CHAPTER:(FORTY SEVEN)

18.9K 152 31
                                    

CHAPTER:(FORTY SEVEN)

Napatingala ako sa may ari nang payong na nag-sasangga ngayon sakin para hindi mabasa nang ulan.malungkot siyang ngumiti sakin,hinawi niya yung ilang hiblang buhok na tumakip sa mukha ko at pinahid ang naglandas na luha sa mga mata ko.

bumalik ako kasi alam ko mas mahihirapan kang mag-isa,bumalik ako kasi alam ko wala kang maiiyakan,bumalik ako kasi alam ko kailangan mo pa nang taong masasandalan habang hindi pa siya bumabalik sa tabi mo..”

Near..tumayo ako at niyakap ito nang mahigpit “bakit ang bait-bait mo sakin?bakit kailangan mo itong gawin sakin?”humahagulgol na wika niya

kasi,ganun daw pag nagmahal,kailangan ibigay mo kung ano ang makakapag pasaya sa taong minamahal mo. kahit pa nga hindi niya magagawang suklian ang pag-ibig mo.sobrang mahal kita Odin kaya tutulungan kitang maging masaya at maibalik ang ngiting nawala sayo nung nawala siya.

Hindi ko alam kung pano kita mapapasalamatan,hindi ko alam kung anong dapat kong ibigay na kapalit sayo sa lahat nang tulong mo sakin..

shhh!sapat nang Makita kitang ngumiti at hindi umiiyak,sapat na yun bilang pasasalamat mo.ilang minuto din kami sa ganung posisyon hanggang sa inihatid na niya ako sa bahay ko

Hindi ako ganong nakatulog nung gabing iyon.iniisip ko kung saan ko sisimulang hanapin si Harley.ngayon na alam kong buhay ito,gagawin ko ang lahat para magkasama ulit kami.kailangan ko ding hanapin si Ara dahil alam ko ito ang makakapag bigay sakin nang kasagutan sa mga katanungang bumabagabag sakin

Kinabukasan pumunta ako nang agency nila Harley halata namang nagulat ang mga ito sa pagdating ko,pero tulad nang naiisip ko mukhang tinatago nila si Harley at Ara,nag resign na daw si Ara sa trabaho at para ma confirm ko iyon tinawagan ko si Throwie na nagsabing nag resign na nga daw talaga ito sa trabaho

Pero hindi ako susuko alam ko makikita ko siya.palihim kong sinundan yung isang miyembro nang FEARLESS team.ang team na kung saan si Harley ang pinaka leader.hahanapin kita Harley saang sulok man nang mundo at hindi ako papayag na tuluyan kang mawala sakin at matupad ang sinabi ni Ara noon na mapapasakanya ka.

Medyo malayo na yung nilalakbay nila at masyado nang magubat yung dinadaanan nila.maingat yung ginawa niyang pag subaybay dahil ayaw niyang matunugan siya nang mga ito na sumusunod siya.sa isang simpleng bungalow na bahay naman tumigil yung kotse.

Napangiti siya nang Makita niya si Ara na lumabas at makipag-usap sa isa sa miyembro nang Fearless team.pagkatapos nang pakikipag usap nito sa mga iyon.pumasok na si Ara sa loob nang bahay at umalis na yung team.

Mabilis naman siyang bumaba nang kotse nang mawala na ang mga ito.kumatok siya sa pinto nang bahay na pinasukan ni Ara.miya-miya lang nagbukas na iyon.halos mapa-awang naman ang bibig ni Ara nang masilayan ako.masamang tingin ang binigay ko dito at walang pasabing pabiglang pumasok sa bahay nito

anong ginagawa mo dito?!”pinigilan ako nito sa akmang pag bukas ko sa isang kwarto

GETTING TO KNOW EACH OTHER ON BED(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon