II- Forty-two

29.2K 179 3
                                    

Sieg's POV

 

Nagmamadali akong pumunta sa park dahil may susunduin ako. For sure magagalit na naman yun. Pagagalitan na naman ako nun -_-

 

Kahit wala ako sa mood lumabas ng bahay ay napilitan pa din ako kasi maglalayas daw sya pag hindi ako ang sumundo sa kanya. May ipapakilala pa daw sya sakin.

 

Hays. Naaalala ko bigla si Gail. Kamusta na kaya sya? Aish! after that night, di na kami ulit nagkausap.

 

Pagdating ko sa park, nakita ko kaagad sya na may kausap. Yan siguro yung ipapakilala nya sakin. Batang to talaga.

 

"Sage!" Tawag ko sa kanya. Maya-maya nakita kong lumingon sakin ang isang cute na bata na may edad na 4 years old. Turning 5. Agad naman syang ngumiti nung nakita nya ako.

 

Maya-maya bumalik yung tingin nya dun sa kausap nya.

 

"Ayan na si daddy.." Sabi nya. Napapangiti na lang ako.

 

Maya-maya lumingon yung babaeng kausap nya at para akong nastuck up sa kinatatayuan ko. This can't be.

 

"Siegfred?!"

 

***

 

"Ahm.. Anak mo si Sage?" Nakayukong tanong nya sakin.

 

Napayuko na lang din ako.

 

"Yes." Oo. anak ko sya.

 

Nakita kong tumulo ang luha nya.

 

"Yan ba.. yung.. sinasabi mong rason?" Napatingin ako sa kanya. Ang dali talagang makapick-up ng taong to. Alam nya agad.

 

Tumango ako.

 

"How come?" Tuloy-tuloy ang agos ng luha nya. Feeling ko nasasaktan ko na naman sya :|

 

"Anak ng businesspartner ni mama si Krisha. Nung una sinusubukan nila Mama na ipagkasundo kami pero hindi ako pumapayag. Kasi nga.. nandyan ka. Taga kabilang school lang si Krisha. Sya yung umaway sayo one time sa gym nyo. Sya din yung babaeng nakita mong.. kahalikan ko."

 

Napayuko ako sa huling sinabi ko. That night was hell for me. Sobrang sakit para sakin nung gabing yun.

 

"Pilit kong nilalayuan si Krisha pero lapit sya ng lapit. Hanggang isang beses, yung sinabi ko sayong nagkaemergency. Tumawag kasi sya noon, at sya yung nagsabing may emergency kaya umalis agad ako. Pagdating ko sa bahay, nakita ko sila mama na nag iinuman lang pala. Nainis ako ng sobra nun.Dahil dyan sa pesteng emergency na yan, di kita nakasama ng matagal.."

 

Nalungkot ako lalo habang nagfaflashback lahat sa utak ko :|

 

Si Gail patuloy lang sya sa pag-iyak.

 

"Aalis na dapat ako nun kaso pinigilan nila ako at pinainom ng pinainom hanggang sa hindi ko na alam ang nangyari. Nagising na lang ako na kasama ko sya sa kama. Siguro nga, ginawa namin 'yon'"

 

Nakita ko syang napakagat sa labi nya.

 

"Akala ko nung una palabas nya lang yun. Na kunwari may nangyari samin para pikutin ako kaya pinatake ko sya ng iba't ibang pregnancy test.That's why madalas akong wala sa school at laging may 'emergency' kuno. Hoping na hindi talaga nangyari yun at walang nabuo, pero nung araw ng concert Gail. Lumabas yung resulta. And it's positive."

 

Napahawak sa Gail sa bibig nya para pigilan ang paghagulgol. Napatingin naman ako sa anak ko na naglalaro na naman sa di kalayuan.

 

"Natakot ako that time Gail. Natakot ako na malaman mo kasi alam ko, masasaktan ka. Di ko rin sinabi sayo kasi alam kong gagawin mo ang tama. Pag nalaman mong may anak kami, baka ipagtulakan mo pa ako sa kanya. which is ayaw kong mangyari kaya ako na lang ang lumayo.. kahit masakit."

 

Napayuko ako. Naaalala ko na naman ang nangyari sa past ko. Yung pag-inom ko ng beer halos araw-araw dahil nawala sakin si Gail. Yung sakit na nararamdaman ko.. at  pagsisisi.

 

"Nung graduation, balak kong sabihin sayo lahat. Lahat-lahat. Kaso umalis ka na daw.."

 

Nagpahid ng luha si Gail at tumingin sakin.

 

"What about Sage's mom? where is she?"

 

Napatingin ako kay Sage.

 

"Namatay si Krisha right after na iluwal nya si Sage.Delikado syang magbuntis pero itinuloy nya. Marami na daw kasi kaming nasakripisyo para kay Sage tapos biglang ititigil nya. Kahit naman ako, hindi payag sa ideya na yun."

 

Napabuntong-hininga ako.

 

"Ang gandang bata ni Sage. Kaya pala magaan ang loob ko sa kanya, ikaw ang ama."

 

Napatingin ako kay Gail at nakangiti nyang pinagmamasdan ang anak ko.

 

 

"Gail."

 

Napatingin sya sakin.

 

"Kung sinabi ko ba agad sayo, matatanggap mo si Sage? Matatanggap mo ba ang bata?"

 

Umiwas sya ng tingin.

 

"w..What do you mean?"

 

Hinawakan ko ang kamay nya.

 

"Alam mo naman na ikaw lang gusto kong maging ina ng mg anak ko di ba?"

 

Napatingin sya sa mga mata ko.

 

"Siguro kung sinabi mo agad, syempre magagalit ako. May girlfriend ka pero nagkaanak ka sa iba. Kung ang tanong mo naman ay kung tanggap ko yung bata, syempre naman. sino ba naman ako para tanggihan ang blessing na tulad nya.."

 

Napangiti ako.

 

"Pero hindi ibig sabihin nun matatanggap ko din yung fact na, hindi ako ang nanay Sieg." dugtong nya kaya nawala agad ang ngiti ko.

 

"Gail.."

 

Tiningnan ko sya ng seryoso sa mata.

 

"Patay na ang nanay ni Sage. and gusto kong lumaki sya ng may nanay. Mahal mo pa din naman ako di ba?"

 

Kumunot ang noo ni Gail. Please Gail. Pumayag ka please.

 

"Diretsuhin mo ko Siegfred.." Sagot nya na naguguluhan.

 

"Will you be the mother of my child?

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

will you be my wife?"

 

Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon