Pangwakas

2.5M 54.6K 29.7K
                                    

Maraming salamat at nakaabot po kayo dito. SPG:Lengahe, sexual. hehe

 Maraming salamat readers! Mahal ko lahat ng nagbabasa ng story na to. Sorry sa daming typo at iba pa... tsaka sa mga umaasang baka malaman nila kung anong sumunod na nangyari, pasensya at mabibigo kayo. Pinili kong ganito iend ang story na to dahil mahal ko si Jacob at ayoko ng closure. hahaha. sorry na. Abangan niyo sana next stories ko.

---------------------

Pangwakas

"Leo, anong pangalan nung pamangkin ni Auntie Precy Aranjuez?" Tanong ko kay Leo.

"HUH? Ewan ko. Rosie yata. Buti pa si Ron ang tanungin mo, crush niya yun eh." Sabay turo niya kay Ron na pulang-pula ang pisngi.

"Ano, Ron?"

"Roseanne L. Aranjuez. Rosie for short."

"Crush mo yun?" Tumaas ang kilay ko.

Bakas parin sa dibdib ko yung tigkal ng putik na aksidente niyang nahagis sakin kanina. Buti at nag s-swimming kami dito, niligo ko na lang sa shower yung putik.

"Maganda nga pero ang sama naman ng ugali." Sabi ko at inirapan sila. "Ang sama niya kanina." Sabay tingin ko kung nasaan siya nakaupo.

Nakasimangot siya at pinaglalaruan ang buhok.

"Maganda din yung ate niya." Sabay turo ni Leo sa naliligong ate di umano nung Rosie na yun.

Pareho silang maganda pero ibinaling ko ulit ang tingin ko sa bunsong nakasimangot.

Ang pula ng labi niya at ang kinis ng kutis.

"Jacob..." Tawag ni Eunice.

"Hmmm?"

"Swimming ulit tayo? Tara!" Anyaya niya.

"Mamaya na." Sabi ko habang pinapanood si Rosie.

Sa unang araw ng eskwela, magkatabi kami ng mataray na babaeng yun. Bakit kaya ganyan? Minsan talaga pinaglalaruan ka ng tadhana. Dahil alam ng tadhanang ayaw mo, pagtatabihin pa talaga kayo.

"Aranjuez, Buenaventura" Sabay turo ni Mrs Gonzalo sa huling upuan na para saming dalawa.

Malamya akong lumapit doon. Nagkatinginan kami ni Ron at Leo. Pareho silang umiling. Alam nilang ayaw ko sa maarteng babaeng ito. Believe me, Ron. Crush mo siya diba? Payag talaga ako kung magpalit tayong dalawa.

Napailing ako nang naamoy na ang pabango niya. Lumapit na siya at umupo sa tabi ko.

"Kung ayaw mo sakin eh mag protesta ka kay Mrs Gonzalo!" Pabulong niyang sinabi.

Baka Sakali 1 (Alegria Boys Series #1) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon