LM [3]

524 21 2
                                    

LM [3]

•••

"Sigurado ka?"

 

Mag-iisang oras na kaming tahimik pagkatapos ko banggitan ang tatlong salita na nag pabago ng lahat..

"Let's break-up."

 

Pagkatapos ko sabihin sa kanya ang mga katagang 'yan nag flashback lahat-lahat sa'kin, ang tatlong taon na pinag-samahan namin, ang tatlong taon na pinag-saluhan namin, ang tatlong salita lang pala ang tataob sa tatlong taon na pinagsaluhan namin..

"Oo." sabi ko habang tumatango. Ayokong tignan ang mga mata nya, ang mga matang naka-sanayan ko ng titigan ng tatlong taon..

Naka-tingin lang ako sa labas ng ice cream shop at pinanonood ang mga batang nag-lalaro.

Pag-labas namin ng ice cream shop na ito, babalik na kami sa mga sarili naming mundo. Mundo ko na wala sya mundo nya na wala ako, at hindi na namin matatawang ang 'mundo naming dalawa'. Dahil wala ng sya at ako.

Narinig ko naman syang bumuntong hininga at sumandal sa kinauupuan nya, hindi ko sinasadyang mapatingin sa kanya, buti na lang tumingin sya sa relo nya. Umiwas agad ako ng tingin mula sa kanya. "Ilang minuto na lang pala. Mag-sasara na ang ice cream shop na ito." pag-iiba nya.

Ilang minuto na lang babalik na kami sa realidad na bukas pag gising ko, hindi na ako makaka-receive ng good morning enemy :* iloveyou na text message, bukas pag gising ko hindi ko na sya makaka-usap, at bukas pag gising ko wala ng Harold sa buhay ko.

Tumingin ako sa kanya, ewan ko kung kakatingin o kanina pa sya naka-tingin sa'kin habang naka-ngiti.

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

Umiling lang sya habang naka-ngiti. "Gusto lang kita titigan habang naka-ngiti ako, gusto lang kita pag-masdan habang naka-ngiti ako. Dahil last minute na lang ang natitira sa'tin. Sa last minute na 'to, gusto ko kahit sa huling sandali, makita kang naka-ngiti lang ako. Dahil pag labas natin dito, doon ko ilalabas ang sakit na nararamdaman ko at pag labas natin dito, hindi na kita matititigan pang muli." sabi nya sa'kin habang naka-ngiti..

Tama.. Last minute na lang...

Napa-buntong hininga ako sa sinabi nya. "Tutal, last minute na lang ang natitira sa'tin dalawa pwede ko na bang sabihin na...

 

Joke lang ang lahat at gusto lang kitang asarin at pikunin? Happy 3rd anniversary enemy."

Naka-ngiti kong sabi sa kanya, pero sya biglang sumimangot at lumabas ng ice cream shop..

Last MinuteKde žijí příběhy. Začni objevovat