Chapter 3: Teacher's request

392 15 1
                                    

---CHAPTER 3 STARTS---

Pumunta na kaming tatlo sa Faculty.. Bakit kaya?

"Ivan." tawag ko.

"bakit" Tanong nya

"Sigurado ka bang wala kang alam kung bakit tayo pinapunta ni Maam Cruz dito?" 

"wa-wala talaga.."

"Sigurado ka?"

"Oo nga..."

"Sabi mo eh."

Pumasok na kami sa loob ng Faculty Room. Grabe! First day pa lang at ang gulo ng Faculty.

Teka... Parang... Si Maam Cruz talaga..

"Salamat naman at andito na kayo." sabi ni maam Cruz.

"Bakit nyo po ba kami pinatawag?" tanong ni J.J.

"Hindi pa ba sinasabi sa inyo ni Ivan?"

"Ni Ivan?" tumingin ako kay Ivan. "IVAN!!!" sigaw ko.

"Ivan, di mo ba sinabi sa kanila?" tanong ni Maam Cruz.

"Hindi po eh." sagot ni Ivan.

"Alam mo naman pala.. Ba't di mo pa sinabi samin?" tanong ni J.J.

"E kasi pag sinabi ko sa inyo lalong lalo na kay Shai, Hindi yan papayag." 

"di naman ako ganon katamad para hindi sumunod noh." singit ko.

"Nakikita nyo ba tong Faculty room?" tumango lang kami. "Tuwing Lunes, Kayong tatlo ang maglilinis nito sa oras ng recess." tumingin sya samin. "Naiintindihan nyo ba?" tanong ni maam cruz.

"O-opo." sagot naming tatlo.

Nag simula na kaming mag linis.. HUHU!! Nagugutom na ko. Di pa ko kumakain ng recess.. Bwisit tong si Ivan..

"Gusto mong tubig?" tanong ni Ivan

"Buti naman at naisipan mo." pag susungit ko.

"nauuhaw na rin kasi ako eh." tumingin sya kay J.J. "Ikaw J.J gusto mo rin ba?" tanong pa niya.

"OO.. Basta libre mo." sagot ni J.J.

"Haha! Buti nga sayo." sabat ko.

"Ba-bakit naman?" tanong ni Ivan.

"Kasi di mo sinabi samin kung bakt pinatawag kami ni Maam Cruz dito." sagot ni J.j

"Si-sige na nga.. alis muna ako." umalis na si Ivan. 

Habang hinihintay namin si Ivan ay biglang may pumasok sa loob ng Faculty.

"Oh nasan si Ivan?" Si maam Cruz ang nagtanong.

"Bumibili lang po ng maiinom namin." sagot ko.

"Ah ganon ba. O sige pag katapos nyo mag linis ay bumalik na kayo sa room ha."

"opo."

Umalis na ulit si Maam Cruz.

"Bakit kaya ang tagal ni Ivan?" tanong ko

"Baka mahaba ang pila." sagot ni J.j

"Baka nga."

Pagkatapos ng 5 minuto ay bumalik na si Ivan.

"Bakit ang tagal mo?" tanong ko.

"May kinuha pa kasi ako sa room eh." sagot ni Ivan

"Ano naman un?"

"Ba-basta..."

"Ung tubig namin?" tanong ni J,J

"ah eto." inabot nya samin ang binili nyang tubig. "wala man lang bang salamat dyan?" tanong pa nya.

"Tsaka na pag natapos na tayo dito." sagot ko.

"Kayo na nga dyan nilibre, wala pang salamat."

"Nag mamadali ka ba ha? pag natapos na nga tayo dito."

"mag sasabi lang ng SALAMAT, ayaw mo pang gawin."

"Oo na! Oo na! Salamat Ivan Rei De Guzman."

" Walang anuman."

"CHE!"

"Ba-bakit???"

nakakainis na talaga tong si Ivan. Mabatukan nga..

"Shai mag pasalamat kanaman." sabi ni Ivan.

"Nag pasalamat na ko ah." sagot ko,

" Di pa kaya."

"Ah Ganon." binatukan ko sya. "Yan ang pasasalamat ko!"

"Aray! Masakit yun."

---END OF CHAPTER---

(AUTHOR'S NOTE)

Haaaaays!!! Nakapag ud din sa wakas.. Vote, like or commetnt lang po.. 

Salamat sa pag babasa.

---NightSkySakurax13 <3---

Mahal Ko, Bestfriend Ko ❤Where stories live. Discover now