A Fan Girl 13

26 1 0
                                    

Magpapalit ako ng format ! Hassle e!!

--------------------*

Chapter 13

Marco's POV 

Pagdating ko sa room namin as usual andun na si France at Jenny pero si Leian, wala pa! Nilapitan ko sila.

"anong ginagawa niyo?" tanong ko sa kanila paglapit ko. Sabay naman silang tumingin sa akin from head to toe.. 

" oh.. bakit ganyan kayo makatingin? para kayong kakain ng buhay ah.." pero imbis na sagutin yung tanong ko, may inabot na papel sa akin si Jenny.

"Who wants to be a Mr. BsBa?" basa ko dun sa nakasulat. Binalik ko sa kanila yung papel, " bakit, wala pa bang escort si Leian?" tanong ko pero hindi pa din nila ako sinagot.. Wala ba kayong mga bibig para magsalita?? tss.. Tumayo si Jenny at inikutan ako.. "hoy! ano bang nangyayari sa into at hindi niyo ako kinakausap? chaka ang wierd ng mga tingin niyo ah.."

Bigla namang nag-appear yung dalawa sabay sabing " Pwede.. !!"

Lagay mo na jan, Marco Sanchez.. Then bigay mo na kay mr. Castillo" utos ni France kay Jenny. Syempre pinigilan ko, bigla-bigla na lang nila nilalagay yung pangalan ko na hindi ko alam kung para saan..

"teka! teka! ano ba yan? bakit niyo nilalagay yung pangalan ko jan?"

TOINKxx...

" ano bang tinatanong-tanong mo pa jan, pinabasa na namin sayo di ba?" pagtataray sa akin ni France, ang aga-aga naman nitong high blood hindi ata ito nag-almusal.

"sandali ! ako ang isasali niyo jan? ayoko! wala nga akong kaalam-alam jan e."Tumayo naman si Jenny saka ako inakbayan.

"alam mo kasi Marco.. napapansin namin na talagang papanindigan mo yang pagtatago sa nararamdaman mo para kay Leian, kaya as a loving friends we decided na tulungan ka." sabi niya, magsasalita na dapat ako nang ilapit niya yung bibig niya sa tenga ko " at sa tingin namin .. this is the right time for the start"

Tumayo din si France at umakbay sa akin " Therefore, whether you like it or not, ikaw ang magiging partner ni Leian.. okay?" dagdag ni France.

"a-aaray!! alis-alisin niyo nga yang mga braso niyo sa balikat ko, ang bigat kaya.." reklamo ko " tsaka a-yaw ko sumali jan.! mamaya ako pa makasira kay Leian." sabi ko, saka ko iniwan sila doon.

"ang arte mo ah! " sigaw sa akin ni France.

" whatever!! " sigaw ko din.

Nagdidiscuss ang prof namin pero ako tulala.. Iniisip ko yung mga pinagsasasabi nung dalawa! Oras na nga kaya para iparamdam kay Leian na mahal ko siya? e.. matagal ko ng ginagawa yun, hindi lang talaga niya mapansin! Hay.. gustuhin ko man na samahan siya dun sa pageant na yun kaya lang wala talaga akong kakayanan na humarap sa maraming tao...

Ethan's POV 

" oh.. himala! ang aga mo atang gumising, may lakad ka ba bago ka pumasok?" tanong sa akin ni Tita na gulat na gulat. Well, nakakagulat naman talaga.. imagine 6am gising na ako samantalang ang regular na gising ko is 9am kahit na may klase ako ng 7:30-8:30am.. hehe! madalang ko lang attend-an yung subject ko na yun,tsaka every thrusday lang naman yun. Ngumiti na lang ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi, na ipinagtaka ulit niya.. "mukha ka naman walang sakit, at ang ganda ng gising mo pero..."

"ah, e.. si Imhiy Tita? tulog pa ba?" tanong ko. Nginitian niya lang ako ng may halong meaning, yung parang alam na niya ang sagot sa lahat ng tanong niya.

"I see... Yes, nasa kwarto pa!" umupo na ako sa harap ng hapag para mag-breakfast.

"So, what can you say about IMhiy?" tanong ko na may halong pagmamayabang.

"Well, she's nice, simple and quite.. I like her, she's beautiful inside and out." sagot niya. Napangiti naman ako sa comment niya kasi ganun din ang tingin ko kay Imhiy. Syempre marunong kami tumingin ng tunay na ganda!

" You're right Tita, that's my type."

" ano pa kaya pa naayusan siya, hindi ba?"

Kinuha ko yung phone ko at pinakita ko yung mga photos ni Imhiy na kinuha ko from her USB "Like this?''

"wow! siya ito?" sabi ni tita, sabay hablot sa akin nung phone ko. "Saan mo naman nakuha ito? at talagang may sariling album ah.."

"sa USB niya, naiwan niya sa sasakyan ko."

"alam niyang may copy ka nito?"

" of course not! baka magalit yun pag nalaman niya." Hindi na nagsalita pa si Tita at tinignan pa yung ibang pictures ni Imhiy sa phone ko. "kailan mo balak magtapat?" biglang tanong ni Tita.

Napasimangot naman ako na kahit na dapat ay matuwa ako dahil hindi siya disagree sa nararamdaman ko kay Imhiy, unlike my sister!! Pero kasi to be honest, hindi ko alam kung kailan ko magagawa yun or magagawa ko pa ba?

" i don't know." simpleng sagot ko. Mukha namang nahalata ni Tita na nagbago ang mood ko, tinapik niya ako sa balikat .

" It's okay Ethan, there's a right time for that.. wag mo madaliin" sabi niya "but for now, I have a surprise for you." ano naman kaya yun? saka niya inabot sa akin nung box "here!"

"wow! may ribbon pa on top! What's  tihis Tita?"

"Open it.. para malaman mo. I'm sure magugustuhan mo yan."

"talaga lang ah.." Nakita ko yung ngiti ni Tita na may ibig-sabihin na naman. Lalo akong naexcite nung sabihin niyang 'I'm sure magugustuhan mo yan' alam naman kasi ni Tita na sanay na ako sa mga gifts. Nung mabuksan ko yung box agad kong kinuha yung laman.

"Tita! ano ito?"

"pictures!! pictures niyo ni Leian kagabi.. ang sweet niyo nga jan oh.." sabi pa ni Tita.. akalain mo ba namang pumasok pa sa isip niya na kuhanan kami ng pictures e, nadisgrasya na nga yung tao. "at dahil jan, I think... mas maganda kung ikaw ang magiging kapartner ni Leian sa pageant." ngiting -ngiti niyang sabi sa akin.

"wala pang partner si Imhiy?" di ko makapaniwalang tanong. Nagbago naman ang expression ng mukha ni Tita saka ako binatukan.

"para ka talagang walang alam sa mundo e, noh? Bumalik ka na nga ng planetang Mars." sarcastic na sagot ni Tita, hindi na ako kumibo.. baka kung ano na naman ang sabihin niya or worst matusok na niya ako ng hawak niyang tinidor.

"basta Tita, wala dapat makaalam ng mga ito ah..''

"ow' sure."

"thanks, tita." Maya-maya nag-ring yung phone niya at mukhang may pupuntahan siya.

" ahm.. Ethan, I have to go.. ngayon pala yung appointment ko dun sa parents ni Leian, ako kasi ang pipili ng designs ng gowns niya para sa pageant." sabi ni Tita habang nagmamadaling ayusin yung mga gamit niya." ikaw na ang bahala kay Leian ah, wag kang gagawa ng himala jan!" pang-aasar ni Tita.

"Hindi noh.. Tita talaga oh!"

"haha.. sige, sige bye!" spaalam ni tita at nagmaali ng lumabas. Ako naman naiwan sa dining area habang tinititigan yung gift sa akin ni Tita.

A Fan Girl (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon