Chapter 19

5.9K 49 8
                                    

Chapter 19- To Tell or Not To Tell

Thomas' POV

Akala siguro ni Ara hindi ko napansin ang biglaang pagbabago ng mood niya. Siguro may nangyari kanina sa parking area na nakaapekto sa mood niya. Hindi rin ako naniniwala na nawala siya dun sa parking area, may mga signs naman na nakalagay kung sa'n ang direksyon patungo sa loob ng mall. Nahalata ko na siya sa kilos at pananalita niya nang nagkita kami samay entrance ng mall. Obvious naman na ayaw niya itong pag-usapan kaya di ko na siya pinilit at sinakyan ko na lang ang trip niya. Medyo bumalik na sa dati ang mood niya habang kumakain kami pero napansin kong medyo malungkot ang mga mata niya.

Me: Ara, okay ka lang ba?

Ara: Oo nga. Ayan ka na naman....

Me: Kasi, parang may nag-iba sa'yo mula nung "mawala" ka kanina sa parking area.

Ara: Ah, wala... wala 'yun. Natakot lang siguro ako kasi baka makidnap ako dun. Hehehe

Me: Sigurado ka ba?

Ara: Oo kasi...ang kulit. Umuwi na nga lang tayo.

Me: Ayaw mo bang magtagal pa dito sa mall?

Ara: Maraming tao eh...napagod na rin ako kanina. Gusto ko nang magpahinga.

Me: Ah, sige-sige. Tara, hatid na kita.

Ara: Sigurado ka? Wag na...out of the way pa naman ang dorm namin sa bahay niyo.

Me: I insist. Baka mawala ka dito sa mall, di ako patatawarin ng konsyensya ko. Ako rin naman nagyaya sa'yo dito kaya dapat lang na i-hatid kita.

Ara: Sige na nga...bilisan na natin.

Ayaw pa rin niyang umamin. Di ko na muna siya pipilitin sa ngayon.

Ara's POV

Pagkatapos naming kumain ni Thomas, hinatid na rin niya ako sa dorm namin.

Me: Salamat talaga Thomas.

Thomas: Wala 'yun. Ingat ka palagi ha?

Me: Syempre naman... wag ka nang mag-alala sa'kin. Nandito na ako sa dorm, wala nang pwedeng mangyari sa'kin. Dapat ikaw ang mag-ingat kasi magmamaneho ka pa.

Thomas: Oo na. Ikaw lang naman ang inaalala ko. Sige, bye Ara!

Me: Bye bye! :)

At last....makakapag-isip na rin ako saw akas kung paano ko maliligtas ang bestfriend ko mula sa Kiefer na 'yun. Pagpasok ko ng dorm, dumerecho na ako sa kwarto. Kapag nag-iisip kasi ako, gusto kong ako lang mag-isa. Medyo tulala pa rin ako pagpasok ko ng kwarto dahil sa sobrang dami ng iniisip ko.

Make It Real (Kiefer Ravena and Mika Reyes Fan Fiction) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon