9. Intense

25.7K 586 33
                                    

Gabi na nang marating namin ang bahay ni Calen. It was located in a very prestigiuos village. I sighed, mayaman talaga itong mokong na ito na wala yatang ibang gagawin sa buhay kundi ang bigyan pansin ang PSP nito. Jake stopped the car infront of a big house. Jin Hye's jaw dropped when she saw how big  Calen's house was. 

"Bahay mo?" she asked. 

"Hindi, sa kapitbahay iyan." namimilosopong sagot nito sa kanya. She made a face. Nakita niyang ibinaba ni Jake ang mga gamit niya. 

"Sir, saan ko po ilalagay?" 

"Sa kwarto, ikaw nang bahala." sabi nito kay Jake matapos utusan ito ay binalingan naman siya. "Hey, are you just going to stand there?" Naiinis pa rin na sumunod siya dito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya komprtable sa katotohanan na narinig ni Calen ang mga sinabi niya kanina. Nakakahiya talaga iyon! Malay niya bang hindi pala naka-on ang ang headphone nito at sa kanya pala ito nakikinig? Pahiyang-pahiya siya kanina and he hated Calen for making her uncomfortable! Kulang na lang ay tumalon siya palabas ng Frontier Navarra nito. 

They went inside the house, she was really impressed on how clean and organized Calen's house was. Minamalistic ang theme ng bahay nito, dominant ang kulay na black and white. She smiled, lalaking-lalaki ang dating ng bahay ni Calen. It's so him. 

"Good evening, Sir Calen." Napatingin siya sa isang babae na nakasuot ng maid's uniform. 

"That is Nancy, kasama ko dito. Nancy, this is Jin Hye, asawa ko." 

She blushed when she heard that term. Asawa. Napatitig siya kay Calen. Bakit ganoon? Bakit parang ang sarap pakinggan ng salitang asawa kapag galing sa bibig nito. 

"Nagpakasal ka na Sir?! Hindi man lang ako invited!" the maid exclaimed. Ang buong akala niya ay magagalit si Calen, pero ganoon na lang ang gulat niya nang bigla itong tumawa ng malakas. 

"Ikaw talaga, Nancy." he said smiling. "Anyway, you can go home tonight. I know how much you want to be with your family." 

"Ay talaga, Sir?! Naku nakakatuwa kayo! Sana maging kamukha ninyo ang aanakin ko!" 

"Nambola ka pa." muling sabi ni Calen. Parang sanay na sanay si Calen na makipagkwentuhan sa babaeng ito.. "Baka magtaka si Jake kapag ako ang naging kamukha ng magiging baby ninyo." 

"You're Jake's wife?" hindi matiis na tanong niya. Nancy just nodded. 

"Basta, sir, kapag lumabas na ang baby ko, ninong ka ha?" 

"Oo... sige, just fix us some food and you and Jake are good to go." Agad na tumalikod ang babae. Calen looked at her. 

"Ano na naman?" naasar na tanong niya. Calen just shook his head. 

"Do you see that room?" turo nito sa isang pinto na nasa kanyang kaliwa. "That is the master's bedroom. You and I will be sharing that room until you're here. Wala akong marinig na reklamo. I will not sleep on the floor or on the couch. That is my room, I will sleep on the bed." 

"Pero hindi naman tayo mag-asawa!" she hissed. 

"Hindi nga. Kung ayaw mo akong katabi, ikaw ang matulog sa sahig o sa sofa." Napanganag siya. Tinalikuran siya nito. Kahit kailan talaga ay napaka-dominante ng lalaking ito! Hindi siya gentleman! Wala siyang sweet bone in his body! Napapadyak siya.  

Isang bagay na iyong titira siya dito, pero ang magkatabi pa sila sa isang kama? That's too much!

Pumasok siya sa silid nito para ayusin ang kanyang mga gamit. May isang drawer doon na walang laman, doon na niya nilagay ang kanyang mga underwears at iba pang gamit matapos iyon ay binuksan niya rin ang iba pang drawer sa closet ni Calen, halos lahat iyon ay may laman na, pero hindi iyon ang nakakuha ng atensyon niya, when she opened Calen's upper drawer ay may nakita siyang isang kulay itim na g-string. She picked that up and looked at it. 

The one that got awayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon