Chapter 46

4.7K 60 8
                                    

Chapter 46- So It’s You

Ara’s POV

Akala ko okay na ako. Akala ko tuluyan ko nang nakalimutan si Thomas. Pero maling-mali pala ako. Tatlong taon man ang lumipas, hindi pa rin nawawala ang pag-ibig ko sa kanya. Napatunayan ko ‘yun kagabi nung makita ko si Kiefer at Mika. Nakita ko kung paano sila magtinginan sa isa’t isa- punong-puno ng pag-ibig at pagmamahal. Hindi ko man sinasadya pero nakaramdam ako ng inggit sa kanilang dalawa. Bigla kong naalala noong kami pa ni Thomas, kung paano niya ako kinakantahan, pinapatawa kahit galit o naiinis ako. Naalala ko rin kung paano niya ako pinaglaban sa mga magulang niya, kung paano kami patuloy na lumalaban para sa pagmamahal namin sa isa’t isa. Pero siguro masyado pa kaming bata at hindi pa kami ganun katibay kaya hindi naging sapat at pagmamahal lang para maipaglaban namin ang isa’t isa. Kahit tatlong taon na ang nakaraan, sariwang-sariwa pa rin sa aking alaala ang huling pag-uusap namin ni Thomas.

Flashback: 

Thomas: May problema ba Boo?

 

Me: W-wala naman. Bakit mo natanong?

 

Thomas: Kanina ka pa kasi sobrang tahimik dyan. Parang hindi ka mapakali.

 

Me: Boo, my sasabihin sana ako sa’yo.

 

Thomas: Ano ba ‘yun?

 

Me: Kaya mo ba talaga akong ipaglaban? Kahit talikuran mo ang iyong mga magulang?

 

Thomas: Boo, bakit ganito ang mga tinatanong mo?

 

Me: Sagutin mo na lang kasi ako.

 

Thomas: Ipaglalaban kita sa kanila dahil mahal kita pero alam kong maiintindihan din nila ako at hindi na sila tututol sa ating dalawa.

 

Lumingon ako para hindi makita ni Thomas ang pag-iyak ko. Akala pala niya matatanggap rin ako ng mga magulang niya pero maling-mali siya. Kinausap na ako ng kanyang ina kahapon. 

 

Another Flashback (nung kinausap ng mommy ni Thomas si Ara)

 

Nag-iisa ako nun sa dorm nang may biglang pumaradang kotse sa tapat. Lumabas ako upang tingnan kung sino ang dumating at nagulat ako dahil mommy ni Thomas ang dumating.

 

Me: Good afternoon po, Tita Anna.

 

Anna: MA’AM Anna ang itawag mo sa’kin. 

 

Me: Sorry po, Ma’am. Anong ginagawa niyo dito?

 

Anna: Stay away from my son, Victonara. Kahit hindi niya sinasabi sa’kin, I know that you two are still seeing each other. 

Make It Real (Kiefer Ravena and Mika Reyes Fan Fiction) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon