Blob

84 3 6
                                    

Noong nakapasok na kami sa peryahan ay hindi ko na napigilan ang pagtili ko. I was very happy to see a lot of people and a lot of lights. Nakita kong natatawa akong pinagmamasdan ni Jun habang nililibot ko ang paningin ko sa mga stalls. There's really nothing na engrande sa peryahan na ito, it's just like the regular perya. The only difference is mas hygienic ang itsura ng peryahan namin, dahil na rin siguro malapit ito sa subdivision and maraming mayayamang residence sa subdivision namin, sana all.

Narinig ko ang pagtawag sakin ni Jun, nakalayo na pala ako sa kaniya. Hindi ko ito napansin dahil sa sobrang excitement ko. Kahit hindi pa tapos itayo ang ibang mga rides ay aliw na aliw pa din akong tinitingnan ang mga ito. 

"Mukhang 'yong mga rides na lang ang kulang.", bulong ni Jun sa akin. I nodded, kahit hindi ito kumpleto ay masaya pa din ako. I pulled his shirt and asked him to accompany me, "Samahan mo ko doon sa may mga isda." Agad kong tinuro iyong stall na may mga fishbowl at plastic bags na may lamang maliliit na goldfish.

"Tara.", he said saka ako hinila papunta doon. I wanted a gold fish. Wala akong alaga sa bahay dahil madalas din naman akong wala dahil sa trabaho. Nakita ko lang din kasi sa internet na madaling alagaan ang goldfish dahil minsan lang dapat ito pakainin sa isang araw. Nilapitan namin ang stall at mas namangha ako dahil hindi lang goldfish ang andoon kundi iba't iba pang species ng isda.

"Magkano po ang isang koi?", tanong ko doon sa nagtitinda. He looked at me at naiiling na tumawa. "Nako miss, hindi ito pinagbebenta." Nangunot ang noo ng kasama ko, "Eh anong ginagawa ng mga 'yan dito?", tanong ni Jun kay Manong. Paka-attitude din naman pala nitong isang ito.

"Prize 'yang mga 'yan, kelangan niyong mag-laro para makakuha kayo ng isa.", pageexplain niya sa amin. Nakita ko ang pagtango ni Jun, mukhang iisa ang naiisip namin dahil napalingon siya sa akin at bumulong, "Bilhin na lang kaya natin?", I nodded at him. Muli kong tinawag si Manong.

"Magkano po kung bibilhin na lang namin?", tanong ko sa kaniya. Napakamot ito ng ulo at saka tinuro ang isang maliit na inflatable pool na mayroong mga plastic na isda na may mga magnet sa bibig. "Try niyo muna, baka swertehin kayo. Mahal din ang isa niyan kung bibilhin niyo."

Napatingin ako kay Jun, seryoso siyang nakatingin doon sa tinuro ni Manong. Doon ko mas nakita ang mukha niya ng malapitan, matangos ang ilong niya, medyo namumula ito dahil na rin siguro sa init. Sa unang tingin ay ayos naman ang mukha niya, tama si Ree, may itsura nga siya. Gwapo? Hm. Tama lang siguro, hindi siya ganoon kagwapo para ikumpara kay Brad Pitt o kay Piolo Pascual. 

"Susubukan niyo ba? Baka naman kaya ng boyfriend mo miss.", dagdag pa ni Manong. Sasabihin ko sanang hindi ko naman siya boyfriend pero nakuha na ni Jun ang laruang fishing rod na may magnet din sa dulo. Nagbayad rin siya ng bente kay manong. Agad akong lumapit at nagsquat sa tabi niya. "You seriously know how to play this?", tanong ko sa kaniya. Seryosong seryoso siyang nakatingin doon sa mga plastic na isda na nakalutang.

"You wanted a fish para may kasama ka sa bahay mo diba?", sabi niya nang hindi lumilingon sa akin. "Y-yes.", nahihiya kong pag-amin. 

Tumingin siya sa akin at nginitian ako. "Then I'll get you one."

Napa-iling ako. "I can buy one.", pagpupumilit ko. I know games like this, hindi ka mananalo sa unang try mo, it will cost you a fortune bago ka maka-score. Masasayang lang ang effort at oras niya, kaya ko namang bumili na lang. Wala pang hassle.

"Jun, sayang lang pera mo d'yan. Kayang kaya ko namang bumili.", sabi ko sa kaniya. Napapansin ko na ding may ilang nakikiusyoso na sa amin. Hindi ko alam kung dahil ba gusto din nilang mag-laro or nakikitingin lang, pero habang tinitingnan ko sila ay si Jun ang kanilang pinagmamasdan. He really does stand out in the crowd.

"I told you. I'll get you the fish that you want. I don't want you living alone in your  house again. I want it to be with you."

Napakurap ako, I was touched. 

The Only Valid ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon