Chapter 42

4.9K 65 19
                                    

Chapter 42- A Kiss in the Rain

Mika’s POV

Nakapagdesisyon akong sumama na lang kay Kiefer ngayon. Ayoko kasing bigyan pa ng pag-asa si Joseph na may chance pa siya sa’kin.

Me: Cheese, sasama ako sa pag-uwi mo ng Manila ngayon.

Kiefer: Talaga? Yes!!! (sinigawan si Joseph na kumakain ng leche flan sa mesa) Narinig mo ‘yun? Sa akin daw siya sasama! Hahahaha

Joseph: Narinig ko ‘yun kaya di mo na kailangang ipagsigawan. Pero kahit ikaw ang maghatid sa kanya, sa akin pa rin siya uuwi.

Me: Cheese, di ba sabi ko sa’yong ‘wag mo nang asarin si Joseph?

Kiefer: Nakakaasar kasi ang pagmumukha niya.

Me: Tsss…ikaw talaga. Dyan ka lang, kausapin ko muna si Joseph.

Kiefer: Eh paano naman ano?

Me: Tulungan mo muna si mommy.

Lumapit na ako sa kinauupuan ni Joseph.

Joseph: Hahaha, sino naman ang iniwan ngayon? (sinigawan rin si Kiefer)

Me: Di ba sabi ko tama na? Nandito ako kasi gusto kitang tapatin.

Joseph: Talaga? Magtatapat ka na sa totoo mong nararamdaman para sa’kin? Hindi ka talaga magsisisi Miks kapag iniwan mo si Kiefer.

Me: Joseph, kaibigan lang ang turing ko sa’yo. Mahal ko si Kiefer, siya ang pinipili ko. Magkaibigan pa rin naman tayo di ba?

Joseph: Hindi mo alam ang mga sinsabi mo. Naniniwala pa rin akong mas mahal mo ako kesa kay Kiefer.

Me: Ano pa ba ang kailangan kong gawin para maniwala kang kahit kailan kaibigan lang talaga ang turing ko sa’yo?

Joseph: Wala… kasi gagawin ko ang lahat para mapatunayan kong mas mahal mo ako kesa kay Kiefer. Nabubulag ka lang sa kanya ngayon pero papatunayan kong hindi pa huli ang lahat para muling mabuhay ang pag-iibigan natin noon.

Me: Joseph, nababaliw ka na ba?

Joseph: Oo. Nababaliw na ako sa’yo.

Me: Sa susunod na lang ulit tayo mag-usap, kapag medyo matino na ‘yang pag-iisip mo.

Joseph: ‘Wag kang mag-alala Miks, basta lagi mong tandaan: mahal na mahal kita. Walang binibigay sa’yo ang Kiefer na ‘yan na di ko kayang tapatan.

Ano ba ang nangyayari sa childhood bestfriend ko? Nako naman… bakit ngayon pa siya sumulpot? At ang tigas talaga ng ulo, hindi man lang ma-gets na hanggang kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya. Hinanap ko na si Kiefer at niyaya ko na siyang umuwi. Nagpaalam na kami kay mommy at Joseph.

Me: Bye Mom, paki-sabi na lang kay daddy na sumama ako kay Kiefer pabalik.

Mom: Sure, anak. Kiefer, ingatan mo ang Mika ko.

Kiefer: With all my heart tita. Paalam na. (naunang sumakay ng kotse)

Mom: Bye…mauna na akong pumasok. May gagawin pa pala ako.

Me: Jo, alis na kami. Usap na lang ulit tayo.

Joseph: I’ll see you soon, my princess. (niyakap ako sabay nakaw ng halik sa aking pisngi)

Me: (hinampas sa braso si Joseph) Bakit mo ginawa ‘yun? Nandito pa naman si Kiefer.

Joseph: Maiintindihan na niya ‘yun kasi mag-bestfriends naman tayo.

Me: ‘Pag kami nag-away ni Kiefer humanda ka sa’kin!

Joseph: Eh di mas mabuti para tuluyan ka nang mapasa’kin.

Make It Real (Kiefer Ravena and Mika Reyes Fan Fiction) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon