Chapter 8

2.6K 79 6
                                    

Joey Miranda

-

"Yhh Joey! In love ka na ba?! Hindi pwede. Hindi. Hindi. Hindi." Sabi ko sa sarili ko. Sinabunutan ko rin sarili ko.

"IYHHH!! NAPAKA-COMPLICATED NG NARARAMDAMAN KO!" 

"Ano bang nararamdaman mo?" Napalingon lang ako sa salita at guess who?

Si Charles.

Anak ng tokwa talaga.

"Ahh wala wala..." Pagdedeny ko naman.

"Anong wala? Narinig kaya kita... Sabi mo ang complicated ng nararamdaman mo..." Sabi naman niya. Tinignan ko lang siya kase naman todo smile pa. Lalo tuloy ako nacoconfuse.

"So gusto mo nga ako..." Sabi niya sabay sundot sa tagiliran ko. Medyo may kiliti ako dun kaya napaatras ako.

Hinampas ko sa kanya yung sandok na hawak ko.

"Alam mo ang yabang yabang mo..." Sabi ko naman sabay pukpok sa kanya nung sandok.

"Sus... sabi ng mga matatanda.. ang mga bata hindi nagsisinungaling... E ang sabi ni Chay kanina gusto mo daw ako..." Sabi niya. Napaface palm nalang ako sa sobrang kakapalan ng mukha niya.

"Ewan ko sayo! Ang kapal mo." Sabi ko nalang tapos binuksan ko na yung gripo para makapaghugas na ako ng pinggan.

"Tulungan na kita dyan..." Alok niya sa akin pero tinignan ko lang siya. Alam niyo ginawa niya?

Lipbite. Anak ng tokwa... Maaga akong mamatay dahil sa sobrang hotness niya...

Teka anong sabi ko?! Iyhh...

Erase. erase. erase. Wag niyo nga pinagpapapansin mga sinasabi ko. Biglang uminit...

"Wag na... Dun ka nalang sa labas kaya ko nanaman to e..." Sabi ko nalang sa kanya tapos tumango lang siya tsaka na lumabas.

-

Charles Piamonte

Natuwa naman ako sa mga reaksyon niya... Ang cute niya magblush e. Alam niyo ba anong narinig ko? Nakakatawa talaga kase naman kausap niya yung sarili niya. Eto yung sinabi niya o.

"Yhh Joey! In love ka na ba?! Hindi pwede. Hindi. Hindi. Hindi." Kitams? Inlove na sa akin si Joey ayaw lang aminin. Tawa ako ng tawa nung narinig ko sa kanya yan kaya lang baka kapag lumabas ako agad kaya pinakinggan ko muna mga monologue niya.

Bumalik na ako sa activity center at nakita ko si Chichay at Joaquin na naghoholding hands. Ke bata-bata ang haharot. Hahaha. Lumapit ako sa kanilang dalawa at kiniliti.

"Kayong dalawa ha... patay kayo sa Ate Joey niyo... Ano yan? Bakit may holding hands?" Sabi ko sa kanilang dalawa pero tawa pa rin sila ng tawa. Tapos ko na silang kilitiin pero tumatawa pa rin... Ano yun after shock? Hahahaha.

"E bakit ikaw kuya Charles? Meron ka pang bulaklak..." Sabi naman ni Joaquin.

"Aba! Ganun talaga kapag... nanliligaw...Bulong ko naman kay Joaquin. Tapos tumawa siya.

"Talaga kuya Charles? Ako rin ako rin!" Sabi niya sabay talon talon. Bigla naman siyang tumakbo at iniwan si Chichay sa akin.

"Anong nangyari dun kuya Charles?" Tanong niya sa akin tapos nagkibit balikat nalang ako. Kunwari wala akong alam.

Pagkatapos ng ilang minuto bumalik si Joaquin. Alam niyo kung anong ginawa?

Kumuha ng yellow bell dun sa garden!

Inabot niya yun kay Chichay...

"Chay o!" Sabi niya sabay bigay kay Chay. Naks, ang alaga ko PBB teens. Manang mana sa kagwapuhan ko.

Anong konek nun? Hahaha. Bahala kayo. Basta ako gwapo!

"Anong gagawin ko dyan?" Wow. Mataray din manang mana sa Joey ko.

"Sayo yan... Galing sa akin." Sabi naman niya. Yan ang bata ko! Maangas din. Hahaha.

"Ahh.. salamat wacks!" Sabi naman ni Chay sabay kiss sa cheeks ni Joaquin.

Uy UNFAIR! Bakit nung ako nagbigay kay Joey ng bulaklak wala akong kiss?!

"Hoy Joaquin!" Opps. Alam niyo na kung sinong miss minchin ang dumating! Hahaha. Si Joey XD

"Ate Joey!" Yakap naman ni Chichay sa kanya. Pwede ako din?

"May pabulaklak-bulaklak ka pang nalalaman! Sino nagturo niyan sayo!?" Tanong naman niya tapos si Joaquin tinignan ako. Nako patay. Hahaha.

"Hoy Piamonte! Kung anu-ano tinuturo mo sa mga alaga ko!" Maangas niyang sigaw sa akin. Halikan ko kaya to ng magtigil?

Ay wag... baka atakihin sa sobrang kilig.

Bawal siyang mamatay.

Hindi pa niya na ako napapakasalan e.

Wow kasal agad no? Hehe.

"Wala naman akong ginagawa e... Sunget neto..." Sabi ko sabay pout. Baka sakaling tamaan ng charm ko at halikan ako... Hahaha. De loko lang.

"Tara na dun na tayo sa labas..." Sabi naman niya kaya ayun nagsitakbuhan sila Chay at Wacks. Excited lumabas?

Tumayo na din ako at naglakad palabas.

Hinabol ko si Joey para sabay kaming maglakad.

Hinawakan ko yung kamay niya tsaka siya napatingin sa akin.

Ngitian ko siya.

Alam niyo ginawa niya sa akin?

Tinapal niya yung kamay niya sa mukha ko.

"Chansing ha!" Sabay tawa pero hindi naman niya inalis yung kamay ko sa pagkakahawak sa kamay niya.

Millionaire's LoverWhere stories live. Discover now