Clashes

123 5 1
                                    

"Tao po! Tao po!"

Agad akong napatigil sa pagkain noong nakarinig ako ng tumatawag sa labas. Uminom ako ng konting tubig at lumakad palapit sa pinto. Hindi ko maaninag ang mukha ng tumatawag dahil madilim na sa labas. Binuksan ko ang pinto at lumabas papunta sa gate.

Agad akong nairita noong nakita kong si pakboi pala ang tumatawag. Ano naman kayang masamang hangin ang nagdala sa kaniya dito sa pamamahay ko? Nakasimangot ko siyang pinagbuksan ng gate.

"Anong kelangan mo?", mataray kong tanong sa kaniya. Napansin kong naka-cotton short lang siya at plain black t-shirt. May hawak siyang isang mangkok na malayo pa lang ay amoy ko na agad kung ano ang nasa sa loob. Pinaltok iyon. In our province, it's a tradition na magbigay ng pinaltok sa mga kapitbahay kung bagong lipat ka. It's like acknowledging and paying respect sa mga naunang tumira doon sa area kesa sayo.

"Ang sungit mo talaga. Eto o, dinalhan kita ng pinaltok. Medyo natagalan lang kasi nag-ayos pa ako nga mga gamit ko", natatawa niyang sabi sa akin, may nakakatawa ba sa sinabi niya? 

Tiningnan ko ang hawak niya. It's rude to not accept his gift. Hindi naman ganoon kasama ang ugali ko kahit na madalas ko siyang patayin sa isip ko.

"Salamat.", walang emosyon kong sagot sa kaniya.

"You're welcome.", nakangiti niyang sabi. Tinanggap ko ang mangkok mula sa kaniya at sinarado ang gate, mahirap na. Baka topakin pa siya at isipin na welcome siya sa pamamahay ko.

"Pwede ka ng umuwi. Ilalagay ko na lang sa trangkahan natin 'yong mangkok mo.", I told him habang tinatalikuran na siya. Inaamoy amoy ko pa iyong luto niya, mukhang masarap. Kaya lang baka may lason. Hindi pa naman katiwa-tiwala ang pagmumukha niya.

"Teka lang! Ganon na lang ba 'yon?"

Napatigil ako sa paglalakad at nilingon siya. Ano na naman bang gustong mangyare ng taong ito? Tinaasan ko siya ng kilay. "Ano na naman problema mo?", mataray kong tanong sa kaniya.

"Di mo man lang ba ako kakausapin pa?", pagtatanong niya. Aba't ano bang ineexpect niya? Kamustahin ko siya matapos niya akong bosohan? Magkwentuhan kami? Tapos ang topic namin kung bakit kulay dilaw ang panty ko? Tanga ba ito?

"The last time I check, you're a pervert."

I heard his frustrated sigh. Nakakunot na ang noo niya at napansin ko pang parang nahihiya siya sa sarili niya. Dapat lang.

"I'm sorry about that.", sinsero niyang paghingi ng paumanhin. Aba at marunong naman palang mag-sorry ang pakboi na kagaya niya.

"The damage has been done.", sagot ko. Tinalikuran ko na siya pero muli niya akong tinawag.

"Kim saglet lang!", muntikan nang mataktak ang hawak ko dahil sa bigla niyang pag-sigaw. Napalingon ako sa mga karatig bahay pa namin, baka kung anong isipin nila. Mahirap na, ginagawa pa namang hanapbuhay ng mga kapitbahay namin ang pangchichismis.

"Papaano mo nalaman ang pangalan ko?", tanong ko sa kaniya.

Sinasabi ko na nga ba at hindi lang siya pakboi, stalker din siya. Konting konti na lang at irereklamo ko na talaga siya sa Home Owners' Association.

"Mommy told me.", sagot niya. Agad kong naalala ang text ni Mama. Mukha ngang siya ang anak ng kumare nito. I tilted my head, sa pagkakaalala ko ay sobrang bait at hinhin ng kumare ni Mama. Papano siya nagka-anak ng ganito ka-garapal?

"Baka bored ka na d'yan sa bahay mo. Ilang linggo ka ding hindi lumalabas.", naramdaman ko ang concern sa boses niya. 

"Eh ano naman sayo?", pagtataray ko pa din.

"Wala naman. Samahan daw kita kasi baka nalulungkot ka.", nakarinig ako ng awa sa boses niya. Ayuko ng kinakaawan ako. Hindi ako mahina, at hindi ko kailangan ng awa ng ibang tao. Kaya ko ang sarili ko, ilang taon kong kinaya ng ako lang.

"Hindi ako nalulungkot.", pagbibigay diin ko. Nakita kong ngumuso siya.

"Psh. Hindi daw. I saw you talking to your mom sa telephone, I can even hear you, I just wanted to comfort you dahil mahirap maging malungkot ng mag-isa ka lang.", sagot niya habang nakahalukipkip pa ang mga braso.

Nangunot ang noo ko. Nakakairita na ang pagiging pakialamero niya. Nagmamarunong ba siya o talagang he's just born to annoy me? Mukhang nakakakuha pa siya ng satisfaction kada napapatunayan niyang tama siya at mali ako.

"I don't care about your opinions just leave me alone. Kunin mo ang mangkok mo sa trangkahan ko mamaya at wag mo na akong papakealaman kahit kailan."

Tuluyan ko na siyang tinalikuran at pumasok sa bahay. Nanatili akong nakatayo sa likod ng pintuan ko habang hawak ang pinaltok na bigay niya. Naramdaman ko na lang na umalis na siya sa tapat ng gate ko dahil narinig ko ang pagbukas ng gate sa kabilang bahay. Mabuti't umuwi na siya.

"I'm not weak. I'm not weak.", paulit ulit kong bulong sa sarili ko. Unti-unting umagos ang mga luha ko mula sa mata ko.

"You're not weak. You're happy, kahit nag-iisa ka sa buhay. Masaya ka."

I tried telling that to myself for a lot of years pero hanggang ngayon, hindi nawawala sa isipan ko na kahit anong gawin ko... latak lang ako ng magulang ko at patuloy lang akong makikihati sa atensyon at oras nilang nilaan na nila sa kani-kanilang mga pamilya.

You have no one Kim. No one.

The Only Valid ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon