LM [2]

523 28 2
                                    

LM [2]

•••

Lumipas ang araw at nanliligaw na sa'kin si Harold, bumalik ulit ang dati. Walang hanggang asaran, kulitan, pikunan. Hindi sya 'yung sweet na manliligaw, hindi sya 'yung bolero na lalaki, opposite sya sa lahat. Pero hindi ko inaasahan ang gagawin nya sa'kin..

Pag-akyat ko sa 3rd floor ng building namin may mga rose petals sa sahig, hindi ko alam kung kanino 'yun pero ang sweet ng taong gumawa 'nun. Limang hakbang papunta sa tapat ng room namin ng bigla akong mapahinto.

May isang naka-talikod na lalaki at naka-puting t-shirt, sa likod nya may naka-sulat na..

"Will you be.."

Siguro hinihintay nya ang liligawan nya. Ang swerte naman ng babaeng 'yun. Humakbang ulit ako at biglang humarap ang lalaking naka-hawak ng isang malaking cardboard na naka-takip iyon sa muka at kalahating katawan nya, may naka-sulat doon na...

"My forever..."

Humakbang ulit ako ng isa at itinanggal naman nya ang cardboard na naka-takip sa muka nya. Ang lalaking sinasabi kong sweet, ay 'yung lalaking lagi akong inaasar, lagi akong inaaway, lagi akong pinipikon... Humakbang sya palapit sa'kin habang naka-ngiti sabay sabing..

"Enemy?" napatawa ako sa sinabi nya at binigyan nya ako ng isang pentel pen. Nag-tataka naman ako doon pero tinuro nya ang nasa puting t-shirt nya at may naka-sulat doon na..

A. Yes.

B. Oo.

Sa tabi ng choices may maliit doon na box. Napangiti ako sa kanya at nilagyan ko ng ekis ang dalawa.

"Bakit?" naguguluhang tanong nya.

Sinuntok ko naman sya sa braso pero hindi malakas. "Bakit kasi enemy? Diba dapat girlfriend?"

Bigla naman nya akong niyakap sabay bulong sa tenga ko na..

"May kasabihan kasi na

...Love your enemy."

Last MinuteWhere stories live. Discover now