Chapter 11: Problem day

278 10 0
                                    

---CHAPTER 11 STARTS---

<Ivan's POV>

Andito ako ngayon sa bahay.. Nanunuod ako ng horror kasama ang ate at bunso kong kapatid sa sala.

"Ahhh! Kuya! Kuya! Patayin mo na!" sigaw ni Melissa

"Matatapos na eh" iritang sagot ko

"Wag kana lang tumingin." sabi ni ate

"Eh ate! Naririnig ko pa rin..." sabi ni Melissa

"Edi takpan mo na lang ang tenga mo" sabi ko

"Sige na nga.." nakasimangot na sagot ni Melissa

<Shailynne's POV>

"Kuya, kayo na ba ni Ate Ivy?" tanong ko

"Hindi pa." sagot ni kuya

"So, busted ka?"

"Wala akong sinasabi ah!"

"Aysus! Deny pa! Kayo na eh"

"Hindi pa nga."

"Hindi pa? Bakit? May iba si Ate Ivy kaya di pa kayo"

"Bobo! Nanlilgaw pa lang ako."

"Maka-bobo to aba. E bakit di ka pa nya sinasagot?"

"Ewan ko."

"Baka ayaw nya sayo"

"H-Hindi  siguro. Kung ayaw nya sakin, sana di sya pumayag na ligawan ko sya diba?"

"Sabi ko nga"

Grabe tong si kuya! Nanligawan lang nya si Ate Ivy nagbago agad sya

(Tanong: Paanong Nag bago)

Nagbago ugali nya.. Di na sya masyadong masungit..  Di na rin sya masyadong nangaasar.. At eto ang pinakamalala! Tumatawa na sya sa mga corny kong jokes! Akalain mo yun.. Minsan pag susungitan pa nya ko..

Ganon ba talaga ang mga lalaki kapag pinayagan na silang manligaw? Big deal na ba sa kanila yun?

Hay naku! Ang dami kong tanong! Nakakasakit ng ulo!

"Hoy Shai!" gulat ni kuya

"Kuya!" sigaw ko..

Eto lang ang di nya pinagbago.. Mahilig talaga syang manggulat..

"Kain na tayo." sabi ni kuya.

"Asan si Ate Shaira?" tanong ko

"Ah si Ate ba?" tumango lang ako. "Baka daw dun sya matulog sa bf nya."

"Ha?!?!"

"Di mo alam na may bf na si ate?"

"Hindi pa.. Di naman sya nag -oopen sakin eh."

"Kaya pala gulat na gulat ka..."

Huhu! Ang daya naman! si Ate may bf na.. Si kuya nililigawan si Ate Ivy. Ako,

LONER! Huhu! Ganto ba talaga pag bunso?

"Shai kain na tayo!" tawag ni kuya

"Ah sige" sagot ko

*Kinabukasan sa Crystal Stone Academy

Eto ako... Nakaupo habang nakatingin sa may bintana.. 

Huhu! Nakakainis talaga!

Sooner or later pwede ng sagutin ni Ate Ivy si Kuya.

Pag nangyari yun, may lovelife na rin si kuya.

"Hoy Bhest ayos ka lang?" tanong ni Ivan

"Namomoblema ka ata Shailynne." sabi ni Patrick

"Anyare?"

"Ano problema mo?"

"Teka.. Teka... Sino una kong sasagutin sa inyong dalawa?" tanong ko

"Ako!" sabay nilang sagot

"Ako muna!" sabi ni Ivan

"Ako muna!" sabi naman ni PAtrick

"Ako!"

"Ako sabi eh!"

"Ako!"

"Wag kang makulit! Ako muna ang una mong sagutin. Wag si Rei!"

"Ako naman ang nauna dito eh!"

"Wala akong Pakialam!"

"Tumahimik nga kayo!" sigaw ni Anna

"Ang aga-aga! Ang iingay nyo!" sigaw naman ni J.J

"Kayo ang mukhang problemado.." sabi ko

"Pano! Ang aga-aga, binubwisit ako ni Joseph!" sagot ni Anna

"Hoy! Anong ginagawa ko sayo?!" sigaw na tanong ni J.J

"Sinisira mo ang araw ko!"

"Ano bang ginawa ko sayo?!"

"Kasasabi ko lang diba?!"

"Ewan ko sayo!  Ang gulo mong kausap!"

"At ako pa talaga ang magulong kausap?!"

"Ikaw lang naman ang kausap ko ah!"

Sa sobrang bangayan nila, nag tinginan ang lahat ng mga kaklase namin.. 

Nakakahiya...

"Anna, J.J, kalma lang." sabi ko

"Tumahimik ka Shai!" sigaw ni Anna..

"Oo tatahimik na" tinakpan ko ang bibig ko

Bakit ba kasi nakikisali pa ko eh..? Yan tuloy nasigawan ako ni Anna... Bwisit na bibig to oh.. Nakikisabat kasi.

"Bakit ba ang init ng ulo mo ha?!" tanong ni J.J

"Ang kulet mo rin noh! Kasasabi ko lang diba!" sagot naman ni Anna

"Annalynne Mae, umayos ka ng sagot sakin ha! Tinatanong kita ng maayos dyan!"

"Che! Nang Dahil sayo nangungulit si manager!"

---END OF CHAPTER---

(AUTHOR'S NOTE)

OMG! Nag aaway ang kambal... 

Manager? Bakit kaya may manager ang kambal?

Hmm...? What do you think? Singer, Model, Dancer or etc... sila?

Haha! Daming tanong noh..

Well, just Vote, Like or Comment lang po ha..

Labs na labs ko ang readers ko... Me ganon??

Haha... 

Thanks for reading...

Stay Tuned for more Chappy.. :)

---NightSkySakurax13---

Mahal Ko, Bestfriend Ko ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon