19. Damsel to the rescue or not...

26.5K 549 19
                                    

“Bati na sila, yihi!”

Napailing na lang si Calen nang muli niyang marinig ang salitang iyon sa bibig ni Kerky. Kung masaya siya dahil nagka-ayos na silang magkapati ay mas lalong masaya ito para sa kanila. He couldn’t help but smile and laugh out loud, mukhang hindi pa nga ito nakuntento sa nangyari sa kanila ng kanyang kakambla, after their group hug, bigla na lang naisip ni Kerky na tawagan si Lex at si Nathan upang ipaalam ang balita.

Masaya siya talaga. He had missed his brother. Ilang taon niya ring tinikis ito at ngayon na maayos na sila, mas gumaan ang kanyang pakiramdam. He felt the peace he had wanted to feel all his life. Hindi nga siya makapaniwala. Kung iisipin pala, pareho silang biktima ng kanyang kakambal and he was too stubborn to even see that, he was blinded by the anger he felt for his brother that night when he chose to marry Jin Hye.

Speaking of, he wondered where Jin Hyer was. Halos maghapon na niya itong hindi nakikita. Gusto sana niya itong kausapin, he missed her. Gusto na niyang sabihin dito na okay na sila ni Caleb at wala na itong dapat ipag-alala.

“So okay na talaga kayo?” Muling tanong ni Kerky sa kanya. Pabalik na sila ng kanyang silid noon. Iniwan na nila si Caleb sa silid nito dahil kailangan na nitong magpahinga.

“Oo nga. Jeez! When are you going to stop asking? You’re like a kid!” He said to Kerky.

“Masaya lang, bok. Ang tagal kong hinintay ito, biro mo, two of my best friends, you two are in good terms now. Mapayapa na ang banda.”

He smiled again. Sigurado siya na matutuwa rin si Rika sa oras na malaman nito na maayos na sila ni Caleb. They reached his room. Tinulungan muli siya ni Kerky na makahiga sa kama niya.

“Kailan mo balak lumabas?” Kerky asked.

“I don’t know, Nathan said I still have to be observed.”

“Echos lang ni Nathan iyon.”

“I heard you.” Biglang pumasok si Nathan sa silid ko. I noticed that he was with some woman – not just some woman but he’s with his wife. Magkahawak kamay pa ang mga ito. Lalo tuloy niya na-miss si Jin Hye.

“Hi Ella!” Kerky greeted Nathan’s wife.

“Hello. Hi Cale---“ She looked at Nathan as if asking for help. Nathan smiled at her. I also saw the beam of happiness in his eyes – it was almost unbelievable.

“With an N.” I heard him whispered.

“Calen! Hi Calen!” She finally said my name. Napailing na lang ako.

“Discharge na kayo ni Caleb bukas.” He said lightly. Natuwa naman ako.

“Sasabihin mo lang na discharge na ako, naka-holding hands ka pa sa asawa mo,” biro ko. I saw Ella giggled. Pulang-pula naman ang mukha ni Nathan.

“Baka daw mawala ako eh.” Natatawang sabi ni Ella.

“Oh shut up!” Nathan said. “May araw ka rin sa akin Ronaldo.” Matapos iyon ay umalis na ang dalawa. Tawa pa rin nang tawa si Ella, mukhang asar na asar naman si Nathan sa reaksyon ng asawa nito. Nang makalabas ang dalawa ay saka naman pumasok ang taong kanina ko pa hinahanap.

“Hi!” Jin Hye greeted me. Automatically, I smiled at her. Kasunod nitong pumasok ang asawa ni Kerky, si Hanna.

“Saan ka galing?” Tanong ko pa.

“Bumili lang ako ng pagkain mo and I also checked on Caleb.” She said ti me. Hinaplos niya ang buhok ko. “Are you okay?” She asked.

“Oo, nandito ka na eh.” Sabi ko. Bigla naming namula ang mukha niya.

The one that got awayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon