II- Thirty-Seven

29.3K 202 3
                                    

Sieg's POV

 

-_-

 

Ano bang dapat kong sabihin? -_- Gabi na at tulog na ata ang lahat. joke lang. Di nga ako makatulog '__'

 

Napatingin ako sa katabing ko si Ryan na nakasandig ang paa sakin. Badtrip. Inalis ko ang paa nya at lumabas muna ng kwarto. Makapagswimming na lang nga.

 

Kumuha ako ng twalya at kumuha din ako ng beer in can. Buti libre vendo machine dito. Mayaman talaga yung fiancee ni Gail. Pero mas gwapo pa din naman ako. Aish! Naaalala ko na naman yun. Eh di sya na ang kinantahan ni Gail nug thank you for the brokenheart na yun. Kaasar. -_-++

 

Binuksan ko yung glass window para makapunta sa swimming pool kaso tadhana nga naman. Nang-aasar ka ba tadhana? Suntukan na lang =_=++

 

Nandun lang naman si Gail at yung fiancee nyang nagevolve mula sa unggoy. Galing kaya ako sa lahi ni Adan >:) Aalis na dapat ako kaso narinig kong nagsalita si Gail.

 

"Oy Lance! Napapasukan tenga ko! >.<"

 

Napatingin ako kay Gail. The same innocent Gail. Mas nagmukha lang syang sopistikida pero sya pa din yung inosenteng Gail.

 

At naglalapungan lang naman sila nung fiancee nyang mas gwapo pa din naman ako.

 

Tumingin ulit ako kay Gail.

 

Gail, kung ibang desisyon ba ang ginawa ko, tayo pa din kaya? Matatanggap mo kaya? hays. Napailing na lang ako. Knowing Gail. Gusto nya puro tama ang ginagawa nya. Kaya hindi nya magagawa yun.

 

Sorry Gail. Sorry talaga. :|

 

***

 

Gail's POV

 

"Yay Flo! namiss kita!" pagkakita ko palang kay Florence ay tumakbo agad ako at niyakap sya.

 

"Hoy Yu, boyfriend ko yang yakap mo.." Napatingin ako kay Leanna na nasa tabi ni Florence at literal na nanlaki mata ko. Kumalas ako sa yakap at tiningnan sila ng seryoso.

 

"K..Kayo?" Tanong ko kay Florence.

 

Tumingin naman sya kay Leanna at pinanlakihan to ng mata.

 

"What are you saying?" Tanong ni Florence na nakakunot ang noo.

 

Napatingin tuloy kaming lahat kay Leanna.

 

"Joke lang. To namang mga to.." sabi sabay pout. Nakahinga naman ako ng maluwag.

 

Hindi naman sa ayaw ko kay Leanna para kay Florence. It's just that, alam ko kasing di pa ready si Florence sa bagong relasyon after what happened 2 years ago. Sayang! Di ko man lang nakilala si Ella :| (basahin nyo po yung I kissed Her Goodbye)

 

***

 

"Eto pala sya.." Sabi ko pagkakita ng picture ni Ella. Simula kasi ng sinabi ni Flo na nakamove on na sya kay Cathy at nakita na nya ang babaeng para sa kanya, naexcite talaga ako na makita to. Kaso laging hindi natutuloy ang flight namin pabalik.

 

"She's cute.." Sabi naman ni Lance.

 

Napangiti si Florence sa sinabi ni Lance.

 

"Alam nyo bang naka-ilang sapak muna yan sakin bago ko narealize na mahal ko na sya?"  Napatingin ako kay Florence. Nakatingin na sya ngayon sa labas ng bintana.

 

"Alam nyo bang ilang beses kong hiniling na sana hindi ko na lang sya minahal.."

 

Nalulungkot ako para kay Florence. Hanggang ngayon, sarili pa din nya ang sinisisi nya sa pagkawala ng girlfriend nya.

 

"Kung hindi ko sya girlfriend that time--"

 

"Flo.." Tawag ko sa kanya sabay lapit sa kanya at yakap sa likod nya.

 

"Wag mo naman syang pahirapan. Paano sya sasaya sa kinalulugaran nya kung alam nyang malungkot ka?" pinipigilan ko ang sarili kong umiyak.

 

"Pakiramdam ko kasi Gail, ako ang may kasalanan kung bakit nawala ang dalawang pinakaimportanteng tao sa buhay ko.." This time tuluyan ng tumulo ang luha ko.

 

May apat akong weakness eh. Pamilya ko, mga kaibigan ko, si Lance.. at syempre ang dalawang kuya-kuyahan ko. Si Florence at Andrew. I just can't imagine na si Florence na lang kuya ko ngayon.

 

"Kung maibabalik ko lang ang oras--"

 

"Shh. Wag mo yang isipin Flo. Lahat ng nangyayari ay may dahilan. Magpakatatag ka lang. Nandito pa naman ako. Bunso nyo ko diba?" Mas lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko.

 

Sana sumaya na si Flo. Sana sumaya sya kahit wala na yung babaeng mahal nya at yung nag-iisang kapatid nya.

Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon