ng bar counter ay biglang bumukas ang mga ilaw kasabay ng pag sigaw nila ng:

"HAPPY BIRTHDAY PAGE!!"

Nagulat ako,literal akong na statwa. How can I forget my own birthday? Nilibot ko ang paningin ko sa paligid,kumpleto ang tropa,napangiti ako dahil talagang pinaghandaan nila,maging sina Byron nandito na ipinagtataka ko talaga.

Hindi pa man ako nakakapag pasalamat ng may marinig akong pamilyar na boses.

"Pie" umalingawngaw ito sa buong resto bar. Tiningnan ko ang paligid,nanginig ako,bumilis ang tibok ng puso ko,unti unting namuo ang mga luha sa gilid ng aking mga mata.

"Happy birthday Pie" sabi pa nito,halatang naka mic,bumukas ang ilaw sa stage at tumutok sa isang tao.

Isang tao na kay tagal kong pinangarap na muling makasama,isang taong dahilan ng bawat pagtibok ng puso ko,ang taong dahilan kung bakit ako nabubuhay.

Tinitigan ko lang sya,may hawak syang gitara at nakaupo sa isang stool sa tapat ay ang mic,ayokong kumurap dahil baka bigla sya maglaho sa paningin ko.

Nagsimula na syang mag strum sa gitara at kumanta,doon hindi ko na napigilan ang emosyon ko at umiyak na ako.

♪Sa tuwing tayo't magkakalayo hindi matahimik ang puso ko♪

Dama kong para sa amin talaga ang kantang iyon,sumasalamin sa nangyari sa amin.

♪ bawat sandali hanap kita 'di mapakali hanggang muling kapiling ka♪

Nakatingin sya sa akin habang kumakanta,tumatagos sa kaibuturan ng puso ko ang tinging iyon.

♪ dahil kung ika'y makita ng labis labis ang tuwang nadarama magisnan lamang ang kislap ng iyong mata kahit ano pa ay kakayanin ko na♪

Parang may mga sariling pag iisip ang aking mga paa,dahan dahan akong lumapit sa stage ng hindi inaalis ang tingin ko sa kanya.

CHORUS:

♪Basta't kasama kita lahat magagawa lahat ay maiaalay sa'yo basta't kasama kita walang kailangan pa wala nang hahanapin pa basta't kasama kita♪

Hindi na ako nakatiis,sobrang nanabik na ako sa kanya,sobrang nananabik na ang puso ko sa kanya. Umakyat ako sa stage at niyakap sya ng mahigpit habang umiiyak,hindi ako nagsalita.

Panandalian syang natigil sa pag gitara at pagkanta at gumanti ng yakap ngunit bumitiw din at ipinagpatuloy ang pag gitara at pagkanta.

♪ giliw,sana ay ikaw na nga ang siyang mananatiling kasama ko dahil kung ika'y mawawala pati lahat sa buhay ko'y maglalaho ngunit...♪

Lalo kong hinigpitan ang yakap sa kanya,ayoko na syang pakawalan pa.

CHORUS:

♪Basta't kasama kita lahat magagawa lahat ay maiaalay sa'yo basta't kasama kita walang kailangan pa wala nang hahanapin pa basta't kasama kita walang kailangan pa wala nang hahanapin pa basta't kasama kita♪

Ng matapos ang pagkanta nya ay muli nya akong niyakap,mahigpit,dama ko na namiss din nya ako, hinawakan ng dalawa nyang kamay ang aking mukha at siniil ako ng halik.

Oh God! I really miss him! I really love him!

Palakpakan at sigawan ang nakapag patigil sa aming halikan,halos nakalimutan na naming hindi lang kami ang nandito.

"Happy birthday Pie,nandito na ako,hindi na kita iiwanan pa,salamat at hinintay mo ako,pasensya na at wala akong regalo" aniya habang pinupunasan ang luha ko,mga luha ng kaligayahan.

"Silly,ikaw lang sapat na,I dont need any gift,ikaw lang ang tanging gusto ko,at ngayong nandito ka na,ito ang pinaka best birthday ko sa lahat" naka ngiti kong sagot.

"Mamaya na yan! Magkainan at inuman muna tayo!" nadinig kong sigaw,pagtingin namin ni Ian,si kuya Argel.

Tiningnan ko ang tropa,lahat sila naka ngiti sa akin,si Kooki at Barbz nagpapahid ng mga luha,si Koy at Kyoji nag thumbs up pa sa akin,sina Luwi,Kyme at Pierre naman mga nakangiti ng ubod tamis sa amin.

BYRON's POV

"Sabihin mo nga sa akin ang rason kung bakit tayo nakikiparty sa mga gunggong na yan?" sabi sa akin Miles. Birthday ni Page,pormal akong inimbitahan nung Koy,tinanggap ko naman.Pero hindi ko alam na ganito ang mangyayari. Plinano ba to ng gagong yon?

Tang ina,walang kasing sakit lang yung nasaksihan ko,para akong pinalo ng isang milyong beses,parang piniga ang puso ko. Nagbalik na ang kaibigan nilang boyfriend ni Page

Sinadya ata ito nung Koy,para ipamukha sa aking may nag mamay ari kay Page,napahiya ako sa buong tropa.

"Hindi ko din alam" walang gana kong sagot.

"Anong plano mo?" tanong naman ni Toff.

"Hindi ako susuko,hindi porket nagbalik na ang kumag na yon ay ipapaubaya ko na si Page" sagot ko.

"I think you should stop it By,bakla yon.Hindi ka mabibigyan ng anak,ang dami daming babae dyan na nagkakandarapa sayo" singit ni Borj.

Nagpanting ang tenga ko,ngayong wala ako sa mood wag na nila dagdagan.Agad ko syang sinugod at kinwelyuhan.

"Anong sabi mo? Gago ka! Wala kang alam! Hindi mo alam ang nararamdaman ko! Tang ina!" nang gigil kong sabi.

"Oopps! Easy lang" awat ni Pen

"Tama na yan By" sabi pa ni Roize.

"Pasensya na tol" ani Borj,tiningnan ko lang sya.

"Ngayon lang ako nagmahal ng ganito,kaya malas lang ni Page dahil sya yon.Hindi ako basta basta susuko,hindi ko sya makuha sa ganito,dadaanin ko sa ibang paraan" gigil kong sabi at kinuha ang phone ko.

Agad tinawagan ang tito kong Doctor.

AN/ MUSTASA POWS?! Vote and Comment po if nagustuhan nyo XD

THE RIGHT TIME (Love Takes Time 2nd half) COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon