Chapter 9

2.7K 72 4
                                    

Joey Miranda

It's a monday morning... May quiz kami ngayon pero hindi ako nakapagfocus kagabi sa pagrereview. Gusto niyo malaman bakit? E anak kase ng tokwa si Charles e. Ang sarap tadyakan.

Flashback

Nasa playground kami ngayon ni Charles. Actually kaming dalawa lang kase si Sheila busy sa kakalaro dun sa mga bata. It's 7 o'clock in the evening pero hindi pa rin sila umaalis dalawa.

"Joey/Charles" Sabay kaming dalawa.

"Sige una ka na." Sabay pa rin kami.

"Hindi sige ikaw na." Sabay pa rin.

OKAY! Mawiwindang na ang beauty ko dahil lagi kaming sabay! Ano ba! Alam ko namang MTB kami pero pati ba naman sa pagsasalita? Ayiiee. Joke lang. Hahaha.

Hindi na ako nagsalita sinyales na mauna na siyang magsalita.

"Joey kase..." Panimula niya.

Binigyan ko siya ng ano look pero napakamot lang siya sa ulo niya.

"Ano kase Joey..." Sige lang hinihintay ko yang sasabihin mo... pero wag mo masyado tagalan. Naiinip ako e. Tinignan ko ulit siya at kagaya kanina weird look parin ang binigay ko sa kanya.

"Kase Joey..."

"Nakakaloka ka Charles! Ano ka ng ano! Kase ka ng kase!" Sabi ko naman sa kanya. Nakakairita na kaya. Ang dami daming ano-ano... tsaka kase-kase.

"Kung may sasabihin ka sabihin mo na! Baka mamaya maunahan ka pa ng iba!"

O_O Sinabi ko ba yun?

Hindi ba mukhang double meaning yung sinabi ko?

Face palm.

Anak naman ng tokwa Joey. Alam ko namang konting araw nalang ang meron ka pero wag ka naman magmukhang desperada. Nakakaloka ka.

"Ano kase Joey..." Ayan nanaman yung kase-kase na yan.

"Alam mo Charles nakakabwisit nalang tong usapan na to..." Sabi ko sa kanya.

"Joey kase... gus--gus--gust..." Ano daw?

"Gusgusgus... ano yun?" Tanong ko sa kanya.

"Patapusin mo muna kase ako!" Sumigaw siya. Sympre nagulat ako.

"E bakit mo ako sinisigawan!?" Napasigaw din pasensya na. Nacarried away! Hahaha.

"E kase naman... napakaimpatient mo... Sasabihin ko lang naman na gusto kita minamadali mo pa ako!" Sabi naman niya sa akin.

Ahh.. Yun lang naman pala ang sasabihin ang dami dami niya pang ano ano tsaka kase kase...

Pwede naman niyang diretsuhin na gusto niya ako sasabihin ko din naman na gusto ko siya...

Teka...

Ano ulit yung sinabi niya?

Gusto niya ako...

O___O

"Aa--a-an-ano?" Nauutal kong tanong sa kanya.

"Sabi ko gusto kita." Rinig na rinig ko yung sinabi niya!

"Ahh Charles sige... Matutulog na ako!" Sabi ko sa kanya sabay takbo.

Uy Joey! Bakit ka tumakbo!? Nakakaloka ka. Hindi ko kineri yung run-out mo! Iniwan mo sa ere si papa!

Karating na karating ko ng kwarto uminum ako agad ng gamot baka magpalpitate ako...

SA SOBRANG KILIG!

--

Ngayon? Alam niyo na ba kung bakit hindi ako nakapagreview ng maayos kagabe?! Naku... Kapag ako talaga bumagsak sa Algebra! Mapapatay ko si Charles! Isasaksak ko siya sa bulsa ng nanay niya! Nakakaloka.

Nandito na ako sa school. Kaya lang mukhang may kaganapan nanaman. Lumapit ako ng bahagya...

Nakita ko si Ms. Nikki! Ayun nagkachance din ako para malapitan siya.

Agad naman akong lumapit kay Ms. Nikki kaya lang may kasama siyang isang lalake kaya medyo nahiya ako. Kaya lang ano ba yung simpleng thankyou man lang dba?

"Miss Nikki!" Tawag ko sa kanya kaya napalingon naman siya agad.

Lumapit siya lalo sa akin kaya napangiti ako.

"Joey!" Akala ko hindi na niya ako kilala... Busy na din kase siya e... Tsaka balita ko ikakasal na yung pinsan niya... Si Ms. Janella. Ang ganda ganda nun e... Tsaka yung fiancee niya si Sir Patrick... ang gwapo... mukhang mabait.

"Ms. Nikki gusto ko lang po sana magpasalamat sa inyo." Sabi ko nalang sa kanya.

"Wala yun Joey... Natutuwa nga ako kase nakakatulong ako lalo na sayo..." Sabi niya sa akin.

"Niks, di mo ba ako pakikilala sa magandang dilag na ito?" Tanong naman nung lalake... Sino kase to? Nakalimutan ko na yung pangalan niya. Hahaha. Hindi ko kase masyadong inaalam yung tungkol sa Elites kaya yun... wala akong alam.

"Ahh... Joey this is Vince... Vince this Joey. She's one of my recipients sa orphanage..." Pakilala niya sa akin tapos iaabot ko na sana yung kamay ko sa kanya ng biglang may tumapik sa kamay ni Vince.

Paglingon ko si...

Charles.

"Oy tol!" Sabi ni Vince. Magkakilala sila?

"Bawal hawakan ang kamay ng mahal ko..." Ano daw? Nabingi ako sa sinabi niya. Kagabi gusto lang... ngayon naman mahal na... Iba rin ang saltik ng lalaking to.

"Wow. Hindi ko alam lover boy ka na ngayon Charles." Biro naman ni Ms. Nikki sa kanya.

"Magkakilala kayo Ms. Nikki?" Tanong ko naman sa kanila.

Ngumiti sa akin si Charles na ikinailang ko naman.

"Oo... Actually dapat member siya ng Elites kaya lang ayaw niya e." Sabi naman ni Vince. Epal much no? Hahaha. Hindi naman siya yung tinatanong ko. Pero atleast sumagot siya.

Pero talaga? Akalain mong isang hambog at antipatikong tarsier dapat kasali sa Elites.

"Uy guys... punta kayo sa wedding bukas... I'll be expecting you." Sabi naman ni Ms. Nikki sabay about ng sosyal na invitation. Napatango nalang ako pero hindi ako sigurado kung makakarating ako... Wala naman akong damit sa mga ganyang sosyalan e.

"Sure Niks, ako pa ba mawawala sa Wedding of the year na ipinagmamalaki ng pinsan mo." Biro naman ni Charles. Ang yabang talaga neto. Tadyakan ko kaya?

"Sige mauna na kami ni Vince ha... See you tomorrow." Sabi naman ni Ms. Nikki tsaka na sila umalis.

Kaalis na kaalis nila Ms. Nikki mabilis akong naglakad palayo kay Charles. What the heck! Naiilang kaya ako! Bwisit siya.

Pero bago pa ako nakalayo biglang may umakbay sa akin.

"Punta tayo bukas ha... ikaw date ko." Sabi naman niya. Tinignan ko yung braso niya na nasa ibabaw ng balikat ko tapos tinignan ko siya.

Tinapal ko yung kamay ko sa mukha niya.

"Mukha mo!" Sabay alis. Hahaha. Walk-out nanaman no? Hehehe. Bahala siya! Bwahahahaha.

Millionaire's LoverWhere stories live. Discover now