Mr. Stranger and the Last Death Wish

1.1K 56 7
                                    

Lalong lumalakas ang ulan habang lumalalim ang gabi. Nakatulala lang si Janica sa kisame habang binibilang ang bawat segundong natitira sa araw na iyon.

"Kanina ka pa tahimik. May iniisip ka?" tanong ni Mr. Stranger.

Saglit na napangiti si Janica sabay buntonghininga. "Iniisip ko kung mararanasan ko ba kahit minsan ang hindi ko naramdaman sa ex ko." Sinulyapan niya ang lalaking katabi. "Si Peter pa lang ang lalaking nakakatabi ko sa kama nang ganito kalapit, maliban sa 'yo. Pero siya rin ang dahilan kaya natatakot akong may tumabi sa akin. Kasi pakiramdam ko . . . mauulit lang ang ginawa niya."

"Pero umaasa kang kung maulit man, hindi na kasingsakit gaya ng naranasan mo."

Napatango na lang si Janica habang napapangiti. "Yeah, mismo."

"Okay. I-consider na natin 'yan as part ng wish mo."

Kumunot ang noo ni Janica. "Ha?" Nanlaki na lang ang mga mata niya nang pumaling sa kanya si Mr. Stranger at dinampian siya ng halik sa labi. Nakuyom niya ang kumot na nakabalot sa kanya habang nararamdaman ang mainit na labi nito.

Bahagyang bumuka ang labi niya, dahilan upang pinalalalim pa nito ang halik. Napapikit na lang niya habang dinadama iyon. Ibinalot niya ang mga braso sa matipunong balikat ng lalaki at marahang sinuklay ng kanang kamay ang malambot nitong buhok.

Naramdaman na naman ni Janica ang init at pananabik sa kanyang katawan. Bumaba ang kumot na nakabalot sa kanya at mas naramdaman niya ang katawan ng lalaking nakapaibabaw sa kanya.

Bumigat ang paghinga niya nang maglayo ang labi nilang dalawa, titig ang mga namumungay na mata sa basang labi nito. Bahagya itong ngumiti sa kanya bago siya dinampian ng halik sa pisngi pababa sa panga sunod sa leeg.

Pumikit siya at hinayaan ang katawang ramdamin ang init ng bawat dampi ng labi nito sa nilalamig niyang balat. At hindi gaya sa ex niyang naging marahas, magaan ang hawak sa kanya ni Mr. Stranger, na para bang babasagin siyang bagay na kailangang ingatan.

Isa-isa nitong binuksan ang bawat butones ng suot niyang damit at inalis ang natitira niyang saplot hanggang tumambad dito ang hubad niyang katawan. Tinagpo niya ang seryosong tingin nito saka niya ito nginitian.

Lumapat muli ang labi nito sa balat niya sa ibabaw ng dibdib pababa. Hinulma ng palad ang isang umbok niya sa dibdib at kumawala ang mahinang ungol sa kanya nang maramdaman ang mainit na dila nitong naglalaro sa isa pang umbok sa dibdib niya.

Lalo pang bumibigat ang paghinga niya, dinadama ang klase ng init na unang beses niyang maramdaman sa isang lalaki.

Bumaba ang isang kamay ni Mr. Stranger at pinagapang nito ang mga daliri sa gilid ng hita niya. Nagdulot iyon ng kakaibang kiliti dahil para makagat niya ang labi.

"Ah . . ." Hindi na naman niya naiwasang mapaungol nang dahan-dahan nitong ilapat ang mga daliri sa pagitan ng hita niya at isinilid iyon sa namamasa niyang loob. Umarko ang katawan niya, naghahabol ng hangin habang awang ang bibig. Marahan ang mga unang galaw nito at unti-unting bumilis.

Hinihintay niya ang takot sa mga susunod na mangyayari ngunit hindi iyon naganap. Saglit na huminto si Mr. Stranger sa ginagawa at pagdilat ni Janica, nakapaibabaw na ito sa kanya na isa na ring walang kahit anong suot.

"Natatakot ka ba?" tanong ng lalaki.

Matipid ang ngiting umiling si Janica. "Hindi."

Ngumiti rin ang lalaki at maingat na ipinasok ang kahabaan nito sa pagitan ng hita ni Janica. Kagat ng dalaga ang labi, pigil ang mas malakas na pag-ungol.

May kaunting kirot sa pakiramdam, ngunit hindi iyon gaya ng kay Peter, ramdam ni Janica na hindi nila iyon ginagawa ng lalaki dahil kailangan lang nitong magparaos. Marahan ang paggalaw nito, sinasabayan ang timing niya. Mas mapusok ang sumunod nitong halik na sinalubong niya nang walang alinlangan. Ikinawit niya ang hita sa baywang nito, sinasalubong ang bawat pagbangga ng mga katawan nila.

A Day with the DevilWhere stories live. Discover now