II- Twenty-Two

29.3K 206 2
                                    

A/N: Medyo lame tong UD. Naghahanda kasi ako para sa nakakaiyak na part T^T Handa kayo ng tissue! ^_^ at guys, pasupport ng bago kong story. Ang title nya? I kissed Her goodbye. Story yun ni Florence :D

 

 

 

GAIL'S POV

 

This is it! Concert day na at kinakabahan ako ng bonggang-bongga. Aish!

 

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHH" Sigaw ko para mailabas ang kaba ko ^_^V

 

"Aish! Ano ba gail? Nag-aayos ako ng gitara dito tapos sisigaw ka dyan.." Pagsusungit na naman ni Florence.

 

Napatigil ako bigla. Dejavu. Parang nangyari na to. Kinabahan ako bigla.

 

"Oo nga Gail, ang ingay mo. Natutulog ako eh.." Sabi naman ni Carlo na nakasimangot.

 

"Oo nga Gail! Kala ko may sunog.." Sabi naman ni Jeremy na may hawak na namang libro.

 

"Kinakabahan lang yan si Gail. Ilang  oras na lang kasi laban nyo na.." Pagtatanggol ni Clifford.

 

Tama nga naman. Tama. Kinakabahan ako kasi malapit na yung oras para sa contest. Nandito na kami actually sa backstage para sa final rehearsal.

 

"Oo nga. Dapat kabahan na din tayo. Magagaling ata kalaban natin.." T^T sabi ni Andrew na nakapout.

 

"Wag ka nga magpout! Bading ka ba? Ayaw ko magkakambal ng bading!" Sabi naman ni Florence sabay hagis ng towel na pinampupunas nya sa gitara nya. Hays! Parang nangyari na talaga to.

 

"Wahaha. Yang si pretty boy Andrew? Bading? Nako! Bebenta yang news na yan sa Fangirls nya! Kikita ako ng malaki nyan!" Pang-aasar naman ni JC. Sarap talagang batukan ng korning lalaking yon -_-

 

"Ikaw kaya ang ibenta ko JC pati yung mga korning jokes mo? Kaso baka walang bumili.." Pang-asar ni Florence.

 

Nagtawanan naman kami. Si Florence talaga. Kahit inaaway ang kapatid, ayaw nya ng may ibang umaaway dito :)

 

"Tama na nga yan! Lalong kinakabahan sa inyo tong mistress ko eh.." Sabay akbay sakin ni Melvin. Si Melvin ang lead guitarist namin ^_^

 

"Mistress?!" Pasigaw na tanong nila Catherine na kadarating lang.

 

Oo nga noh? Siniko ko nga sa tyan tong damuhong to.

 

"Mistress ka dyan!" Nagtawanan lang ang barkada.

 

"Hoy Yu! halika na dito. Aayusan ka na namin. Kelangan tao ka pag humarap sa kanila.." sabi sakin ni Leanna na may kasama pang irap.

 

"Oo nga. Tara na dali!!!!!!!" Sabi naman ni Zury. So sumunod na lang ako.

 

 

Humiwalay na nga kami sa mga boys at nagsimula na sila sa pag-aayos samin ni Kim.

 

Kasali din kasi si Kim. Sya sa rhythm. Si Florence sa base. Si joseph sa drums. Si Charles naman ang boy vocals. Then si Melvin ang lead.

 

Kinulot lang nila ang buhok ko tapos light make up lang din ang nilagay.

 

"Ayan! Ang ganda mo Bes!" Sabi ni Cathy sabay yakap sakin.

 

"AISSSSH! Ginawa nyo kong babaeng-babae!" sigaw naman ni Kim.

 

Natawa na lang kami.

 

"Hoy wag kag OA! konting blush on lang yan nuh!" Pambabara ni Lean kay Kim.

 

Pasaway talaga. Lagi silang magkaaway. Nagready na kami. Ang astig ng costume namin for tonight!

 

Nakawonderwoman ako *u* Puro superhero ang suot ng banda namin.

 

Nagsimula na din ang program at maya't maya ang tingin ko sa audience. Nasan na kaya yun? Sabi nya manunuod sya.

 

"You look horrible.." Kahit di ko pa nakikita ang nagsalitang yun alam ko na kung sino.

 

"Salamat ha?" Sabay tingin ko sa kanya at roll eyes.

 

"Hahaha. Bakit ka ba kasi tingin ng tingin dyan sa audience? Excited na? 2 more performances at kayo na ah."

 

"Lance, wala pa kasi sya.." Sabi ko sabay tungo.

 

Hinawakan nya ko sa balikat.

 

"Darating yun. Di ba sabi nya darating sya?Tiwala lang.."

 

Napatingin ako sa kanya. Nagsmile sya.

 

Sana nga. Sana dumating ka Sieg.

 

Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon