A Fan Girl 4

51 2 0
                                    

Chapter 4

Ethan's POV 

Nasa harapan ako ngayon ng laptop nang bumalik sa isipan ko yung nangyari kahapon.

(flashback)

"bakit ang tagal mo ?" tanong ni Sarah kay Daniel. Si Sarah ang bagong ka-fling ni Daniel.

"sorry babe, nakakagulo kasi canteen e. Siksikan, hirap makalabas " paliwanag ni Daniel.

"bakit? anong nangyayari doon? " tanong naman ni Miggy.

"not sure, pero yung consert ata natin yung pinag-aawayan nung 4 first year students. " Daniel

Natigilan ako sa ginagawa ko nung marinig ko yung sinabi ni Daniel. Agad pumasok sa isipan ko si Carla.

"Hindi kaya isa si Carla dun? " sabi ko sa sarili ko.

Nag-excuse ako sa mga kasama ko para pumunta sa canteen at siguraduhin kung isa ba talaga sa mga babaeng yun si Carla. Matagal ko naman na kasing alam na head over heels sa akin yun. hehe..

Pero bago pa ako tuluyang makapasok ng canteen, may nakabunggo akong babae na tumatakbo palabas ng canteen at nagpipigil ng luha.. It's Carla.

Gusto ko sana siyang sundan pero mukhang kailangan niyang mapag-isa,. At dahil hindi ko alam ang tunay na nangyari, hindi na siya naalis sa isipan ko at di na ako nakapagfocus sa rehearsal namin. Idagdag pa yung nakita ko silang magkasama ni Marco at kung makakatitig si Carla sa kanya akala mo tutunawin siya sa titig.. BADTRIP !!

(end of flashback)

Marco's POV 

Nakatitig ako sa whole body mirror sa kwarto ko. Mag-iisang oras na akong nag-aayos ng sarili ko sa pagpasok, hanggang sa matanong ko sa sarili ko

"ano bang kulang sa akin, at hindi ako mapansin ng taong mahal ko? "

" MARCO !! bumaba ka na jan at mag-aalmusal na tayo. !" sigaw ni mama

" opo, nanjan na po !!!" sigaw ko din, napaka-wrong timing talaga ni mama, kitang nag-eemote pa ako dito e, biglang sisigaw. Pagbaba ko nagulat ako sa tingin sa akin ni mama.

" ma, okay ka lang? bakit ganyan ka po makatingin sa akin?" takang tanong ko.

" aba.. nakaporma ka. saan ang date mo? " Mama

"date? wala nga po akong girlfriend, date pa kaya." sabi ko, saka umupo.

Maya-maya pumasok na ako, at syempre late. Ikaw ba naman humarap sa salamin ng halos isang oras at late ka pa gumising, hindi ka malalate?. At may quiz kami ngayon..

"uy, ayus-ayusin mo ang pagsagot ah. wala si Leian, wala kaming makokopyahan " bulong sa akin ni France.

"bakit, nasaan si Leian?" 

"absent si Leian" sagot naman ni Jenny.

After quiz nagcheck agad kami. Pasang-awa ang mga scores namin, May nagbago ba?

Hinila ako ni Jenny at France sa canteen, isa't kalahating oras pa kasi ang vacant namin.

" teka ! may napapansin ako sayo. " puna sa akin ni Jenny

"oo nga. bakit pormadong-pormado ka? may date ka?'" tanong naman ni France.

" sino naman idadate ko ?" balik kong tanong sa kanila.

" teka ! may isa pa akong napapansin sayo " puna ulit ni Jenny sa akin.

" ano na naman iyon? lahat na lang napupuna mo sa akin ah.!" 

"kanina during quiz, out of focus ka. Para kang may malalim na iniisip, pero hindi related sa quiz... dahil kung related yun sa quiz, hindi ganun ang scores natin" paliwanag ni Jenny na iba ang tingin sa akin.

" aha !! pansin ko din yan friend " singit ni France sa usapan.

" wait ! let me guess.. " sabi ni France at umaktong malalim ang iniisip.

After 1 minute....

" Si Leian !!" bigla niyang sigaw.

"tama ba? si Leian ang iniisip mo ? " pangungumpirma niya sa akin.

"iyon yun eh !!" at nag-appear pa yung dalawa.

" aminin...." pangungulit nila.

" don't worry atin-atin lang naman e. " sabi pa ni Jenny.

" alam mo matagal na naming napapansin yang mga pasimple-simple mo kay Leian e. " dagdag ni France.

Kung silang dalawa napapansin yun, bakit si Leian hindi ??? :(

" oo nga, gusto lang namin manggaling sayo, para sure .." Jenny

Hayst !! Wala na akong kawala sa mga ito.. 

" oo na ! oo na !! tama lahat ng sinabi niyo " pag-amin ko sa kanila.

Tumabi si Jenny sa akin at niyakap yung braso ko.

" aw !! wawa naman si Marco my labs ko. Hindi siya pinapansin ni friend " pang-aasar sa akin ni Jenny.

" hoy ! loko ka. may pinagdadaanan yung tao, inaasar mo pa. " saway ni France kay Jenny.

"ow .. sorry, peace tayo mylabs. " saka binitawan ni Jenny yung braso ko.

" pagpasensyahan mo na si friend ah !! sa ngayon kasi pinagpapantasyahan pa din niya sa Ethan e.. But don't be feel sad, mas boto naman kami sayo para kay Leian kesa kay Ethan na yun ." pagco-comfort nila sa akin.

" thanks ." sabi ko at tinuloy na namin yung pagkain namin...

A Fan Girl (ON-HOLD)Where stories live. Discover now