CHAPTER:THIRTEEN

36.9K 273 14
                                    

AN:

Bwahaha.sa mga naghihintay eto na.na miss nyo ba ang tambalang memory at codilyn?.at higit sa lahat na miss niyo bang BS nila?oh ayan na.naunang nagpaputok ang dalawa sa new year na paparating..haha.salamat sa mga bagong nag-add at nag fan sakin..salamat-salamat talaga at sa new friend ko dito..tnx u sis..dedicate ko ito sau."OH MY GEL"..tnx u.ntutuwa tlga ako sa mga gusto akong maging friend..tingin sa gilid picture ni memory nung tulog siya.

love

kim_rhoj


>________________________<


CHAPTER:THIRTEEN

Hinahaplos-haplos ko ang ulo ni Memory habang natutulog ito.nauna na itong matulog kasi mukhang pagod ito sa trabaho,hanggang ngayon napapangiti parin ako habang naiisip yung mga ginawa naming pag-gagala nung nakaraang linggo

Super nag-enjoy talaga akong kasama siya.hindi ko akalain na talagang masarap siyang kasama.siguro siya na talaga yung lalaking pinapangarap ko.bukod kasi sa nakikita kong talagang kabaitan nito.masasabi ko din na napaka swerte nang taong makakasama nito habang-buhay

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at kinuha yung sketch pad ko.gusto kong I-drawing ang mukha nito.malapit narin naman mag Christmas.at ito ang naiisip kong ireregalo ko sa kanya.umupo ako paharap dito at simulang I-drawing ang mukha nito

Halos hindi ko na namalayan ang oras.nasisiyahang napangiti ako nang Makita ang ginawa ko.natapos ko na din sa wakas.napakunot-noo naman ako nang pag tingin ko sa unahan ko wala na si memory sa higaan nito.

ang ganda naman sweety!yumakap ito mula sa likod ko habang nakangiting nakatingin sa drawing ko.kaya bigla ko tuloy nayakap yung drawing na ginawa ko

ah..bakit?panong?!hindi ko na malaman kung ano bang tanong ang sasabihin ko sa kanya

haha!ikaw talaga sweety,parang gulat na gulat ka naman sakin.

kasi naman po!kanina lang tulog na tulog ka diyan tapos ngayon nakatayo kana!tumawa na naman ito na ikinangiti ko na din

kanina pa’ko gising sweety.nahihirapan lang akong bumaling kasi mukhang hindi kapa tapos sa ginagawa mo!asar na hinampas ko naman ito sa braso

tss.kanina kapa pala gising bakit hindi mo sinabi?!”

eh kasi nga po.hindi kapa tapos!nag pout pa ito.lalo tuloy itong gumwapo

hmp!!pinagtatawanan mo siguro ako kanina habang patingin-tingin ako sayo.mas malakas naman ang tinawa nito

ikaw talaga sweety!pano kita mapapagtawanan eh nakapikit pa nga ako.patingin ko nga ulit yang ginawa mo.akmang kukuwanin nito yung sketch pad ko nang pabigla akong tumayo

GETTING TO KNOW EACH OTHER ON BED(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon