Chapter 27

6K 53 10
                                    

Chapter 27- Begin Again

Ara’s POV

 

Mabuti-buti na rin ang pakiramdam ko…tama nga si bestfriend, kailangan ko talagang magpahinga. Nandito pa rin ako sa kwarto ko, nakahiga at nakatunganga. Gustuhin ko mang kalimutan siya, pabalik-balik pa rin sa aking isipan si Thomas. Pa-ulit-ulit kong ni-rereplay ang mga moments na palagi kaming magkasama. Lahat sila masaya…hanggang sa umabot nga na nalaman ko ang katotohanan kagabi. Pero siguro nga sincere talaga siya sa pagtulong sa’kin. Kaya lang, ano ba talagang rason niya at ginawa niya yun? I reall think too much, sasakit pa ulit ang ulo ko. I need to relax…..

After 5 minutes:

 

Mika: (binuksan ang pinto) Hi bestfriend!!! Kumusta na ang pakiramdam mo??!!

Me: Okay na sana. Sumakit lang ulit nung pumasok ka.

Mika: Bakit naman?

Me: Ang lakas ng tili mo…masakit sa tenga at ulo.

Mika: Oopps, sorry.

Me: Bakit nandito ka ngayon? Akala ko ba may date kayo ng Kiefer mo? At nasan ang bag ko? Nakuha mo na ba kay Thomas?

Mika: Actually, we sacrificed our date para masamahan ka dito. And about your bag, hindi ko pa nakukuha eh.

Me: Hindi mo pa nakuha? Best naman…maawa ka sa’kin. Baka tumatawag na mama ko. Siguradong nag-aalala na yun. Okay lang namang iwan niyo ako dito. Kaya ko na sarili ko.

Mika: Wag kang mag-alala best, darating din yung gamit mo ngayon. Hahaha

Me: Ano, pina-special delivery mo pa mula kay Thomas?

Mika: Basta…Uhm best, sure ka bang okay lang talagang iwan ka naming dito?

Me: Oo nga kasi…ang kulit. >_<  Alis na kayo!

Mika: Thank you best! Ingat ka dyan ha?  (nagmamadaling lumabas ng kwarto)

Me: Naku, ‘tong babaeng ‘to…adik na talaga kay Kiefer. Mas pinipili na niya ngayon si Kiefer kesa sa’kin. Kapag ako nagka-boyfried, humanda talaga ‘yun sa’kin! Problema nga lang, kailan pa kaya ako magkaka-boyfriend? Ang pathetic naman ng buhay ko.

(biglang bumukas ang pinto)

Thomas: Wag mo nang pagselosan si Kiefer Ara, nandito naman ako parati para sa’yo. :D

Me: Hoy unggoy! Anong ginagawa mo dito? Sinong nagpapasok sa’yo?!

Thomas: (bumulong) May sakit ka na nga, ang sungit-sungit mo pa rin.

Me: Anong sabi mo??

Make It Real (Kiefer Ravena and Mika Reyes Fan Fiction) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon