Chapter 43 ♛

47.7K 1.5K 150
                                    

Medyo R-18, bawal sa bata wouy!

The Bitchy Gangster Queen 43

SCARLETT

Napangiti nalang ako habang nakatingin sa mga kaibigan ko na masayang nag tatawanan. I guess she made a right choice to come. Ayoko nga sanang sumama pero dahil ang kukulit nila, pagbigyan.

Wala na talaga siyang magagawa. Lalo na’t nangyari ang hindi niya inaasahan. Ang kasintahan. Biglang may imaheng pumasok sa isip ko kaya nahihiya akong napapikit at pakiramdam na uminit ang mukha. Shet, buti nalang madilim sa parte ko.

Hindi alam ng iba kung paano ako napapayag ni King sa huling sandali basta wala nalang nag salita sa amin. Hindi narin naman sila nag tanong basta masaya sila na sumama ako.

Inabot ko ang tubig sa harap ko at napainom ng wala sa oras. Naalala ko ang nangyari kagabi. Nag-iinit ako sa naalala ko.

“AYOKO NGA!” inis na sigaw ko sa kanila at malakas na isinara ang pintuan ng kwarto ko. Huminga ako ng malalim at dumeretso sa kama.

Nakakainis. Ayoko ngang sumama bukas sa Ball na ‘yon, bakit ba ang pilit nila? Mas mabuti at matutuwa pa ako kung didito lang ako at matutulog buong araw o mag babasa ng kung ano-ano. Pwede ring pumunta nalang din ako ng HQ para mag-ensayo o kaya naman turuan ang mga bagong salta. ‘Di ba mas productive?

Payapa na akong nakahiga at halos napipikit na nang marinig ko ang pag-bukas-sara ng pintuan ko.

What the hell?

Napabalikwas ako ng bangon para tignan ang lapastangang nag lalakas loob na pasukin ako.

Napataas ang kilay ko at napatampal ng noo nang makita ang lalaking hindi ko inaasahan na pupuntahan ako. Chase. Nakapamewang pa ito at nakataas rin ang kilay sa akin. Aba attitude din ‘to. Nahawa na yata sa’kin.

“What the hell are you doing here?” I asked in annoyance.

Alam ko naman na kung bakit nandito siya. Sigurado akong nangpunta siya dito para kumbinsihin akong sumama bukas. Ano pa nga ba? At paano siya nakapasok sa kwarto ko?!

Tila nabasa yata nito ang isip ko dahil pinaikot nito sa daliri ang susi na napakapamilyar sa’kin. Ngumisi siya at narinig ko ang pagkandado niya sa pintuan.

Napanga-nga naman ako bago kunin ang isang unan at doon itinili ang pagkainis. Pagtapos ay bumalik ako sa pagkakahiga at nagtalukbong ng kumot.

BAKIT BA GUSTONG-GUSTO NILA AKO ISAMA?! ANONG PINAGKAIBA NG KASAMA AKO SA HINDI? HINDI BA SILA MABUBUHAY NG WALA AKO?! MAY KANYA-KANYA NAMAN SILANG PARTNER! HMP!

Bigla akong naramdaman ang pag lubog ng bahagi sa likod ko kaya alam kong nakalapit na ang ungas sa akin. Urghh!

“Babe…” tawag niya at naramdaman ko ang pag sundot nito sa pisngi ko kahit may kumot na nakatabing.

“What do you want? Gusto ko na matulog.” Tanong ko kahit alam na sagot. Hindi dapat tayo marupok!

“Sama ka na.” rinig kong sagot niya.

Alam ko naman na pero bakit naiinis parin ako? Tsk.

Inis akong bumangon at sinamaan siya ng tingin. “Please not you too. Hell, pati ba naman ikaw?” singhal ko.

Huminga siya ng malalim bago inabot ang kamay ko. “Please, sama ka na. Kapag hindi ka sumama, wala na kog partner. At dahil wala na kong partner… maraming babae ang—” hindi na niya natapos ang pang hihinayang niya sa’kin dahil sinapawan ko na siya.

The Bitchy Gangster QueenWhere stories live. Discover now