Pool Party

104 7 1
                                    

Nakipagplastikan pa ako sa mga kapitbahay namin. Madalas nila akong kantyawan na bagay daw kami ni Jun pero hindi ko sila pinapansin. Ngumingiti na lamang ako. Ayaw kong isipin nila na pasimple akong naasa na ligawan ako ni Jun. The idea of him courting me is so disgusting.

Nang mapuno na ang mga pool ng tubig ay nakisiksik ako sa tabi ng mga batang anak ng mga kapitbahay namin. Tawang tawa lang ako habang kinukulit ko din sila. Paminsan minsan ay nahuhuli kong nasulyap sa akin ang pakboi na ito. Kapag nahuhuli ko siya ay iniirapan ko ito o di kaya ay sinisimangutan.

"Tara nang kumain muna mga bata!", sigaw ni Aling Paeng sa amin. Agad akong umahon at iniwan ang mga batang kasama ko doon sa inflatable. Mas pinili ko talagang doon makisiksik kesa sa mas malaking pool, andoon kasi ang mga matatanda at umiinom sila. Ayukong malasing dahil walang mag-aasikaso sakin sa bahay.

"Kim o.", nagulat ako nang bigla akong abutan ni Jun ng nito. May kanin na ito at mga inihaw niya kanina. Napatingin ako sa kaniya. Akala ba niya ay close na kami para bigyan ako ng food? Nakakairita na ang feeling close niya sakin.

"Kunin mo na wala 'yang lason.", he said while getting his own plate. I looked at our neighbors and napansin kong may ilang nakatingin sa amin. Agad ko itong kinuha at nagpasalamat. Ayaw kong masabihan ng suplada ng mga ito.

"Stay away from me.", pasimple kong bulong sa kaniya. Kumain ako sa isang lamesa na malayo sa kaniya. Agad naman akong tinabihan ng mga kapitbahay namin kasama ng mga anak nila.

The pool party was a success. Nag-enjoy ako kahit na nakakaimbyerna ang pakboi na iyon. It's nice bonding with a lot of people. Mas gusto ko iyong may mga kasama ako kesa sa magsolo ako dahil hindi ko minsan maiwasang hindi malungkot kapag nag-iisa ako.

It was already past 4 pm noong napagdesisyunan naming magsiuwian na. Tinulungan ko silang maglinis ng gamit. I was about to change my clothes noong tinawag ako nina Ate Kristy. "Kim! Pakitulungan naman si Jun na ayusin yung inflatable niya. Ikaw na din sumama sa kaniya pabayan para ibalik yung nirentahan nating mga lamesa."

Alanganin akong lumingon sa kanila. I don't want to be with him pero sila na mismo ang nangungulit na samahan ko siya. Nag-isip ako ng maaari kong idahilan para hindi ako ang mautusan nila. "Hindi pa ako bihis ate eh, baka matagalan akong bumaba. Andyan naman ata si Kuya Jason", tukoy ko sa asawa niya.

Nakita kong nagpalinga linga siya sa paligid, mukhang hinahanap ang asawa niya. "Wala dito Kim eh. Baka binabalik 'yung ibang mga nito, ikaw na lang. Para rin makita mo 'yung peryahan na tinatayo malapit sa subdivision natin."

I was tempted by the offer. "Sige na 'neng. Wala namang malisya iyon.", natatawa pa niyang sabi. Sa huli ay wala din akong nagawa, kundi lang ako nahihiya sa paghohost niya ng pool party ay nunca na samahan ko ang pakboi na 'yon.

Nagpaalam ako saglet sa kaniya at sinabing magbibihis muna ako. Nagpalit ako ng cotton short at elmo t-shirt ko. Bumaba na ako at muling lumabas ng bahay. I looked for that pakboi pero hindi ko ito makita. Siguro ay nasa sa kanila pa. Andoon pa din iyong inflatable pool niya sa harapan pero wala na itong tubig. Inayos ko ito at niligpit. Bitbit ko ito nang muli ko siyang hanapin. Nasaan ba ang taong 'yon?

Sinilip ko ang bahay niya and doon ko nakitang kausap niya ang isa naming matandang kapitbahay, si Mang Elias. He's one of the caretakers ng isang bahay sa neighborhood namin. Nasa abroad kasi ang tunay na may-ari ng bahay na iyon and siya at ang asawa niya ang pansamantalang nangangalaga at nakatira dito. Jun was talking to him and hindi ko naiwasang makinig sa usapan nila. 

"Tanggapin niyo na po ito Tay.", dinig kong sabi niya dito. He was holding something in his hand and doon ko napansin na pera ito. Siguro ay mga tatlong libo ang hawak niya. 

"Wag na iho. Nakakahiya naman.", tanggi naman ng kapitbahay namin. Noong bagong lipat ako sa bahay ko dito sa subdivision ay isa siya sa mga tumulong sa akin para linisin ang property. He's not a bad person, tahimik lang talaga siya dahil siguro matanda na.

"I insist Tay. Wag mo na lang sabihin sa amo mo na binigyan kita. Sige na po.", pagpipilit nito. Nakita kong kinuha niya ang kamay ni tatay at binigay na ang hawak niyang pera. 

Lihim akong napangiti sa ginawa niya. It may have been weird for me to smile because of him but it was an automatic response towards kindness. Mainit man ang dugo ko sa kaniya ay hindi ako taong bato na hindi makakaramdam ng paghanga sa taong nagpapakita ng kabutihang loob.

He's not so bad after all. I recollected my thoughts and muling inalala ang exchange namin noong nakaraang gabi. He apologized and even paid respect to me by giving me a bowl of pinaltok kahit na alam niyang I hated him.

Maybe I misjudged him. 

Lumayo ako ng kaunti sa gate ng bahay niya at hinintay na makalabas silang dalawa ni Mang Elias. Nang makita ako ng matanda ay agad siyang ngumiti sa akin, "Mauna na ako Kim ah? Maraming salamat sa barbecue mo."

Ngumiti ako sa kaniya at tinanguhan siya. Sinundan naman siya ni Jun na kakalabas lang din ng gate, siguro ay para naman kunin ang inflatable pool niya. Nagulat siya nang nakita niyang bitbit ko na ang inflatable. Agad niya itong kinuha sa akin at nagtatakang tinanong ako, "Bakit ikaw na nagligpit nito? Dapat tinawag mo ako."

I shrugged my shoulders and looked away. Nakaramdam ako ng guilt. Ilang araw ko siyang tinatarayan over something petty. "Ate Kristy asked me to help you return the tables."

Napakamot siya sa batok niya at mukhang nag-iisip ng sasabihin sa akin. "I can return the tables sa bayan Kim. Maaabala ka lang."

Hindi ko siya pinansin. "Wag ka ng magreklamo, tara na. Baka abutan pa tayo ng dilim."

He looked at me with a very confused face. Ganoon na ba ako kademonyo para mapatunganga siya sa kabaitan ko?

The Only Valid ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon