Chapter 7

2.8K 70 6
                                    

Charles Piamonte

5 o'clock palang umuwi na kami ni Shey. Sobrang badtrip ata niya sa akin kaya ayun. Nagdadabog. Parang timang lang. Tss.

Karating namin ng bahay kanina nakita ko si Mama... I kissed her and said hi. Nagulat nga siya kase hindi ko naman ginagawa yun. Kahit nga ata ako nagulat e. That's unusual for me. Pero after namin magusap ni Joey parang gusto ko gawin yung sinabi niya... Appreciate daw.

Speaking of Joey... Mabait naman pala siya. And I guess I can say na maganda siya kapag nakangiti.

"Para kang tanga Charlie.." Rinig kong may nagsalita. Napalingon ako sa pinto at nakasandal si Shey at nakataas ang kilay.

"Ano nanaman gusto mo?" Tanong ko sa kanya.

"Wala naman... Simula kase nung umuwi tayo para iba yang mga ngiti mo... And you know what?" Sabi niya sa akin tapos binigyan ko siya ng weird looking face telling na ano?

"It's so creepy... Nakakatakot." Hay nako. Pasaway talaga.

"Did something happen? Ngayon ko lang kase nakita yung ngiting yan e... Inlove ka ba?" Tanong naman niya sa akin. Ako inlove?!

Oo ata. Hahahaha. "Hindi no! Umalis ka na nga!" Sabi ko naman sa kanya. Sympre deny deny din.

"Aysus... Feeling ko inlove ka..." Sabi naman niya... Hahaha.

"Ay teka nasa baba si Ate Joey... Sandali ha..." Sabi niya tapos lalakad na siya ng bigla akong mahulog sa kama.

"Nasan?!" Yan nalang lumabas sa bibig ko. T_T

"See? In love ka nga... Kay Ate Joey pa!" Sabi naman niya sabay tawa. Bwisit tong babaeng to... Nanghuhuli lang pala.

"Ewan ko sayo! Bwisit ka!" Sabi ko tapos humiga na ulit sa kama.. Siya naman umalis na pero tawa pa rin ng tawa. Makatulog na nga. Letche tong si Sheila.

Nakaligo at nakabihis na ako kahit 8 o'clock in the morning pala. Ganito ba talaga pag inlove? Over excited na makita ang taong mahal?

Nasa dinning area ako ng dumating si Sheila. Dito kase sila natulog kagabi since nagbonding si Tita Marge at Mama.

"Alam mo Kuya Charles... you're so creepy talaga. Early in the morning para kang timang na nakangiti lang..." Sabi naman niya. Isa pang asar nitong babaeng to itatapon ko sa kanya yung sapatos na suot ko.

"Onga Charles... You looked so happy." Sabi naman ni Mama.

"Kase Tita Alice... In love yan..." Hirit naman niya. Basagan lang? Ikaw ang tinatanong? Loko tong babaeng to ha. Tinignan ko lang siya ng masama.

"Ewan ko sayo Shey. Dalian mo diba pupunta pa tayo sa Angel's..." Oo na ako na po ang excited.

"Mukhang may excited pumunta ng ampunan tita..." Hirit nanaman niya. Nakakaasar na to ha nakangiti pa... Tss.

"Sosyal may pa bulaklak bulaklak ka pa!" Sabi ni Shey dahil kakarating ko lang ng kotse. Bumili kase ako ng isang bouquet ng tulips... I heard favorite yun ni Joey.

"Ewan ko sayo Shey... tara na." Sabi ko nalang sa kanya tapos pinaandar ko na yung sasakyan.

Sandali pa at nakarating na kami ng ampunan. Mukhang maagang magsisimula yung activity fair. Tumakbo naman papuntang activity center si Sheila. Excited? Tss. Mahilig kase siya sa bata e.

Nakita ko si Joey na naglalakad papuntang activty center habang may daldalang malaking box.

Tumakbo ako para makalapit sa kanya. "Joey ako na..." Sabi ko sa kanya habang nakangiti.

"Para sayo nga pala to..." Sabi ko tapos binaba na niya yung box para makuha yung tulips. Kinuha ko na rin yung box na nilapag niya para ako nalang ang magbubuhat.

"Salamat ha... Pero para san to?" Tanong niya sa akin.

"Hmmm. Maybe for yesterday? I mean sorry..." Sabi ko naman sa kanya tapos nakita kong ngumiti siya habang inaamoy yung mga tulips.

"Ayos na yun... No need to give me this flowers pero salamat na rin. These are my favorite... salamat ulit ha." Sabi naman niya sa akin. Ang ganda niya kapag nakangiti.

"Tara na..." Sabi niya sa akin.

Joey Miranda

Pumasok kami ng activity center ng makita ako ni Chay at Wacks na kasama si Charles kaya naman lumapit sila para yumakap. Si Shey naman nasa likod lang ng dalawang bata nakangiti. Yung totoo? Sinaniban ba si Shey? Kahapon kase nakangiti ngayon naman nakangiti. May toyo nanaman ata yung utak netong babaeng to e. Hahaha.

"Ate Joey! Kayo na ba?" Jusko! Anong sinasabi ng batang to.

"Chay... nakakahiya kay Kuya Charles mo... wag mo sabihin yan..." Sabi ko naman sa kanya. Kase naman e may pabulaklak-bulaklak pa tong sira ulong to >_< Inuulan tuloy kami ng asar.

"Kuya, ikaw nagbigay ng bulaklak kay Ate Joey?" Tanong naman ni Joaquin. Napaface palm nalang ako sa mga pinagsasabi ng mga batang to.

"Nanliligaw ka ba?" Maangas niya pang tanong. Ewan ko sa inyong mga bata kayo! T_T

"Ahh.. Hindi pa mga bata..." Wow! Pa!? Anak ng tokwa sumakay pa sa biruan.

"Ewan ko sa inyo... Ang dami niyong sinasabi... Ikaw naman Charles pinapatulan mo tong bata..." Sabi ko naman sa kanya pero nakangiti lang.

Nagumpisa na yung activity fair. Yung ibang mga bata naglalaro tapos yung iba naman nasa labas kumakain. Ako naman nandito sa loob ng activity center kasama si Chichay at tinuturuan ko silang magcolor...

"Ate Joey... alam mo bagay kayo ni Kuya Charles..." Bungad namang bulong sa akin ng makulit na batang nag ngangalang Chichay. Ginulo ko yung buhok niya kaya nainis.

"Ikaw talagang bata ka..." Sabi ko naman siya.

"Bakit ate? Ayaw mo ba kay Kuya Charles?" Nagulat ako sa tanong niya.

Ayaw ko nga ba kay Charles?

Sandali pa akong natigilan sa tanong ni Chichay...

Anong isasagot ko.

"Hmm... gusto naman..." Sabi ko nalang.

"Anong gusto mo?"

"Ay Tinapa!" Napasigaw ako sa sobrang gulat. Ako ba talaga papatayin ng lalaking to!?

"Alam mo ikaw talaga ang papatay sa akin. Kung hindi sa sama ng loob... sa gulat!" Sabi ko sabay palo sa braso niya.

"Masakit yun ha... Bakit ka ba nananakit? Tinanong ko lang naman kung anung gusto mo..."

"E kase kuya sabi niya gusto ka d---"

"Chichay!" Sigaw ko sabay takip ng bibig niyal. Sa sobrang lakas ng pagkakasigaw ko napatingin silang lahat sa akin.

Tinignan ko sila sabay peace sign. Nakakahiya T_T Ito kasing batang to kung anu anu pinagsasabi.

"Sige sa kusina muna ako..." Sabi ko nalang sabay takbo papunta sa kusina.

Nakakahiya ka Joanna. Kung anu anu kasing sinasabi mo ayan tuloy namumula ka ngayon.

Paano ka pa haharap kay Charles nian!?

Anak ng tokwa ka talaga Joanna.

"Yhh Joey! In love ka na ba?! Hindi pwede. Hindi. Hindi. Hindi." Sabi ko sa sarili ko. Sinabunutan ko rin sarili ko.

"IYHHH!! NAPAKA-COMPLICATED NG NARARAMDAMAN KO!"

Millionaire's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon