A Day with the Devil

1.3K 62 12
                                    


Balisa si Janica habang nakatingin sa harapan ng altar ng isang chapel. Maririnig ang mahihinang bulungan sa paligid at ilang mga salitang nagtatalo ang positibo at negatibong tugon tungkol sa kanilang ipinunta sa chapel na iyon.

"Janica, anak . . ."

Nilingon ni Janica ang pinanggalingan ng boses. Tumayo siya at agad na napaluha. "Daddy . . ."

Dali-daling lumapit ang ama niya at niyakap siya nang mahigpit.

"'Dy, wala na si Mommy," mahina at lumuluha niyang sinabi.

"Ano ba talaga ang nangyari, hmm?" tanong ng daddy niya habang hinahagod ang kanyang likod.

Umiling naman si Janica dahil hindi rin niya alam kung paano sasagutin ang tanong na iyon.

Tiningnan ng daddy niya ang mga nasa paligid para manghingi ng sagot sa kahit sino. Lumapit sa kanya ang isa sa mga kaibigan ng asawa niya. Kinumusta siya at ito na ang sumagot sa kanyang tanong.

"Nadulas siya sa banyo. Nakita siya ni Robert no'ng Friday nang mag-check ng bahay kasi tahimik. No'ng dinala sa ospital, dead on arrival na. Masama daw ang bagsak kasi tumama ang ulo niya sa toilet bowl."

Tumango naman ang daddy ni Janica at binitiwan muna ang anak upang lumapit sa nakahimlay na asawa sa kabaong nito.

Lumabas muna sandali si Janica ng chapel para makalanghap muna ng sariwang hangin at pakalmahin ang sarili.

Dawalang araw ang lumipas at parang may kailangan siyang isipin at matandaan ngunit hindi niya alam kung ano iyon. Balisa siya noong birthday niya at hanggang ngayon ay balisa pa rin siya. May boses na kumakausap sa kanya sa loob ng utak niya, pero hindi niya alam kung kanino ba iyon.

Kinuha niya ang cellphone niya para tawagan si Peter. Gusto niyang kausapin ang boyfriend niya dahil hindi niya ito nakausap noong birthday niya-iyon ang alam at natatandaan niya.

"Hello?" Nanginginig pa ang boses niya nang may sumagot sa phone.

Boses ng babae ang sumagot. Pamilyar ang boses at alam niyang baka iyon ang mama ni Peter. "This is Janica, right?"

"Yes po. Nasaan po si Peter?" lumuluha niyang tanong.

"Are you his friend?"

"G-Girlfriend po niya ako . . ."

"Girlfriend? Are you sure?" Pansin niya na may galit ang tono nito na lalong nagpakaba sa kanya.

"Y-Yes po."

"My . . . son . . . is dead."

"Po?"

"Ang last message na nandito sa phone niya ay galing sa 'yo-warning him na papatayin mo siya dahil sa panloloko niya sa 'yo-"

"Pero hindi ko po-"

Nag-vibrate na naman ang phone ni Janica.

Nailayo niya ang phone sa tainga dahil bigla siyang naka-receive ng text. Dali niyang binuksan ang mensahe upang makausap pa ang mama ni Peter.

Msg:
Girl, patay na pala si Boss.
Inatake daw nung Friday. Literally ha?
Nabugbog daw kaya na-heart attack.
Pupunta kami sa bahay nila para makilamay.
Sama ka?

Panibagong message.

Msg:
Party tayo after
alam ko namang mainit na dati pa
ang dugo mo dun eh hahaha!

Nabitiwan niya ang hawak na cellphone at napaupo sa bench na sana'y uupuan niya bago tumawag.

Sa isang iglap, pakiramdam niya, sabay-sabay na gumuho ang mundo niya habang naririnig ang sunod-sunod na masasamang balita na natanggap.

Nanatili siyang tulala habang iniisip kung ano na ba ang nangyayari sa mundo niya.

Patay na ang boyfriend niya-na ang huli niyang natatandaan ay pupuntahan dapat niya noong birthday niya kaso hindi niya matandaan kung ano ba ang nangyari noong Friday.

Patay na ang boss niya-siguro'y inaasahan na niyang mamamatay na iyon dahil sa edad, pero pakiramdam niya ay guilty siya sa pagkamatay nito. Hindi lang niya alam kung bakit nga ba siya nagi-guilty.

Patay na ang ina niya-nagtataka naman siya kung bakit wala siya bahay nila at ibang tao pa ang nakakita sa sarili niyang ina. Napaisip siya kung nasaan ba siya noong Friday at ano ba ang ginawa niya nang araw na iyon.

Wala siyang matandaang kahit isa sa mga nangyari noong birthday niya.

"Condolence sa family ng nandiyan sa loob ng chapel."

Napatingin si Janica sa gilid at nakita ang isang lalaking nakasuot ang all-black casual attire. Caucasian ang dating at may matipid na ngiti sa mga labi habang nakatingin sa malayo.

"If somebody died because you wished for it, makokontento ka ba?" tanong pa nito.

Kumunot lang ang noo ni Janica habang nakatingin sa katabi niyang hindi niya alam kung siya ba ang kausap o ibang tao. Kaso wala namang ibang tao roon maliban sa kanilang dalawa.

"Hi." Inalok nito ang kamay kay Janica para makipagkilala. "I'm Mr. Stranger. Gusto kong pumasok sa loob kaso hindi ko magawa kaya dito na lang ako sa labas tumambay."

"Kilala ka ba ng family namin?" nagtatakang tanong ni Janica at kinamayan ang katabi.

"I don't think so. Pero kilala mo na 'ko ngayon. Ikaw ang anak ni Mrs. Veloso, right?"

Tumango naman si Janica.

"Are you happy now?" tanong nito.

"Happy about what?"

"Kung binigyan ka ng pagkakataong matupad ang kahit ano sa mga birthday wish mo, make sure na ikasisiya mo iyon. At kung binigyan ka pa ng pagkakataong baguhin ang mga hiling mo, gawin mo ang tama. Dalawa lang sa birthday wish mo ang naging maganda."

Hindi naiwasan ni Janica na magtaka sa sinasabi ng katabi. "Ano ba ang sinasabi mo?"

"Always be careful what you wish for. You might just get it and oftentimes regret it." Tumayo na si Mr. Stranger at tumayo sa harapan ni Janica. Inilahad niya nang bahagya ang mga braso niya at nginitian ang babae. "Um, let me give you this deal. I'll give you my time from this very moment until midnight. So, meron kang . . ." Sinilip nito ang relo. ". . . twelve hours para makasama ako," sabi nito sabay ngiti.

"At?"

"Sa mga oras na iyon, bibigyan kita ng chance para baguhin ang mga gusto mong baguhin sa araw na ito. So, are you willing to spend a day with me, Miss Veloso?"



________________ The End________________


A Day with the DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon