Chapter 28 ♛

59K 1.4K 18
                                    

The Bitchy Gangster Queen 28

Malakas na pito mula sa isang referee ang umibabaw sa maingay na tilian ng mga tao sa loob ng court. Last quarter, Anton High versus Royal University.

71/55

Tambak ang kalaban. Talagang magaling ang Royals kumpara sa mga players sa kabilang team. Nahihirapan silang dipensahan marahil ay napakabilis at liksi ng mga ito.

Panandalian natigil ang kaban sa pag tawag ng timeout ng kabilang team. Last fifteen minutes. Nasibalikan sa kanya-kanyang bench ang mga player.

Marahang pumalakbak si Scarlett bago inabot ang hawak na bote kay Chase na siya namang tinanggap agad ng huli. “Thanks.” Nakangiting anito bago uminom. Napuno naman ng bulungan ang paligid.

Wahhhh! Sayang! May GF na yata si King! Sayang naman.

O EM, Indirect kiss ‘yun! Sila yata nung player number 1.

La tayong laban diyan, package na si Scarlett. Nasa kanya na ang lahat. Uwaaaa! Ingit ako!

Sana all nginingitian ni King.

Sayang, bro, boyfriend 'yun isang player.

Ngayon ko lang nalaman na nag-aaral pala dito si Scarlett. Idol!

Ganda. Pota sayang.

Napahinga naman ng malalim si Scarlett at kinalma ang sarili. Ayaw niya na nga ng maiingay, ang dami pang bubuyog. Kung hindi lang talaga dahil kay Chase ay hindi siya manonood.

Umupo si Chase sa tabi nito. “You okay? You’re too quiet. Cheer mo ko.” Sabi nito bigla.

Tinignan naman siya ng dalaga. “Dami mo na ngang tagacheer, 'di parin sapat?” tanong nito.

“I don’t care about them. Mawalan na ko ng fans at lahat, you alone is enough.” He said.

“Ang tamis din talaga ng dila mo 'no?” natatawang saad ni Scarlett at nag-iwas ng tingin. Pakiramdam niya namula siya doon. “Chicheer lang kita pag nasa finals na kayo. Ayokong mawalan ng boses.”

Napangiti naman si Chase na siyang ikinaingay na naman ng manonood sa likod nila.

“Sabi mo ‘yan hah! Chicheer mo ako sa finals!”

“PAG nakaabot kayo ng finals.” Pag tatama ni Scarlett.

Napangisi naman ito. “Easy.” Pagmamayabang niya.

Lakas naman, sir.

“Paano pag nanalo kami? Sa finals at manatiling champion?” Tanong pa nito.

Scarlett looked back and shrugged. “We’ll see?” mukang nadismaya naman ito sa narinig na sagot kaya napakagat ng labi ang dalaga.

“Fine, let’s have a date.” Anito na siyang ikinaliwanag agad ng mukha nito.

Muling tumunog ang pito.

“Deal! Sabi mo ‘yan ha! Walang bawian!” sabi nito habang nakangiting pinagpagan ang shorts.

Nailing naman si Scarlett ngunit napangiti lang rin si Scarlett at tumango tsaka ito sinenyasan na bumalik na sa court.

Agad naman nag simula ang laro. Mainit ang laban at pursigido manalo ang dalawang grupo ngunit katulad ng nauna, nahihirapan parin ang mga taga Anton High sa lakas ng depensa ng Royals.

Nasa kabilang team ang bola. Mabilis naman na nag dribble ang no. 5 nila papunta sa kanilang side nila nag-attemp ng 3 point shot ngunit sumablay ito. Agad naman nasalo ni Chris ang bola at mabilis na ibinato kay James na siyang mabilis ipinasa kasunod kay Micky. He then, did a lay-up. Easy 2 points.

The Bitchy Gangster QueenWhere stories live. Discover now