Chapter 19 ♚

58.4K 1.6K 47
                                    

The Bitchy Gangster Queen 19

SCARLETT

Agad akong nagtungo sa kwarto ni big bro pagkarating ko ng mansion. Alam kong siya lang ang makakatulong sa’kin ngayon.

He can make me calm.

Hindi na ako nag-abala pang kumatok dahil hindi naman ‘yan magagalit sa akin maliban  nalang sa mga maid o ibang tao. Ayaw niya kasing nagpapapasok o may pumapasok na ibang tao sa kwarto niya kung hindi kami lang.

I saw him na prenteng nakaupo sa sariling sofa while eating popcorn and watching the movie, ‘As Above So Below’. Ilang beses na namin ‘yon napanood pero itong isa hindi manlang nagsasawa.

Napalingon siya nang maramdaman ang presensya ko.

“Nandito ka pala, lil' sis, why didn’t you tell me na uuwi ka? Kumain ka na? Miss mo na ako no?” nang-aasar na tanong niya.

Napasimangot ako. Ang daldal. “Why? You don’t want me here?” aniko at nilapitan siya.

“Of course not! Lika dito lil’ sis.” He said while tapping the space beside him. “Alam kong napanood mo na 'to pero panoorin ulit natin.”

Abnormal.

“O ano’t naparito ka?” tanong niya nang makaupo ako habang nakabalik na ang atensyon sa malaking screen.

Instead of answering his question, I just stared at him. Nangunot naman ang noo niya nang ibalik ang tingin sa'kin. Natigil rin ang pag subo niya ng popcorn.

“Why are you staring? It’s rude. Humahanga ka na naman ba sa kagwapuhan ng paborito mong kapatid?” Ang hangin niya pero hindi ko siya sinagot.

“Ikaw lang naman ang kapatid ko.” Seryosong saad ko.

Nawala ang mapang-asar na ngisi niya at napalitan ng seryoso marahil siguro naramdaman niyang seryoso ako at iba ang tinig ko.

“Is there a problem, lil' sis?” he asked, getting serious now. “Are you having a hard time at the University? It’s been a months now. That’s a record.” He said, pertaining to how I never even last long for a week at my previous schools.

But that’s not the problem. Instead of answering, I just hugged him.

“Scarlett?” He asked but I remained silent. I just hug him to calm my mind. Because he keeps on coming back from my memories that I tried to buried deep down at the back of my mind all these past years.

“Oppa…” sa wakas may lumabas na rin na salita bibig ko. Naramdaman ko ang biglang pagkataranta niya.

Kinalas niya pagkakayakap ko sa kanya at tinignan ako sa mata. “Tell me, Scarlett, what’s wrong?” he asked, now he’s worried.

Hindi ko alam pero naramdaman kong may tubig na bumagsak galing sa mata ko. Nanlaki ang mga mata niya at lalong nataranta. Hindi alam ang gagawin. Naibato niya pa ‘yung bowl ng popcorn sa coffee table sa harap namin, buti hindi tumapon.

Bahagya akong nangiti kahit papaano. Kahit kailan talaga hindi marunong magcomfort ‘tong lalaking ‘to.

Dahil hindi niya alam ang gagawin niya, niyakap niya nalang ako.

“Lil’ sis, don’t cry. You know that I hate seeing you with tears. Tell me, what is it?” Tanong niya habang nakayakap parin sa’kin.

Ako naman ay tahimik lang. I was crying?

“Oppa… I remembered him… again.” I whispered.

Napakalas naman bigla ng yakap si Kai. Lalong nabakas ang pag-aalala sa mukha niya. Alam niya ang ibig kong sabihin kaya naintindihan niya agad 'yon.

The Bitchy Gangster QueenWhere stories live. Discover now