Last Minute [Epilogue]

583 44 19
                                    

Last Minute [Epilogue]

•••

Tumayo ako sa kinauupuan ko at sinundan sya sa labas ng ice cream shop. Alam kong hindi magandang biro ito pero.. Sana wag naman matapos ang lahat sa ganito, ng dahil sa'kin..

"Harold!" sigaw ko sa kanya, patuloy lang sya sa pag-lalakad at hindi magawang lingunin ako. Tumakbo ako at hinabol sya, nahablot ko ang t-shirt na suot nya. Napahinto sya sa pag-lalakad nya.

"Galit ka?" tanong ko sa kanya habang hinihingal.

"Hindi." sabi nya at akmang mag-lalakad ulit sya pero humarang ako sa dinadaanan nya.

"Weee?" pangungulit ko sa kanya.

Para kaming nag papatintero sa ginagawa namin. Wala na akong paki kung tignan kami ng mga tao, ang mahalaga wag lang sya magalit at wag lang matapos ang lahat ng dahil sa'kin.

Huminto sya sa pakikipag-pantintero sa'kin, napa-buntong hininga sya sabay sabing..

"Buti na lang forever enemy kita, halika nga rito." sabi nya at hinila ako sabay yakap sa'kin.

"Happy 3rd anniversary, my forever enemy."

••• E N D •••

Last MinuteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon