Chapter 1: First Day

855 21 2
                                    

---CHAPTER 1 STARTS---

Habang ako ay natutulog, nakarinig ako ng isang taong sumisigaw sa labas ng kwarto ko.

"Bwisit na to oh! Natutulog pa ung tao eh!" sigaw ko.

"Bahala ka nga dyan! Wag mo kong sisisihin pag nalate sa school!" sigaw naman ni kuya.

Late? Saan naman? Te-Teka?! Oo nga pala! Sa school! Bwisit tong si Kuya oh. Hindi ako ginising ng mas maaga!

Nang makapaligo ako, agad agad kong sinuot ang uniporme ko. Pagkatapos kong magbihis ay dumiretso na ako sa baba.

"Good morning Shai. Ang aga mo atang gumising ngayon" sabi ni ate shaira.

"Maaga?" tumingin ako sa orasan, 5 pa lang ng umaga. "Kuya nakakainis ka talaga!" sigaw ko

"Oh bakit? Anong ginawa ko sayo?" pa-inosente look pa tong si kuya.

"Bakit mo ko ginising ng ganitong kaaga?!"

"Wala lang. Trip ko lang." Tumawa sya ng malakas.

Nakakabwisit talaga tong si kuya.. Naku konti na lang. Konting konti na lang at masasapak ko na tong panget kong kuya. Bibingo kana sakin kuya..

"Hay naku tumigil na nga kayong dalawa. Para kayong aso't puso . Sherwin mag hugas kana ng plato.." sabi ni ate Shaira.

"Hahaha! Buti nga sayo!" pangaasar ko pa kay kuya.

Habang nanonood ako ng t.v ay bigla akong ginulat ng panget kong kuya.

"Ano ba kuya!" sigaw ko.

"Hahaha! ganti lang." sabi ni kuya. "Susunduin ka ba ng prinsipe mo?" si Ivan ba ang tinutukoy nito?

"Sino? Si Ivan ba? Hindi ko alam." sabi ko.

"May sinabi ba akong si Ivan? Si Ivan pala ang prinsipe mo ha." tumawa nanaman sya ng malakas.

"Alam mo kuya..." tumigil sya sa kakatawa. "Nakakainis kana talaga!" binatukan ko sya ng malakas.

"Hoy Shai! Masakit yun ah! Baka gusto mong--" biglang may kumatok sa pintuan.

Tumayo ako para buksan ang pinto. Bago ko tuluyang buksan ung pinto naririnig ko si kuya na para bang tumatawa. 

Pagkabukas ko nung pinto...

"Good morning Shai!" bati ni Ivan.

"Morning din Ivan." Bati ko naman sa kanya. 

"Oh! Ayan na pala ang prinsipe mo para sunduin ka." Pangaasar ni kuya.

"Kuya!!! Gusto mong mabatukan ulit?!" sigaw ko.

"Sige subukan mo lang . Baka masuntok kita dyan!" matapang na sabi ni kuya Sherwin.

"Sherwin! Shailynne! Tama na yan!" binatukan kami pareho ni ate.

"Ate, bakit kasali ako?" tanong ni kuya

"Alangan naman si Shailynne lang ang batukan ko." sagot ni ate

"Nga naman kuya. Ang bobo mo talaga kuya." sabi ko.

"Sinong bobo? Ako?" tanong ni kuya.

"Ay hindi kuya. Si ate ang bobo. Si ate!"pamimilosopo ko.

"Aba shailynne sumusobra kana ah!" sigaw ni kuya.

"Che! Pake ko!" sigaw ko naman.

"Tumigil na sabi eh!" sigaw ni ate. "Sige na Ivan, sabay na kayong pumasok ni Shai." sabi ni ate kay Ivan.

"O-opo" sagot ni Ivan

Bago ako lumabas ng bahay kasabay si Ivan, tinignan ko muna si Kuya. Haha! Kawawa naman si kuya. Mukhang sya pa ata ang malelate.

"Di pa rin kayo nag babago ng kuya mo. Lagi pa rin kayong nag aaway." sabi ni Ivan

"Sya lagi ang nagsisimula eh. Wala akong magagawa dun." sabi ko

"Haha! Para kayong aso't pusa sa kalye."

"Sabi rin ni ate samin yan. Wag mo na ulitin."

Nang makarating kami sa school ay dumiretso kami sa bulletin board para tignan kung san ang klase namin.

"Shailynne, II-Amethyst tayong dalawa." sabi ni Ivan.

"Amethyst? Ibig sabihin, section 1 pa rin tayo?" tanong ko

"Naman!" sagot naman nya.

Dumiretso na kami sa room. Tulad ng dati, magkalapit at magkaklase pa rin kaming dalawa.

Biglang nagtilian ung isang grupo ng babae. Lumapit silang 5 kay Ivan.

"OMG! Ikaw si Ivan diba?" Tanung nung isang babae.

"Ah oo. Ako nga si Ivan" sagot ni Ivan.

Nagtilian nanaman sila. Ano bang problema ng mga to? 

Oo nga pala, sikat nga pala si Ivan dito. Nakalimutan ko.

Hay... Nagiging makakalimutin na ata ako.

"O sige sige. Mamaya na lang ulit ha? Wag mo kaming kakalimutan." sabi nung isang babae.

"Oo ba." sagot ni ivan sabay kindat.

Umalis na ung mga babae.

"Hay naku Ivan. Masanay kana ulit."sabi ko.

"Kailangan ko nga masanay ulit." sabi nya.

"Pogi mo kasi eh"

"Syempre! Ako pa! Gwapo talaga tong bestfriend mo."

"Yabang mo rin eh."

"Di naman. Slight lang Shai."

Tumawa kami pareho. Haha! namiss ko tong bestfriend ko. Makasabi ng miss parang di kami nagkikita sa bahay. 

Grabe! Ngayon ko lang narealized na may konting yabang din tong si Ivan. Bakit ba ngayon ko lang nalaman? E halod araw-araw naman kaming nagkikita at gumagala ng sabay.

May pagka saltik di ako noh?

Hahaha! Baliw na ko! Nababaliw na ko! Hahaha!

"Shai andyan na si maam." sabi ni Ivan.

"Ha? San?" tanong ko.

"Papasok pa lang sya."

"Papasok pa lang pala, edi wala pa dyan."

"Ang pilosopo mo talaga."

"Bakit? Sanay ka naman eh. nagrereklamo ka pa dyan."

"Sabi ko nga."

---END OF CHAPTER 1---

Mahal Ko, Bestfriend Ko ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon