Chapter 7: Animation Club

327 9 1
                                    

---CHAPTER 7 STARTS---

"Hoy Patrick! Anong ginagawa mo dito?!" tanong ni Ivan.

"Anu pa ba? Edi dito na ako nag aaral." sagot ni Patrick.

"Anoooo?!"

"Ivan, anu bang masama kung dito nag aaral si Patrick?" tanong ko.

"Wala naman." tiningnan ni Ivan ang hawak kong papel. " Teka, anu yang hawak mo?" tanong nya

"Club Activities." sagot ko.

"Club Activities? Uso pa ba yun?" tanong ni Patrick

"Ewan ko." 

"Ah anung sasalihan mo?" tanong naman ni Ivan

"Teka... Anu nga ba?"

"Hala... Bakit kami ang tinatanong mo?" tanong ni Patrick

"Ah! Alam ko na! Animation Club!"

"Anu daw? Animation Club? Tama ba ung pagkakarinig ko?"

"Kasasabi ko lang diba.  Anu naman ang maasama sa Animation Club?"

"Magaling kabang mag drawing?" tanong ni Ivan

Teka... Anung nangyari sa dalawang to? Kangina lang eh di sila magkasundo, ngayon naman saksakan sila ng mga tanong. Dapat pala tinago ko na lang ung papel sa bulsa ko... Haaaaaay Nakuuuuuuu...

"Teka nga... Bakit ba ang dami nyong tanong?" tanong ko.

"Sige Shai dyan na lang din kami." sabi ni Patrick

"Sure ka?"

"Naman." inakbayan nya ko. "Ako pa."

"Hoy Patrick! Anong ginagawa mo kay Shai?" tanong ni Ivan

"Inaakbayan. Obviouse ba?" sagot nya

"Alam kong inaakbayan mo sya. Di naman ako engot nuh. Bakit mo sya inaakbayan?"

"Bakit? Masama ba? Pag mamay ari mo ba sya? Ha?!"

"May sinabi ba ko?"

"Aba Rei! Ang tapang mo ha.."

"Pake mo!"

"Hoy! Tumigil na nga kayo dyan. Para kayong mga bata." Saway ko.

Hay Naku! Simula pagkabata lagi na silang nag aaway. Ako lang lagi ang nakakapagpiil sa kanila.

"Hoy Shai. Pumasok na tayo." yaya ni Anna.

"Saan?" tanong ko

"Diba sa Animation Club ka?" tanong ni J.J

"oo." sagot ko

"Yun naman pala eh." tumingin si J.J kina Ivan. " hoy kayong dalawa! Sa Animation Club din ba kayo?" tanong nya

"OO" sabay nilang sagot

"Tara na." yaya ni Ivan

Pumasok na kami sa loob. Grabe puro sketch at computer ang andito. Isa kasi sa mga sikat ang Animation Club.. Pero mukhang kakaunti lang ang pumunta sa kanila or should I say, kami lang 5 ang pumunta dito. Ayos lang yun. May 10 pang tao dito, mga 3rd year sila. May 7 4th year din dito. At alam nyo ba? Nandito ang panget kong kuya. Haha! Tadhana nga naman.

'Shai diba si kuya Sherwin yun?" tanong ni Patrick

"San"

"Ayun oh! May kausap na 2 babae."

Tumingin ako sa tinuturo ni Patrick. Oo nga nuh. Si kuya yun. At may kasamang 2 babae... malapitan nga.

"Hoy Shai! San ka pupunta?" tanong ni Patrick

"Dyan lang sa tabi tabi."

"psst! Bumalik ka nga dito."

"Dito lang ako. Di naman ako lalabas eh."

Nang makalapit ako sa kanila ay dapat mag sasalita na ko. Ang kaso lang, tinakpan ni kuya gamit ang kamay nya ang bibig ko. dinala nya ko kina Patrick.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni kuya ng tanggalin nya ang kamay nya sa bibig ko.

"Bleh! Ang baho ng kamay mo."

"Bakit ka andito?"

"Natural eto ang pinili ko eh."

"Eh bakit naman eto pa? Ang dami daming club dito. Bakit eto pa?"

"Hawak mo buhay ko. Tsaka isusumbong kita kay ate noh."

"Bakit naman?"

"Kasi... Basta.. Secret! Walang clue!"

"Makinig kayong lahat. kailangan nyong magpasa ng 2 animation sketch next week. Yun lang. Umuwi na kayo." sabi ni Mr. Enriquez.

"Sir Enriquez, uuwi po? Eh di pa naman po uwian ah." sabi ko.

Tinakpan na naman ni kuya ang bibig ko.

"Pasensya na po Sir Enriquez. Sige po uuwi na po kami." sabi ni kuya.

Bwisit tong si kuya oh. Di bale, isusumbong ko na lang sya kay ate.

Sabay na kaming umuwi ni kuya.

"Anu ba to?! Pati ba naman sa paguwi kasabay kita." reklamo ni kuya.

"Manahimik ka na lang. Ang ingay mo." sabi ko

"Shai anu ba ung isusumbong mo kay ate?"

"SECRET!!!"

"T*ngina mo Shai. Anu yan?!!"

""ooooppsssy! Isa pa pala yan."

"Shai!"

Tumakbo na ko.. Baka masapak pa ko ni kuya eh.

May takot din naman ako kay kuya..

---END OF CHAPTER---

(AUTHOR'S NOTE)

Gomenasai kung may bad words ha... Ang kulet po nila noh... Hehehe...

Patuloy nyo pong suportahan ang MKBK...

hit VOTE! press LIKE! and type on COMMENT BOX.

Arigatou Gozaimasu...

---NightSkySakurax13--- 

Mahal Ko, Bestfriend Ko ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon