Chapter 5

2.7K 66 2
                                    

Charles Piamonte

"OY CHARLES PIAMONTE!" Rinig kong may sumigaw ng pangalann ko. Napalingon ako at nakita ko si Sheila.

"Anong problema mo Shey?"

"Anong nangyari kay Ate Joey?"

"Pakialam ko."

"Anong ginawa mo Charles!?" Nagulat ako tanong niya. Napangisi ako... isa pa tong bestfriend kong saksakan ng arte. Siya talaga ang kakampihan? Tss.

"Okay fine, wanna hear the truth?" Sabi ko tapos nagcrossed arms siya at mukhang hinhintay ang susunod kong sasabihin.

"Inaway ko siya... I told her na kaya siya iniwan ng mga magulang niya sa ampunan na ito ay dahil wala siyang kwentang tao." There. I said it. Happy now? Tss. Aalis na dapat ako sa harap ni Sheila ng pigilan niya ako.

Lungkot sa mga mata niya ang nakita ko.

This time hindi lang isa ang natanggap kong sampal.

Dalawa. Napahawak ako sa pisngi ko.

"Hindi mo dapat sinabi sa kanya yun. You don't know her kuya... you don't know how much she is suffering now ng dahil lang sa mga sinabi mo!" Galit na galit siya sa akin habang umiiyak.

Ganun ba talaga siya kaimportante? Iniiyakan pa talaga? Tss.

"Ano bang meron sa babaeng yan at ipinagtatanggol mo siya? Siya ba ang bestfriend mo? Isa lang naman siyang hamak na palamunin sa ampunang ito..."

"I can't believe na sinasabi mo yan Kuya... Ganyan na ba kakitid ang utak mo at kahit walang malay na tao pinapatulan mo!? Hindi mo siya kilala! Mabait na tao si Ate Joey! At you don't have the right to kill her! Isang linggo na nga lang ang kasiguraduhan na mabubuhay minamadali mo pa!"

"Anong minamadali? Tsaka bakit sa akin ka nagagalit!?"

"Sinong gusto mong sisihin ko?! Si Ate Joey!? E sino bang insensitive na tao ang nagdala sa kanya sa ganung sitwasyon!? Ako ba!? Pwede Charles minsan common sense! Para kang walang pinag-aralan!" Sabi naman niya sa akin.

"Ewan ko sayo Sheila!"

"Magsorry ka kay Ate Joey!" Ayoko! Hindi ako magsosorry sa babaeng yun!

Tahimik lang ako. Hinding hindi ako magsosorry sa babaeng yun! Pride ko naka salalay dito. Naglakad nalang ako palayo kay Sheila.

"Kuya... kapag namatay si Ate Joey ngayong araw na ito... Daldalhin mo yan sa konsensya mo! I swear to God!" Sabi niya at naramdaman kong umalis na siya.

Ganun ba kalala yung nagawa ko sa kanya?

Sheila Cristobal

Nandito kami ngayon sa clinic at hinihintay namin magising si Ate Joey. Sabi nung doktor kanina hindi naman daw grabe yung nangyari sa kanya... medyo nastress lang kaya naman napunta sa ganung sitwasyon.

Sira ulo kase si Charles! Ang sarap niyang tadyakan! Forever nalang ba niya isisisi sa ibang tao ang pagkukulang ng mga magulang niya sa kanya!? That's so childish! He needs to grow up!

"Sister Rebecca, pasensya na po kayo... Akala ko makakatulong kami dito sa ampunan pero mukhang hindi naman pala... Binigyan pa namin kayo ng problema tsaka si Ate Joey..." Sabi ko nalang.. hiyang hiya na ako sa ginawa ni Charles kay Ate Joey. He's so unreasonable. Lalake ba talaga siya!? Nakakairita.

"Ayos lang iyon iha... sigurado ako kapag nagising si Joey makikipaglaro agad siya sa mga bata... Kilala mo si Joey, Shey.. Ayaw niyang sinasayang ang oras para lang alalahanin ang karamdaman niya." Sabi niya pa sa akin. Tama yung sinabi niya... Hindi sinasayang ni Ate Joey ang kahit isang minuto para isipin ang kung anung sakit ang meron siya. Mas gusto niya pang mamatay ng kakatawa kaysa sa huling sandali ng buhay niya namomoblema pa.

Napalingon naman ako kay Chichay at Joaquin na kasalukuyang natutulog dahil pagod na pagod sila kakaiyak sa sobrang pagaalala nila kay Ate Joey. Itong dalawang bata kase na ito ang pinakamalapit kay Ate Joey.

Ilang oras na din ang hinihintay namin para magising si Ate Joey pero wala pa rin e. Gusto ko na nga siyang alugin para magising na... Napasarap ang tulog ni Sleeping Beauty.

Maya-maya narinig ko siyang umungol kaya napangiti ako... Gising na siya.

Lumapit ako sa kinahihigahan niya para makita niya ako sa oras na imulat niya yung mga mata niya. Kailangan kong ihingi ng dispensa yung ginawa sa kanya ng sira ulo kong bestfriend.

"Hmmm..." Rinig kong ungol niya kaya napangiti ako. Thank God.

"Ate Joey?" Mahinahon kong sambit sa pangalan niya.

Ilang minuto pa at naimulat na niya yung mga mata niya. Nakahinga na ako ng maluwag... buti naman. Salamat sa Panginoon.

"Shey..." Bungad niya sa akin.

"Ate Joey, okay ka na ba?" Sabi ko sa kanya at ngumiti na siya... Sinubukan na niyang tumayo kaya naman inalalayan ko na siya. Hindi kase magpapapigil to kapag nagkataon... Ganun katigas ang ulo niya.

"Shey... nasan yung bestfriend mo?" Ha? Si Charles? Bakit niya hinahanap si Charles? Binigyan ko siya ng isang weird look. Siguro naman gets na niya kung anung ibig kong sabihin.

"I just want to talk to him." Sabi niya sa akin.

"Ate Joey... kung gusto mo siyang saktan, okay na. Nagawa ko na for you." Sabi ko nalang sa kanya. Nanggigigil ako kay Kuya Charles ngayon! Peste siya! Papatay ba talaga siya!? Ayyyt!!

"You didn't have to do that... Sige ako nalang ang maghahanap sa kanya." Sabi niya sabay tayo mula sa kinahihigaan niya.

Quarter to four na... siguro umuwi na yung mokong na yun. Mahilig mang-iwan yun e. Tss. "Ate Joey, baka umuwi na yun..." Sabi ko sa kanya pero mukhang wala siyang balak pakinggan ang sinasabi ko dahil tuloy tuloy siya sa paglabas ng clinic.

Ay ewan! Pareho silang magulo! Nakakabobo! >_<

Millionaire's LoverWhere stories live. Discover now