Chapter 34: Horny Facts :P

53K 534 117
                                    

April 26, 2013, 9:30 PM

Kath sat down calmly on Magui’s bed and leaned back on the wall.  Daezen sat beside her and curiously stared at her.

Kath rubbed her forehead while talking to Tita Min on the phone.  “Yes po, mommy. Sasabihin ko po kay DJ.”

“Sigurado ka ba na marami kayo diyan?” Tita Min asked on the other line.

“Opo, until now po, marami pa ring tao sa bahay nila... pero kakauwi lang po nina Tita Kris, Direk Lino, Vice at ng mga fans... so mga ibang friends at relatives nalang po ni DJ ang nandito.  Hinanap ka nga ni Tita Kris, mommy.”

“Ano pinag-usapan ninyo?”

“Wala lang naman po.  Nakwento ko lang po yung tungkol sa plan ko na mag-Enderun kasi nakapasa na ako sa lahat ng high school academic subjects.”

“So, yan na ba ang final decision mo? Hindi mo na talaga sasamahan si Miles sa SOFA?”

“Sasamahan ko po siya na magenroll doon, mommy.  Pero sa Enderun na po talaga ako.”

“Eh, si DJ?”

“Hindi pa po siya nakapag-jumptest eh kasi naging sobrang busy po ng schedules niya.”

“Eh, siya ang dahilan kung bakit ginusto mo mag-aral ng Enderun, diba?  Paano yan?”

“Secondary reason lang naman po si DJ mommy eh.  Kasi noong first time namin mag-visit doon, nagustohan ko po talaga ang school... kaya po gusto ko na talaga mag-aral doon”

“Paano yan?  Kung sakali mahihirapan na si DJ na humabol dahil sa schedules niya, okay lang sayo na ikaw na lang mag-aaral doon na mag-isa?”

“Wala na po ako magagawa.  Sobrang busy po talaga ni DJ ngayon Mommy, kahit gustohin niya...  Sasamahan niya po ako ulit doon para magprocess ng papers tapos tatanungin po namin ang mga options niya.”

“Hmmmmm...”

“Syanga pala, Mommy... nakwento sa akin ni Julia na gusto niya mag-culinary.”

“Aaahh, ganoon ba? Eh di maganda yan!  I-convince mo siya na sumama sayo sa Enderun kasi maganda naman talaga doon.”

“Yes po, kakausapin ko po siya tungkol diyan.”

“Okay.  Anong oras ka makakauwi bukas?”

“Hindi pa po sure, Mommy.  Basta ihahatid po ako nina DJ.”

“Kath, huwag mo akong pinagloloko ngayon... Alam mo na malaki ang tiwala ko sayo.”

“Mommy naman... Okay lang po ako. Dito po ako matutulog katabi nina Magui, Lelay at Daezen.  Nasa room po kami ni Magui ngayon.”

“Yung PA mo, saan matutulog?”

“Sa guest room po... Mommy, you’re such a stage mom! I’ll be fine tonight....”

“Nasasakal ka ba sa akin?  Alam mo naman na I know best kasi nanay mo ako.... Sana huwag mo sirain ang trust ko, Kath.”

“Never po... I’ll be fine here, Mommy... Okay?  I love you.”

“Bakit pakiramdam ko ang saya-saya mo dahil wala ako diyan?”

“Hindi naman po sa ganoon...”

“Ramdam ko lang... pakisabi kay DJ, Happy Birthday.”

“Sure, Mommy.  Goodnight.”

“Dapat ihatid ka niya ng maayos sa bahay bukas.  Goodnight.”

Kath dropped the call and sighed aloud.

“Pinayagan ka na?” Daezen asked her.

“After 48 hours....” Kath said in frustration.

Kathniel:  The Real ScoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon