CHAPTER:(THIRTY SIX)

24.7K 191 20
                                    

CHAPTER:(THIRTY SIX)

Nagising akong parang may kaguluhang nagaganap,grabeh ang ingay nila,may mga nag-uusap at merong umiiyak pa.dahan-dahan kong minulat yung mata ko,ang sakit-sakit din nang ulo ko,Malabo yung aninag ko kaya pinilit ko ulit pumikit at muling dumilat

Anakis ko,Oh my God,..napatingin naman ako sa side ko,Malabo talaga ang tingin ko,para bang hubog lang nang mukha na nakatunghay sakin ang nakikita ko

Odin?,gising na si Odin,..alam ko boses ni Nina yun,sobrang tining eh

tatawag lang ako nang doctorat siguradong si yzhel naman iyon dahil sa mahinhing boses nito

Anakis ko,anong nararamdaman mo?anong masakit sa’yo.huwaaa,I’m so scared na mawala ka sa buhay ko!shet ang drama,yung Mama ko yun sigurado  ako

Pinikit ko ulit yung mata ko,sobrang sakit talaga nang ulo ko,pati mata ko pakiramdam ko mahapdi din.naramdaman ko naman na parang may nag-ccheck sakin,yung doctor na siguro.muli akong dumilat at sa wakas nakita ko’na sila nang malinaw

Halos mapangibit ako nang Makita yung ayos nang Mama ko,magkasaklob ang dalawang kamay nito na parang nanalangin with matching tears pa.ano namang kadraman nito sa buhay?ano bang akala nito mamatay na ako at ganito ito magdrama?

Ano nga iyong tinawag niya sakin?ANAKIS DAW?!!saang lupalop na naman nang mundo niya nakuha yung salita yun?

ok na siya,huwag na kayong mag-aalala kailangan niya lang nang konting pahinga!nagpasalamat naman dito yung Mama ko at umalis na yung doctor

bakit nandito ka?asar kong sabi dito

sobra ka naman magtanong parang hindi mo ako Ina,syempre anak kita! nung nabalitaan ko ngang na ospital ka kahit nag-eenjoy pa ako sa pagbabakasyon ko sa France nagpa book agad ako nang ticket para lang mapuntahan ka?!seriously?sinong niloko niya

tumigil ka,sino namang tao ang nasa france at nakauwi kaagad nang pilipinas nang ganitong oras?

hindi lang isa o tatlong oras kang nakatulog,pangatlong  araw mo nang natutulog,nag ala sleeping beauty ka kaya napabalik tuloy ako nang pinas..napataas kilay naman ako sa sinabi nito

ganun ako kahabang nawalan nang malay?

totoo yun Odin,I’m sorry ako na naman ang may kasalanan!biglang lumapit sakin si yzhel at umiiyak na niyapos ako

ano ba?!huwag mo nga akong yakapin,hindi pa ako patay huwag niyo akong iyakan!tinanggal naman nito yung pagkakayakap sakin

GETTING TO KNOW EACH OTHER ON BED(completed)Where stories live. Discover now