A Fan Girl 5

44 2 0
                                    

Chapter 5

Leian's POV 

" kuya !!! "  sigaw ko habang nandito sa tabi ng gate.

"sandali .... ang aga-aga pa naman nagmamadali ka masyado " sabi sa akin ni kuya Carl.

Kailangan kasing may kasama ako papunta at pauwi galing concert. Si kuya Reign sana ang isasama ko kaya lang nasa Laguna siya kasama yung mga ka-club members niya.

"napakabagal kasi kumilos " 

" hindi ako mabagal, masyado ka lang nagmamadaling makita si Ethan mo ." pang-aasar ni Kuya.

oh, di ba? kilalang-kilala ng family ko si Ethan.. malamang celebrity e. hehe!!

Pagdating namin sa covered court, konti pa lang ang tao. paano ba naman kasi 5pm pa lang nandito na kami e, 8pm pa naman ang start... heheh!! di ako masyadong excited noh?

Maya-maya dumating na sila Marco, Jenny, at France, dumating din yung girlfriend ni kuya Carl na si ate Star.

Lumapit sa akin si Kuya Carl at binulungan ako

"aalis kami ni ate Star mo, text mo na lang ako pagpauwi ka na para sabay tayo at di makahalata si Mommy. " saka bumeso sa akin si Kuya.

Ang adik talaga nitong Kuya ko, iiwan ako dito, masolo lang si Ate Star.. Pero okay na din yun, atleast magagawa ko ang gusto ko.

Nagstart na ang concert at maganda ang pwesto namin. Huling nagperform ang MIN5.. Nung sila na yung nagpeperform, sobarang ingay ng mga nanunuod. Kanya -kanya silang tili.

(performing MIN5- what makes you beautiful)

" ETHAN PEREZ !!!!!!" sigaw nung mga babae, kasama ako hahaha.

After nilang magperform, nagbow na sila.

"I-SA PA!! I-SA PA !! " sigaw ulit ng mga audience.

"paano ba yan, may request ang ating mga audience. mapagbibigyan niyo ba? Mr. Ethan, at mukhang ikaw ang pinaka-iniidolo ng mga kababaihan.."  tanong nung emcee na bakla.

Ngumiti muna siya bago nagsalita

" of course.. alam niyo namang malakas kayo sa amin eh.. " sabi ni Ethan sa mga audience kahit na halata sa kanya na pagod na pagod na siya.

Next na pinerform ng MIN5 yung Like a Rose, kasama ng ibang members sa stage yung mga girlfriends nila. Bago sila magstart umalma yung emcee.

"i think unfair naman kung walang partner ang ating leader.. " -emcee

Hindi nakapagsalita si Ethan, hanggang sa may babaeng umakyat para maging partner niya.

Sobra akong naasar dahil yung babae na yun, yun yung nakasagutan nila Jenny at France sa canteen.

Nung makita ni France at Jenny yun, nainis talaga sila.

" BOO .!!! " sigaw nila Jenny with thumbs down, na sinabayan pa ng ibang audience ...

" wait !!! para fair ... Ako ang mamimili " sabi ni Ethan

Nawala ang simangot ko sa mukha nung marinig ko yun. Dahil umaasa ako na, ako ang pipiliin niya kahit na kasing liit ng langgam ang chance na mangyari yun.

Hiyang- hiya namang bumaba ng stage yung babae, Pero wala siyang magagawa, ayaw sa kanya ng Ethan ko. hehe..

" wow !! sino naman kaya ang lucky girl na yan ?? " -Emcee

Muli akong sumimangot nang makita kong sa bandang likuran siya nakatingin at mukhang doon pipili, e.. nasa harapan kami :((

A Fan Girl (ON-HOLD)Where stories live. Discover now