CHAPTER:(FORTY NINE)

22.1K 192 76
                                    

CHAPTER:(FORTY NINE)

HARLEY’S POV

Walang imikan na bumalik kami lahat sa hideout.may isang lugar kung saan doon kami nagtitipon lahat para sa mga misyon namin na kailangan idiscuss.si Ara nalang yung pumasok sa loob nang hideout at nakipag usapan sa bossing namin.

Patang-pata na umupo ako sa gilid nang kotse at inilabas yung sing-sing na dapat sana ibibigay ko sa araw na yayain ko nang magpakasal si Codilyn nang tunay.gusto ko na siyang makasama habang buhay pero nangyari ang tragedy na hindi namin inaasahan.

Akala ko noong mga panahon na naaksidente kami katapusan ko na.mabuti nalang at nagawa pa akong iligtas ni Ara.pinilit niya akong mailabas sa kotse kahit mapapahamak din ito kung hindi ako nailabas agad.noong mga panahon na iyon nabuhay nakong patay kahit buhay ako

Nagpanggap akong patay para hindi na madamay pa si Codilyn.tahimik kaming kumikilos sa misyon namin tanging mga mapagkakatiwalaang tao lang ang nakakaalam na buhay ako.ilang beses akong nagpapabalik-balik sa condo niya masilayan ko lang ito

Isang buwan din akong halos hindi nakalakad nang maayos dahil naapektuhan ang kaliwang paa ko.sa halos isang buwan na iyon hindi ako iniwan ni Ara.palagi niya akong binabantayan at inaalagaan,alam ko na nasasaktan ko siya dahil minahal na niya ako pero hindi ko magawang tugunan ang pagmamahal niya dahil iisang tao lang ang tinitibok nang puso ko

gusto ko siyang Makita Ara,Gusto ko nang sabihing buhay ako.apat na buwan narin ang nakalipas nang maisip kong gusto ko na siyang Makita at makausap

sigurado kana ba sa desisyon mo?tumango ako

Kaya nung gabing iyon pinasya kong puntahan si Codilyn pero bigla akong natakot para sa kanya dahil nakikita ko na ulit na ngumingiti siya at unti-unti nang sumasaya.natakot akong pag napunta uli siya sakin muli na naman siyang malalagay sa panganib.

umalis na tayo Ara,mukhang hanggang dito nalang kami.

sigurado kaba?sundin mo yung puso mo Harley.tumango lang ako dito

Pero hindi ko parin matiis ang sarili ko,palagi ko siyang tinatanaw sa malayo kasi miss na miss ko na siya.palagi akong nakasunod sa kanya kasi hindi ko kayang hindi siya Makita kahit isang araw lang.sobrang hirap na halos magwala ako gabi-gabi at umiyak dahil sa sakit na nararamdaman ko

Gustong-gusto ko na siyang mayakap kaya pinasya kong kakausapin ko na siya,sinabihan ko si Ara na sa oras na makapag-usap kami ni Codilyn nang palihim dalhin kami sa isang restaurant na madalas kong puntahan noon.pero bigla akong may natuklasan at iyon ang nakapagpabago nang pasya ko

Gulong-gulo na ang utak ko.para narin akong totoong patay sa bawat araw na nagdadaan.hindi ko na kaya.kaya kahit alam kong mali nagpakita ako sa kanya.nung araw na nagpunta siya nang mall at mabangga niya ako sa mcdo,napakasaya ko na malaman na mahal niya pa ako at hindi ako nalilimutan

GETTING TO KNOW EACH OTHER ON BED(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon