A Fan Girl 9

35 1 0
                                    

Chapter 9

Ethan's POV 

Nakita ko na naiinip na si Carla sa lobby kaya nilapitan ko siya. But I pretend na hindi ko siya kilala nung nakayuko pa siya.

" Miss, pwede maki-share ng table?" tanong ko, pero parang hindi niya ata narinig kasi hindi siya sumagot. Kaya inulit ko.

" miss, pwede maki-share ng table?" this time nrinig na niya ako. Kitang kita sa mga mata niya ang pagkagulat nung makita ako.

" oh.. Carla ikaw pala.. Are you alone?" tanong ko sa kanya, although alam kong siya yun. Syempre para hindi halata.

Simula nung umupo ako sa harap niya madalas ko siyang nakikita na nakatingin sa akin at tulala .. Sino ba naman kasi ang hindi mapapatulala sa akin di ba? hehe.. ang Hangin lang,

Nagkwentuhan kami sandali, until mapatingin ako sa bracelet na ipinagawa ko. Tinanong naman niya ako..

" Bakit Imhiy ang nakalagay? pangalan ba yan ng girlfriend mo?" Hindi ko naman alam ang isasagot ko, dahil nangako ako sa sarili ko na sasabihin ko lang ang ibig sabihin nun, sa tamang panahon. At sa tingin ko hindi pa ito yun, kaya pinilit kong iwasan ang tanong niya ng hindi niya nahahalata.

" Huh? akala ko ba fan kita, pero bakit hindi mo ata alam ang tungkol sa akin?" way ko para maka-iwas sa tanong niya.

Napansin kong sumimangot ang mukha niya nang  marinig yung sinabi ko. Sorry Carla I didn't mean that. Nag-isip ako ng paraan para makabawi sa kanya.

" Joke lang, eto naman .. nakasimangot agad." Umakto ako na parang nag-iisip " ahm.. dahil ito ang nakapagpasimangot sa'yo, Imhiy na lang ang itatawag ko sa'yo."  Ngumiti siya sa akin, pero alam kong fake yun. Nagchange topic ako, baka kasi lalo ko pang magalit ito.. Pero infairness  ang cute niya mainis. Kaya lang wala talaga akong lusot sa kanya.. Hayst!!

" Teka.. Ano bang ibig sabihin ng Imhiy?" tanong ulit niya. Wala na akong maisip na maisagot kaya ang sabi ko na lang " malalaman mo din, in the right time." Nakita ko namang napasimpleng ngiti siya nung sabihin ko yun.. Ano naman kayang pumasok sa isip niya at napangiti siya?

" ano nga pa lang gingawa mo dito? may sakit ka ba?" Hayst !! daig ko pa ang nasa isang Press Conference ngayon sa ka ba ah.. Talagang napapaisip ako sa mga tanong niya. Ano naman kasing isasagot ko sa kanya, e.. ako mismo hindi ko alam ang dahilan kung bakit ako nandito.. Basta ang alam ko nung naktita kong umalis yung sasakyan nila kasama siya, sinundan ko hanggang sa eto na.. Stalker na ang labas ko..

Pero syempre napakabait talaga ni God at nakalusot ulit ako. Dumating kasi ang Mommy niya.. Nagulat si Imhiy nung tawagin siya ng Mommy niya.

" oh.. Mr. Perez, right?" tanong sa akin ni tita.. Hindi na ako nagtataka kung bakit kilala niya ako. Madalas kasi ako sa TV commercials, ayoko pa kasi sa mga movies. I slightly bowed my head bilang pag-galang.

" yes, tita."  sagot ko.

Nag-usap muna sandali ang mag-ina, at mukhang may ibang pupuntahan pa ang Mommy niya at maiiwan si Imhiy.. Kaya abot langit ang ngiti ko.

Pag-alis ni tita, tinawag ko si Imhiy para umupo na.. "Imhiy.." una kong tawag sa kanya, pero hindi ako pinansin .. di niya ata ako narinig "Imhiy.." pangalawang tawag ko pero, wala pa din. "Imhiy.." pangatlong tawag ko pero wala pa din, kaya tumayo na ako at hinarap siya..

Napangiti ako sa kanya. Kaya pala hindi ako pinapansin.. kasi nakapikit. Ano ba ito? tulog or may ini-imagine lang? Nilapit ko yung mukha ko sa kanya saka siya tinitigan.

"ay! bakla!!" Napangiti naman ako, ang cute niya pag nagugulat.

" ano ba kasing iniisip mo? at nakuha mo pang pumikit jan?kanina pa kaya kita tinatawag" sabi ko saka ako bumalik sa pwesto ko.

" ah ! eh.. w-wala.'" Alam kong palusot lang niya yun, kaya biniro ko siya.

"siguro.. iniisip mo na, masosolo mo ako ngayon noh?" ngiting sabi ko sa kanya na may halong pang-aasar. "Joke lang, binibiro lang kita." bawi ko, baka kasi magalit na naman.

Maya-maya napansin kong balisa si Imhiy..

" Imhiy, bakit? may problema ba?"  worried kong tanong sa kanya.

" ah.. eh.." yun lang ang naisagot niya sa akin, kaya lalo akong nagworry sa kanya.

" may masakit ba sa'yo?"

" ahm.. ano kasi.. kailangan ko nang umalis, may pasok pa kasi ako." Nung marinig ko yun, parang medyo nalungkot ako.. Kaya para naman makasama ko pa siya kahit saglit, nag-offer ako na ihahatid ko na siya sa school pero tinanggihan niya.

" ah, sige.. mag-iingat ka hah? Imhiy" Nginitian lang niya ako. Then when she's about to leave, I hold her hand.. Gusto ko pa siyang makasama, pero hindi ko alam kung bakit ito ang lumabas sa bibig ko..

" pwede bang wag mo na munang ipagsabi sa iba na accidentallly met here?" Tss.. bakit yun ang nasabi ko??? Kasabay ng pag-absorb ng utak ko ang katangahang sinabi ko, ang pagbabago ng aura ni Imhiy.. Lintik kasing bibig ito ee.. Pahamak!!

"S-sure" sagot niya at tuluyan na siyang umalis. Hindi man niya sabihin, pero ramdam ko ang pagka-disappoint niya.

" I'm sorry, Imhiy" bulong ko sa sarili ko.

-------------*

VOTE and COMMENT po!!

A Fan Girl (ON-HOLD)Where stories live. Discover now